59th Plan

38.9K 572 19
                                    

Pinuntahan ako nila mommy sa unit ko dahil tinawagan ko sila para magpaalam dahil bukas na ang flight ko.

"Sobra na kaming nagtatampo sa'yo ng daddy mo."

"Bakit bigla bigla ka namang aalis ate?"

"Last month ko pa naisipan na mag bakasyon muna. Hindi ko lang binabanggit sa inyo kasi hindi pa naman ako sure."

"Eh bakit mo lang sinabi? Kung kailan namang aalis ka na bukas."

"Daddy, sandali lang akong mawawala. Five months lang."

"Sa bagay, yaan niyo na si ate, matanda na yan. Isa pa, wala namang pinagkaiba kung aalis siya o hindi. Kasi hindi din siya nagpaparamdam satin." 

"Harvey!" Sita sa kanya ni mommy. 

"Ma, hayaan mo na si Harvey. Totoo naman yung sinabi niya."

"Basta sabihan mo lang kami ng mommy mo, Z, kung susunduin ka na ba namin dun."

"Dad, I'm going to be fine. Survivor ata tong anak mo." 

"Manang mana ka talaga sa mommy mo." Daddy sighed. 

Hapon na nung umalis sila mommy. Dapat daw kasi magpahinga na ko dahil mahaba pa ang flight ko to New York. Alam kasi nila na hindi naman ako sanay na sumakay sa eroplano. I also refused their offer na ihatid ako sa airport.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong tumingin ng pagkain sa ref. Tamang tama kasi mag dedefrost na rin ako.

Nakita ko yung mga pagkaing niluto ni Zylen sakin na hindi ko pala nagalaw o kahit nga tikman, hindi ko nagawa. Tinapon ko na lahat ng pagkain sa ref at nag padeliver na lang ako.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko dahil lumabas ako ng unit ko at nag punta sa upper floor. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng unit ni Zylen. Kakatok na sana ko, pero may nagsalita sa likuran ko.

"Anong kailangan mo?" Pagkalingon ko, nakatayo dun si Zylen at may dala dalang plastic ng groceries siguro.

"I-i... I just wanna apologize for what happened last week."

Tahimik lang siyang nakatingin sakin. Medyo inangat niya yung plastic na dala niya na parang inaayos niya yung pagkakahawak niya. Hindi naman ako manhid para hindi maintindihan na kunwari na bibigatan na siya sa dala niya.

"S-sorry." Umalis ako sa pagkakaharang ko sa pinto niya. Malungkot ko siyang nginitian. "Sorry ulit..."

Naglakad na ko palayo sa kanya. Pagkababa ko sa floor ng unit ko, nandun na yung delivery boy. Pagkabayad ko sa kanya, pumasok na ko sa loob ng unit ko.

Inayos ko na yung inorder ko. Kakain na sana ko, kaya lang may nag doorbell. Pagkabukas ko ng pinto, si Zylen yung nandun.

Walang nag sasalita saming dalawa. Pareho lang kaming nakatayo dun.

"Pwede bang pumasok?" Tanong niya sakin.

"Ah. Oo pala. Tuloy ka." Niluwangan ko yung pagkakabukas ng pinto at pumasok siya.

"Aalis ka?" Napansin niya yung tatlong maleta sa may gilid ng pinto ng kwarto ko.

"Oo. Dito tayo." Nagpunta ko sa kitchen at nakasunod naman din siya sakin. "Kumain ka na ba?"

"Tapos na. Nag dinner na ko pagkatapos kong mag grocery."

"I see. Maupo ka na lang diyan. Saluhan mo na lang ako."

"Sasamahan na lang kita."

Nagsimula na kong kumain, napansin ko na tahimik lang siyang nakatingin sakin. Pinagmamasdan ako.

"So... where are you planning to go?"

"M-me? Umm, Visayas area." Hindi ko na lang sinabi kung saan talaga ko pupunta.

"I should be the one to apologize." Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko at sincere sa pag hingi ng apology. "Remember the day I told you that I like you? That's true. What I saw in your eyes the first time I asked you to have lunch with me was pure pain. You're right. I don't know the whole story, kaya wala akong karapatan na husgahan ka based on what I saw. Siguro dala ng selos at inis sa'yo, kasi ang martyr mo. Hindi ko dapat sinabi yung mga nasabi ko. Masyado akong nagpadalos dalos sa mga binitawan kong salita..."

"Tama ka naman sa mga sinabi mo tungkol sakin. Ginising mo nga ako sa mga pagkakamali ko. Alam na alam ko naman na mali yung mga ginagawa ko. Pero... nabulag ako sa panandaliang kasiyahan na naramdam ko. I was just overwhelmed by the fact that he really cares about me. Pero hanggang dun na lang ang lahat. Sabi mo nga... hindi naman siya magpapakasal kung..." ngumiti na lang ako ng mapait.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon