42nd Plan

36.1K 575 36
                                    


Hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko kay Jaeina kada tatawag siya dahil gusto niyang pag usapan yung details ng kasal nila ni Bryle. Nag sisisi ako, sana hindi ko na lang siya pinangakuan noon. Pero wala namang nakakaalam na si Bryle pala yung papakasalan niya. Walang nakakaalam...

Natatarantang pumasok si Jane sa office
"Miss Zeria, nandito po si Ma'am Jaeina pati po si Sir Bryle."

"Diba sinabi ko sa'yo na sabihin mo busy ako?"

"Opo. Sinabi ko naman po, pero ayan nagpunta pa rin po sila."

"Damn! Sige papasukin mo." Dali dali kong inangat yung telephone at nag pretend na may kausap, kumuha din ako ng ballpen at yung planner ko.

Kahit hindi ako tumingin sa door, napansin ko yung pag bukas nun. Ilang beses ko lang siyang nameet, pero familiar na familiar na sakin yung scent niya.

"So are we gonna push the beach wedding, Miss Reyes?" Napakagat labi ako ng padabog na umupo si Jaeina sa harapan ko. Sandali ko lang siyang tinignan at sinenyasan ko siya.

"Just do whatever you want for your own wedding, you are the bride..." Ngayon para na kong tanga. Ang hirap makipag usap sa busy tone. Masakit na sa eardrums, wala ka pang kausap.

"Okay.. do you have something in your mind like the venue? Or you will let me decide..." kahit hindi ko tinitignan si Bryle, alam ko na matalim ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"I will just ask Jane to send you some beaches near Metro Manila that will suit your taste. Usually, it's just around South... okay, bye Miss Reyes. Have a great time."

Pagkababa ko ng telepono, huminga ako ng malalim at ngitian si Jaeiana.

"So... what's your plan?"

"I should be the one asking you that. What's your plan about our wedding?"

"I have something in my mind, but dunnoe if you will like it."

"I trust you and your creative brain." Confident na sabi ni Jaeina.

"But... i will let my team handle your wedding."

"What? Why?"

"Jae... look, i still have a lot of appointments before you."

"Then why don't you let your team handle them? I'm sure they are great as you. That's why you wanted them to handle mine. I want you. You made a promise to me."

"I know, but--"

Sinenyasan ako ni Jaeina dahil may tumatawag sa cellphone niya.

"Zeria, maiwan ko na muna ulit kayo dito ni Felix. May emergency meeting kasi yung agency ko, kasama ako. And please... don't break your promise."

Nagbeso siya sakin at lumapit siya kay Bryle.

"Hun.. i have to go. Please convince Zeria for me? Oryt?" Hinalikan ni Jaeina si Bryle sa labi, parang napako yung mga mata ko. Kahit ganon yung eksena, hindi ko maalis yung tingin ko sa kanila. Ilang beses akong napalunok. Hindi laway yung nilunok ko... kundi luha. Luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

Kitang kita ko kung pano hipan ni Bryle yung mukha ni Jaeina na masayang masaya.

Ako yan... ako dapat yan... sakin lang dapat niya ginagawa yan.

Pagkalabas ni Jaeina, tumayo ako at lumapit sa isang cabinet. Kinuha ko dun yung cigarette ko. Kailangan kong kumalma.

Pagkasindi ko sa cigarette, lumapit ako sa bintana... bumabalik nanaman ako sa dati. Ganitong ganito din ako nung mag college ako... 

Pagkabuga ko ng usok, nag crossed arms ako... naramdaman ko na lang na may kumuha ng cigar sa kamay ko...

"Kailan ka pa natutong manigarilyo Zeze?" Napahawak ako sa window dahil nanghina ako... masyadong malapit yung labi niya sa tenga ko... nakakabingi... nakakabingi yung tibok ng puso ko. 

Tinawag niya kong Zeze... hindi ko alam kung anong iisipin ko. Matutuwa ba ko kasi naalala pa niya yun, or malulungkot ako kasi nakasanayan niya lang sigurong tawagin ako ng ganon. 

"College days..."

"Kasama ba to sa mga schemes mo sa magulang mo?"

"C'mon Bryle! Matagal na yun! Don't tell me hindi mo pa rin nakakalimutan?" Peke! Sige Zeria! pekein mo! Diyan ka naman magaling... sa pagsisinungaling... kalahating taon ng buhay ko... natuto akong gumising sa kasinungalingan...

"Sa bagay... may kanya kanya na nga pala tayong buhay. Masayang masaya na ko sa buhay ko... ikaw? Masaya ka na rin ba?"

Umalis ako sa kinatatayuan ko malapit sa kanya at naupo sa swivel chair...

"I'm satisfied with my life Bryle..."

Naramdaman ko yung palapit niya sakin... hinawakan niya yung sandalan ng swivel chair ko at pinatong niya yung left hand niya sa table ko... 

"Gaano ka satisfied, Zeria? Gaya ba nung nakuha mo yung gusto mo dati? Ganon ba?" 

Napapikit ako nung hinipan nanaman niya yung mukha ko... parang yung dati lang... 

Natauhan ako nung mahina siyang tumawa... tawa na parang nang uuyam.. tawa na parang nagtagumpay siya. 

"Make our wedding the best."





(c) Eilramisu 

Dedicated to all of you guuuuuuuuuuuuuuuys!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! <3


His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon