62nd Plan

42K 496 28
                                    

"Zeria!" Napabalikwas ako ng bangon at biglang sumakit yung kanang bahagi ng ulo ko.

Pagkahawak ko, may benda pang nakalagay sa ulo ko. Bumukas ang pinto at iniluwa nun si mama. Halos patakbo niya kong dinaluhan at niyakap.

"Awa naman ng Diyos at nagising ka na."

"Mama... nasan si Zeria?" Binitawan ako ni mama at biglang nagbago ang anyo niya. Galit ang nakita ko sa mga mata niya.

"Pinaalis ko na sila kahapon anak."

"B-bakit?"

"Nilait lait tayo ng nanay ni Zeria, anak. Sinabi niya na eto ang nababagay satin. Na dapat lang sa'yo na maaksidente ka."

Nabuhay ang galit sa dibdib ko ng makita kong umiyak si mama. Niyakap ko siya ng mahigpit habang pinapatahan ko siya sa pag iyak.

Dalawang araw pa kong namalagi sa hospital. Medyo lumalaki na yung bill na kailangan namin bayaran dahil nasa private room ako. Sinasabi ko kay mama na ilipat na lang ako sa ward o kaya naman idischarge na ko para hindi na lumaki pa ang gastos. Pero hindi niya sinang ayunan yung suggestion ko. Mas okay na daw na nasa maganda kong kwarto. Mas naaasikaso pa ko kaysa dun sa mga nasa ward lang.

Dinalaw na rin ako ni Ms. Ella at nang iba ko pang mga classmate. Hindi na sila nagtanong kung bakit ako naaksidente. Wala na ring nag open up ng tungkol kay Zeria. Nag abot din sila sakin ng tulong pinansiyal na iniikot pa nila sa mga classroom para lang makalipon ng pera. Malaking tulong na rin yun sa bubunuin pa ni mama.

Nangako ako sa sarili ko na paglabas ko dito sa hospital, hindi ko na siya iisipin. Kakalimutan ko ng minahal ko siya. Pagbubutihin ko ang pag aaral ko para maiahon ko sa hirap si mama.

Pag kauwi namin sa bahay, lanta na yung mga gulay na mga tanim sa harap at likod ng bahay. Yung iba naman ay nabubulok na.

Naglakad lakad ako sa likod ng bahay. Napansin ko na wala ng maingay kaya naman nagpunta ako sa dulo. Sumikip yung dibdib ko ng makita ko na wala na yung mga alaga kong baboy at mga biik. Halos takbuhin ko si mama sa loob ng bahay.

"Nasan yung mga alaga kong baboy?"

Malungkot siyang nayuko. "Binenta ko na anak."

"Ma! Bakit mo binenta? Ipang tutustos ko yun sa kolehiyo."

"Gagawa na lang ako ng ibang paraan."

"Pero ma naman. Sana nag tira ka ng isang biik para maging inahin. Para atleast mapaparami ko pa yun."

"Ipinambayad ko yun sa hospital ng makalabas ka na!"

Wala akong nagawa kaya pumasok na lang ako sa kwarto ko at nag kulong. Halos dalawang taon na lang at mag kokolehiyo na ko. Wala na kaming ipon, wala pa kaming pag kukuhaan ng pang gastos. 

Araw araw akong pumapasok sa school na wala halos na baon. Kung meron mang ibinibigay sakin si mama, iniipon ko yun dahil gusto kong paghandaan ang pang kolehiyo ko. 

Bumalik yung dating ako... suplado. Walang kinakausap na kaklase, at puro pag aaral ang inaatupag. Dahil gusto kong may mapatunayan ako. 

Natapos ko ang highschool na valedictorian. Halos lahat ng best at awards nakuha ko. Si Annie naman ang salutatorian. Meron din akong natanggap na cash mula sa local government.

 Buti pa yung iba... malayang makakapag college ng walang iniisip sa gastos. Samantalang ako, pag kagraduate na pag kagraduate, nag hanap agad ng trabaho. Lahat ng puntahan ko, sinasabi sakin na tatawagan na lang nila ako. Hanggang sa sinubukan kong lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon