9th Plan

61.3K 668 21
                                    

"Zeria?!"

Tumingin ako sa right side ko dahil may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Tita Nina na nakatayo at may hawak na bag.

"Hi, Tita Nina! Long time no see." Nagbeso ako sa kanya at ganon din si Rian.

"Kasama mo ba ang mommy mo?"

"No, Tita. Kaming dalawa lang nitong si Rian with her bodyguards, of course."

"Oh! So, where's your mom?"

"Nasa bahay po."

"Tita Nina, birthday ko tomorrow. Sana makapunta kayo nila Tito Jake... with Jaeina." Sabi ni Rian.

"Of course! Your mom's inviting us. And it's your birthday!"

"Gusto niyo ba manuod nun? Isa kasi si Jaeina sa mga endorser." Inginuso ni Tita Nina yung stage, hindi naman ako mahilig manuod ng mga model na ganyan.

"Sorry, Tita Nina. Pero po mag sha-shopping pa kami ni Ate Zeria para sa party ko bukas."

"Aw, ganon ba. Okay, sige. Mag iingat kayong dalawa, masyadong crowded tong mall nga--"

"Mommy, I only have an hour to prepare. Let's go." Sabay kaming napatingin ni Rian sa likod ni Tita Nina.

"Wait baby, d'you still remember Zeria?" Tumango tango si Jaeina sa tanong ng mom niya.

"Eto na siya oh!" Nanlalaki ang mga mata ni Jaeina.

"She's Zeria? Oh my!!" Patalon niya kong niyakap. "God! I missed my old friend." Medyo awkward kong ginantihan ng yakap si Jaeina...

"Pupunta tayo sa kanila bukas kasi birthday ni Arria--" Pinutol ni Jaeina ang pagsasalita ni Tita Nina.

"Pwede bang mamaya na lang? After this event. Please mom?"

"Okay! Mamaya na lang kayo mag usap. May mga bibilhin pa daw kasi sila eh, at malapit ng mag start tong event. " Bumaling samin si Tita Nina. "Zeria, Arriane, samin na lang kayo sumabay mamaya ha? Dun din naman ang punta namin. Sandali lang naman tong event."

"Baka po kasi matagalan kami sa pamimili, Tita Nina eh." Sabi ni Rian.

"Okay lang, may bibilhin pa din naman ako after nitong event." 

"Sige po, Tita. Kunin ko na lang po yung number niyo para maite-text namin kayo kung tapos na kami, and vice versa." After namin mag exchange ng cellphone numbers ni Tita Nina, umalis na kami. Hindi na nga namin nakausap si Jaeina kasi may mga nag papa-pictures na sa kanya na may mga hawak na Total Girl. 

Nagsimula kaming mag libot libot ni Rian, at kanina ko pa napapansin na ang tahimik niya. "Bakit nakabusangot ka diyan?"

"Eh kasi pupunta si Jaeina sa bahay. Ang invited lang naman si Tita Nina and Tito Jake."

"Ano ka ba? Natural... anak nila si Jaeina. Ano naman kung mag punta siya dun?"

"Cause I don't like her!"

"Why? May nagawa ba siyang mali sa'yo?"

"Hmm... yeah. Siya yung bagong nililigawan ng crush ko. Anyway, m.u na kami. Pero dahil nag transfer siya sa school namin... nabaliwala na ko ni Jairon, at siya ang bago nitong apple of the eye."

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon