41st Plan

42.3K 656 94
                                    

"Anak... umuwi na muna tayo. Natuyuan ka na hindi ka pa nakakapag palit. Baka ikaw na ang magkasakit niyan."

"I'm not going anywhere mommy... dito lang ako sa tabi ni Bryle."

"Zeria... mamaya dumating yung mama ni Bryle--"

"I will ask for her permission to stay with Bryle, mom. I'm okay... you can just go. Makakasama sa'yo... you're pregnant, don't you ever forget about that."

"I'm not, okay? Ikaw ang concern ko dito--"

"Mommy... please? Gusto ko pag nagising si Bryle, ako yung una niyang makita. I should've face all the problems... look at what happen. It's my fault mommy... it's my fault."

"Zeria.. don't blame yourself. Everything will be alright... trust me."

Tinanguan ko na lang si mommy at hinawakan ang kamay ni Bryle... muntik na siyang mawala sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag mas malala ang nangyari kay Bryle...

"I have to go, baby Z. Text me okay? Magpapahatid muna ko kay Mang Edgar, sasabihan ko na lang siya na hintayin ka."

"Okay mommy. Take care..." niyakap ako ni mommy at hinalikan niya ko sa noo. Lalabas na sana siya ng pinto pero tinawag ko siya, kaya naman nilingon pa niya ko.. "thank you." Pabulong na sabi ko sa kanya. Nginitian lang niya ko at lumabas na siya ng hospital room.

Tinignan ko si Bryle... naawa ako sa kanya. May bandage siya sa ulo, may pasa at galos siya sa mga braso niya. Buti na lang eto lang yung natamo niya.

"Bryle... I'm sorry for everything... I just wanted to be fair with you, that's why I chose to leave and break up with you. What if I told you everything? Would you tell me why your mom hate me? Dalawa na lang kayo Bryle... at magiging labag sa loob ko kung ako yung magiging dahilan ng hindi niyo pagkakasundo... am I selfish? Or... selfless?"

Tumayo ako at hinalikan si Bryle sa pisngi... sana magising na siya para masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal...

"Tignan mo na kung anong nangyari sa anak ko!!"

Nagulat ako dahil hindi ko naramdaman yung pagdating ng mama ni Bryle.

"Umalis ka na dito!" Pabulong pero madiin niyang sinabi sakin. "Sinasabi ko na nga ba at wala kang maidudulot na mabuti sa anak ko! Naaksidente siya dahil sa'yo! Mapapabayaan niya ang pag aaral niya at paano ang kinabukasan niya? Ha? Sarili mo lang ang iniisip mo! Palibhasa mayaman kayo! Hindi mo iniisip ang kinabukasan mo!" Nanginig ako sa takot dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata ng mama ni Bryle.

"H-hindi po. May... m-may pangarap po ako. Mahal ko po si Bryle... s-sorry na po kung ano man yung nagawa ko na hindi niyo nagustuhan. N-nung sinunod ko po ang gusto niyo, eto po yung nangyari samin ni Bryle."

"At anong gusto mong palabasin? Ha? Na ako ang may kasalanan?"

"H-hindi po--"

"Umalis ka na!" Hinawakan ako ng mama ni Bryle sa braso at hinila niya ko papuntang pinto.

"Please po! Please!" Narinig kong umiingit si Bryle kaya naman humakbang ako papunta sa kanya pero pinigilan ako ng mama niya.

"Umalis ka na dito! Hindi ka kailangan ni Bryle! Sisirain mo lang ang buhay niya!"

Nagbagsakan na yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan... I feel so hopeless.

"S-sandali lang po... magkakamalay na si Bryle..."

Hindi ako pinapakinggan ng mama niya, hinila pa rin niya ko papuntang pintuan at binuksan niya to.

"Eto na ang huling beses na makikita kitang malapit sa anak ko! Wag na wag mo ng susubukan pa ulit na lumapit sa kanya! Naiintindihan mo?!"

Umiling iling ako at hindi na makapag salita dahil sa sakit ng lalamunan ko. Marahan akong itinulak ng mama niya palabas ng hospital room. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harap ng pinto.

Lutang na lutang ako habang naglalakad papuntang parking lot.

This is too much! She's too much and over reacting things! And I don't understand her! Baluktot! Baluktot ang mga paniniwala niya! I couldn't imagine how smart Bryle was... and what about her mother? She's a narrow-minded monster...

She hates me... fine! I hate her too!

Kakatakbo ko papuntang parking lot, hindi ko namalayan yung humps kaya bigla akong na-trip at bumagsak sa kalsada.

Nagulat ako sa kalabog kaya naman kahit medyo hilo pa, sinubukan kong maupo sa kama.

Bigla na lang bumukas ang pinto at nandun na si mommy, kasama si Harv.

"What are you doing here?"

"What are you doing to yourself? Are you back to being yourself again nine years ago?"

"Eight years mommy."

"Whatever!!"

"Hi baby Harv! Kiss ate..." ngumuso ako sa kapatid ko at inirapan lang ako. Ngayon na lang kasi ulit siya nakapunta dito sa unit ko.

"Stop it ate! I not a baby anymore."

"C'mon you're only eight!"

"Turning nine."

"Okay. But you're not a teen."

"Forget about it!" Tumalon si Harvey sa kama ko at nag simula nanamang mag laro ng CoC.

Tumayo ako at nagpunta sa bathroom, after kong maghilamos. Palabas na sana ko pero nandun si mommy sa may pinto.

"Annie told me everything..."

"We're just having fun, mom."

"Having fun? Seeing him in that situation? And you're still having fun?"

"What do you want me to do then? Lock myself in the room? Lose my appetite for a month? Stop working for a year? Try to kill myself again? I'm done with that mom..."

"What about now? Get wasted? Drink a lot of liquor? Tell me! Iisa lang naman ang pinag kakaganyan mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa rin makalimot at hindi ka pa rin madala dala!!"

"Araw araw kong dala dala yung sakit mommy! Siguro natabunan lang yun! Pero hindi yun mawawala! Mahirap bang intindihin yun? Araw araw ko siyang iniisip! Umaasa pa rin ako na isang araw mag kabanggaan na lang kami, tapus hihingi ako ng sorry at sasabihin sa kanya yung totoo. Na baka mapapatawad niya ko. At pwede pa rin kaming dalawa. I never stop thinking about him nor loving him!! Umaasa ako kahit konti... kahit konti lang. Suddenly, it's gone... all my hopes are gone. And it's all worthless..."

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon