30th Plan

36.6K 496 20
                                    


"Mama. Buti po dumating na kayo!" Hinawakan ni Bryle yung kamay ko at hinila niya ko papunta sa mama niya.

Parang gusto ko na lamunin na lang ako ng lupa, o kaha magpalit na lang kami ng mukha ni oinky poinky. Shit! Feeling ko uminom ako ng isang bote ng suka dahil sa kahihiyan. Sa dami ng pwedeng makakakita... mama pa ni Bryle.

Inabot ni Bryle ang kamay ng mama niya para magmano. "Mama, si Zeria po, girlfriend ko. Zeria, mama ko."

"G-good afternoon po Tita."

Tumango lang ang mama ni Bryle, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Ang hirap niya kasing i-predict.

"Papasok na ko sa loob Bryle. Ikaw ng bahala dito. Magpapahinga na ko."

"Sige po."

Ni-hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mama niya nung pumasok siya sa loob ng bahay nila.

"B-bryle, kailangan ko ng umalis."

"Ha? S-sige. I-text mo ko pag nakauwi ka na ha?"

"O-okay. Happy monthsary. Una na ko." Binitawan ko ang kamay ni Bryle pero hinigit niya ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Happy monthsary." Dinampian niya ko ng halik sa noo. Nginitian ko na lang siya at naglakad na ko palabas ng bakuran nila.

Kinabukasan hindi ako nakapasok, ewan ko ba. Hindi kasi ako mapakali eh. Katext ko naman si Bryle, ang dinahilan ko na lang eh, sumakit yung ulo ko dahil napuyat ako sa paglalaro kay oinky poinky.

Alas diyes pa lang ng umaga ng mapag desisyunan ko na mag punta sa bahay nila Bryle, kaya nagpahatid ako kay Mang Edgar. Nagdala na lang ako ng maliit na cake para sa mama niya.

Naabutan ko yung mama ni Bryle nag wawalis sa tapat ng bahay nila.

"Good morning po, Tita." Gaya kahapon, tinanguan niya lang din ako.

"K-kamusta po?"

"Wala dito sa Bryle. Nasa school."

"Ah. Opo. Alam ko po yun, kayo po talaga yung sadya ko. Eto nga po pala, cake para sa inyo po."

Tinignan lang ng mama ni Bryle yung cake na iniaabot ko sa kanya. "Bakit?"

"Ah, Tita, alam ko po na hindi maganda yung pangalawang pagkikita natin. Pasensya na po kayo sa naabutan niyo."

"Alam mo tagay, sana naisip mo na yan. Hindi maganda sa isang babae na nakikitang nakikipaghalikan. Ganyan na ba talaga ngayon ang mga kabataan? Masyado kayong mapusok."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatungo na lang ako.

"Hindi ko nagustuhan ang naabutan ko. Wag mo sanang mamasamain ah, pero sa tingin ko dapat muna eh maghiwalay na muna kayo ng anak ko. Kung tutuusin wala kang mapapala kay Bryle eh, mahirap lang kami. Mayaman kayo, at ayokong kukutyain ng magulang mo ang anak ko pag nagkataon."

"Mawalang galang na ho, pero hindi ho ganon ang mga magulang ko. Kilala na ho nila si Bryle."

"Alam ko ang ugali ng mga mayayaman. Pare-pareho lang yan. Masyadong mapagmataas. Akala mo kung sinong mga diyos. Masyado kang spoiled. Nasasabi lang o nagagawa ng mga magulang mo yun dahil kaharap ka. Hindi kayo bagay ni Bryle. Masyado pa rin kayong bata. Dalawa lang naman ang pupuntahan ng relasyon niyo eh. Kung hindi kayo mauuwi sa kasalan, eh maghihiwalay kayo. Marami pa kong pangarap kay Bryle. Ayokong mabalewala yun, tagay."

Tumulo na lang ang luha ko dahil hindi ko kayang tanggapin lang ng sinasabi ng mama ni Bryle. Ang unfair, walang sinabi sila mommy at daddy tungkol sa relasyon namin, meron man pero tinanggap naman nila yun. Pero sobra lang kasi yung mga sinasabi ng mama ni Bryle.

"Mahal ko po si Bryle. Hindi ko po kayang iwan siya."

"Eh paano kung sa sobrang kapusukan niyo eh mabuntis ka?! Wag kang maging makasarili! Ikaw sigurado na ang kinabukasan mo! Dahil mayaman kayo. Paano naman si Bryle? Ayokong mag karoon siya ng responsibilidad sa edad niya, marami pa siyang pangarap! At hindi ako papayag na masisira lang yun dahil sa'yo. Kaya habang maaga pa, habang hindi pa malalim kung anu man yang mga nararamdaman niyo eh mas mabuti pang hiwalayan mo na siya. At pag nalaman ko, na hindi mo ko sinunod, kakausapin ko ang mga magulang mo at sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin at iaalis ko si Bryle sa lugar na to. Yung hindi kayo nagkikitaan."

Pinahid ko ang luha ko at tinignan yung mama niya sa mga mata.

"Alam po namin ang limitation namin. Masasaktan po si Bryle pag iniwan ko siya. Ayoko rin po na i--"

"Nanay ako at ang gusto ko lang eh yung makakabuti sa anak ko, hindi ikaw ikaw yun at hindi sa'yo yun. Ayokong makaranas ng pangungutya ang anak ko. Siya na lang ang meron ako, Zeria. Kaya nakikiusap ako. Hiwalayan mo na siya hanggat maaga pa."

Naiyak lang ako lalo sa sinabi ng mama ni Bryle.

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

Yumuko ako habang umiiyak at tumango ng marahan.

Hinawakan ako ng mama ni Bryle sa balikat, "kung ganon, wala tayong magiging problema. Makaalis ka na tagay."

Tumalikod na ang mama ni Bryle at naglakad palayo. Nabitawan ko yung box ng cake at tumakbo ako papunta sa kotse.

(c) Eilramisu

HI! Good morning sa lahat! Mag enjoy po sana kayo sa pagbabasa ng update. Mwahugs xoxo

Follow me on INSTAGRAM > @arliecious_eff

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon