45th Plan

38K 594 17
                                    

Madaming documents ang sumalubong sakin pagkapasok ko sa office. Nakakainit ng ulo. Dapat si Annie or si Diego ang gumagawa nito. Pero wala sila. Bihira ko silang makita dito sa office.

Pumasok si Jane sa loob ng office ko na may dala dalang coffee at sliced cake.

"Miss Z, may  nagpadeliver po ng coffee and cake para sa inyo po. Prinipare ko na po para sa inyo."

"Kanino galing?"

"Ze lang po nakalagay  eh."

"Pakitawagan si Diego at si Annie. Pakitawagan ang lahat. Emergency meeting kamo."

Lahat kami nasa conference room na pero si baklang Diego wala pa. Si Annie naman cellphone lang ng cellphone tapos mag eexcuse siya dahil may tumatawag sa kanya, tatlong beses na atang naulit yun.

"I'm heeeere! So what's new? What's the news?" Tumaas ang kilay ko sa pag entrance ni Diego. Baklang to! Late na nga akala mo walang nangyari.

Pag kaupo ni Diego, ako naman ang tumayo.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Ngayon ko lang sasabihin sa inyo to, ngayon lang ako magsasalita sa inyo. Starting next week, kailangan niyong mag submit sakin ng monthly report... per team. Madami tayong deadlines na kailangang imeet. Pero napapansin ko easy easy lang kayo. Sino bang may problema dito? Ako, dahil masyado akong maluwag sa inyo? Pinakinggan ko kanina lahat ng recorded phone calls. Marami sa inyo, nakikipag chikahan lang sa telepono! Walang problema sakin yun. Basta tapos niyo yung ginagawa niyo! Two weeks from now, wedding na ni Jc at ni Kat. What's the update, Jess?"

"O-okay na po lahat Miss Zeria... bale nag shushoot na lang po for the pre-nup vid. Para one week before the wedding mairelease na yun. Nakapag schedule na rin po kami sa church para sa wedding rehearsal."

Lumapit sakin si Jane at bumulong siya.

"Nasa office niyo po si Sir Felix."

Hindi ko alam kung bakit parang biglang tumigil yung tibok ng puso ko.

"Meeting adjourned. Di, Annie, please stay. Jane ikaw na muna bahala kay Felix. I'll be there in 5 minutes."

"Okay Miss." Paglabas ni Jane ng conference room, naupo na ko sa swivel chair.

"Alam mo Z, stress na stress ka na." Sabi ni Diego.

"Hindi ako mai-stress kung tinutulungan niyo rin ako dito sa loob ng company. Pero kung puro kayo nasa field, matatambakan tayo ng mga paperworks."

"Hands on lang kami. Ang arte arte ng client na napunta sakin. Isa pa, meron pa kong ibang business, remember?" Sabi ni Annie. Hindi ko naman siya masisisi. Siya na rin kasi nag mamanage nung business nila.

"Bakit hindi mo itry mag unwind Z?"

"Naisip mo pa yan Di?"

"Oo naman no. Bakit hindi? Reward mo na rin sa sarili mo. Minsan nga yung mga trabaho na hindi naman dapat sa'yo ginagawa mo."

"Kung meron sanang gumagawa, sa tingin mo gagawin ko pa yun? If you're not taking this business seriously, I guess you should decide now. Don't let and wait for my decision."

Tumayo si Diego kaya napatayo na rin si Annie. Hinawakan lang niya sa likod si Diego.

"What's your problem Zeria? Alam mo na hindi lang ito ang business ko!"

"Then bitawan mo kung nahihirapan ka! Wag mong ipilit kung hindi mo pala kaya. Since college nagplano na tayo tungkol dito. Tungkol sa business na to, then what now? Nilandi ka lang ng lalaki, naglabas ka na ng malaking pera. Naka ilang failed business na ba kayo?"

"Wag mong idamay si Eric dito!"

"Then wag mong idamay ang business ko sa kagagahan mo! Kung gusto mong magtayo ng kung anu ano business eh di bitawan mo to! Ipupull out ko na ba yung shares mo ha? Wala kang narinig sakin noon, Diego. Pinalagpas ko lahat ng kalokohan mo. Sinaalang alang ko yung pag kakaibigan natin."

"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Nag invest din ako sa business na to, baka nakakalimutan mo Zeria!"

"Tumigil na nga kayong dalawa. Pag usapan natin ng maayos to." Hinawakan ako ni Annie sa kamay, tapos pinisil pisil niya.

"At nag maang maangan ka pa. Akala mo hindi ko alam na mag isa kang nakikipag negotiate sa mga client? You're using my connections and my resources. Hindi ako tanga para hindi malaman na nag sosolo flight ka. Ganon ka ba talaga kagipit? Ganon mo ka kailangan ng pera para may pambigay ka sa mga lalaki mo? Ilang beses na ba nangyari yung pupunta dito yung clients mo na wala naman sa record ko. Sa pag kakaalam ko, partnership to. Pero bakit ka nag sosolo?"

Walang nakapagsalita sa kanilang dalawa. Hindi ko pinaalam kay Annie ang tungkol sa kalokohan ni Diego. Pinalampas ko lahat ng yun dahil kaibigan namin siya. Pero sumosobra na kasi.

"Now Diego, I'm giving you the chance to make up your mind and decide for yourself. Don't push me to do that for you."

Iniwan ko na sila sa conference room. Dirediretso ako sa paglalakad. Nakasalubong ko si Jane, may sinasabi siya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Pagkapasok ko sa office, sinarado ko ng malakas yung pinto, sinubsob ko yung mukha ko dun at nagpigil akong sumigaw.

Nang kumalma na ko, pagkaharap ko sa table ko, nagulat ako dahil nakaupo si Bryle sa coach. Naka dekwatro siya tapos nakatingin sakin. Nakataas lang yung kilay niya na medyo kunot.

"W-what are you doing here?" Naglakad ako papuntang table. Naramdaman kong tumayo siya at naglakad palapit sakin. Medyo binilisan ko yung lakad dahil malapit na siya sakin. Nang makaupo na ko sa swivel chair, nakita ko siyang ngumisi.

"Your secretary scheduled me for the venue touring."

Kinuha ko yung planner ko at tinignan yung to-do list ko para sa araw na to. Napapikit ako dahil venue touring nga. Hell. I forgot.

"Where is Jae?"

"Photoshoot. She can't make it today."

"We can reschedule it for her."

"I don't think it's a good idea. I already cancelled all my appointments today for this."

Shoot. Seven venues ang pinagpipilian nila. Tapos kaming dalawa lang.

"Convoy."

"No. We'll use mine."

"Well... I don't think it's a good idea too."

"Then, you'll drive. This conversation will not gonna end if you still insist."

"I can't drive. Expired license." Napapailing ako habang umuupo. "So, Mr. Jimenez... meron kayong napiling seven venues." Inilatag ko sa table ko yung pitong folders na naglalaman ng profile and pictures ng mga venues na napili nila. "Pwede ka ng magtanggal diyan, para yung mapipili mo... yun na lang yung pupuntahan natin."

"I wanted to check and see all of that."

Napalunok ako.... isa lang ang ibig sabihin nun. Isang buong araw ko siyang makakasama.

"Siguro kahit tatlo--ay no! Kahit dalawa muna ngayon. Tapos iresched natin yung iba."

"Ngayon ang gusto ko, Miss Monteverde."





(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon