61st Plan

44K 587 110
                                    

"Congratulations bro!"

"Thank you." Tinapik tapik ako ni Laurence sa balikat ko. Siya ang naging matalik kong kaibigan at pinsan.

"Hijo, you look handsome."

"Thanks lola."

Panay ang flash ng DSLR camera ng photographer. Habang yung make up artist naman eh nilalagyan ng konting face powder yung mukha ko. Para hindi oily and shiny tignan sa camera.

Kinakabahan ako at hindi na makapaghintay na abangan ang babaeng mahal ko sa altar.

"Bryle, act like you're fixing your tie. And also, stand in front of the window." Sinunod ko yung sinabi ng photographer. Binuksan nila yung maliit na electricfan at nilagay sa ilalim ng kurtina. Panay ang kuha niya sakin ng picture. "Laurence, join the groom."

Maraming kinuhanan ng picture yung photographer. Yung videographer naman, kanina pa niya kami vinivideohan.

Lumapit sakin yung isang staff ni Z... yes, si Zeria... she's my wedding planner.

Napangiti ako dahil sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Sir, exchange na po ng gift. Nasan po yung gift niyo para kay ma'am?"

"Oh. Wait. I'll get it." Bawat galaw ko, nakasunod yung videographer. Kinuha ko yung box na nakalagay sa may cabinet sa side table ng suite ko.

Hinalikan ko yung box at inabot dun sa staff.

"Please, tell my queen that I love her so much. And I can't really wait to see her walking in the aisle."

"Okay sir." Pagkalabas ng staff, meron pang isang pumasok.

Inabot niya sakin yung color blue na box.

"Open it slowly, Bryle." Sabi sakin ng videographer.

Sinunod ko yung sinabi niya dahan dahan kong binuksan yung box.

It's an expensive gold wristwatch. Isinoot ko agad yun.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng slacks ko at tinawagan siya. After ng ilang ring, sinagot din niya yung tawag ko.

"I'm already wearing it. Thank you my queen." Tinignan ko yung relo na nasa wrist ko.

"Kaya pala hindi mo na ko pinakuha ng headdress eh. I love the crown, thank you my King."

"I know that it will suit you." Kung sa mall lang kami bumili ng headdress niya, baka swarovski lang yung mga stones nun. Kaya inorder ko pa yun sa Europe dahil ang bagay sa kanya eh mga diamonds. I'm willing to spend all of my money just to give her all the things that she deserves.

Pero alam kong hindi siya papayag sa ganong klase ng luho. I already know her. She loves bargaining.

"Diamonds ba 'to?"

"Ye--"

"This is so damn expensive."

"Not really. It's just a class-d diamond. And it's also a second hand. Nothing to worry." I know that she won't believe me. Pero hindi na siya nagtanong pa dahil alam niyang hindi ko naman sasabihin ang totoo.

"Guess I have to hang up for now. I'm going to wear my gown."

"Hindi ka pa rin nakakabihis? Anong oras na oh."

"Mr. Jimenez, alas tres pa lang. And may konting adjustment lang na ginawa sa gown ko."

"Alright. I just wanna tell you how excited I am because you're going to be Mrs. Jimenez. I love you my queen."

"I love you too my king; and I wanna tell you also how excited I am to be your wife. See you later." She hang up the phone.

Nakangiti akong humarap kila lola dahil sa kilig na naramdam ko. It maybe look and sound gay, but I don't care. Masarap sa pakiramdam pag kinikilig ka. Ibig sabihin lang nun, mahal na mahal mo talaga siya dahil marinig mo lang yung boses niya kinikilig ka na.

Finally, I'm getting married.

Pumasok sa suite ko lahat ng groom's men. Pinicturan kaming lahat. Nagkagulo na sa loob dahil sa mga kaibigan ko. Puro sila biruan.

"Oh, nandito na pala ang lolo mo pati ang mama mo."

Sinalubong ko si lolo na nakabaston na. Maluha luha yung mga mata niya kaya naman niyakap ko siya.

Hinalikan ko si mama sa noo at niyakap. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya at walang katumbas yun.

Medyo nagiguilty pa nga ako kasi ng dahil sakin, muntik na siyang mawala. Ang gago ko lang.

Pero matagal na yun, napatawad ko na siya sa ginawa niya at hindi na importante yun. Nakaraan na yun at hindi na dapat problemahin pa. Dahil ang mahalaga, eh yung ngayon. Kung ano mang meron ako ngayon, dahil sa kanya yun. Atleast, alam ko na alam na niyang matagal ko ng alam yung tungkol sa totoo kong nanay at sa pamilya ng father ko. Kaya nga naging ganito kaayos yung buhay namin ni mama. Ang importante, napatawad at nagkaintindihan na sina mama, lolo at lola. Kumpleto yung mga mahal ko sa buhay sa isa sa pinaka importante at masayang araw ng buhay ko.

Ginawa lang naman ni mama yung sa tingin niyang makakabuti sakin.

"Hijo, uuna na kami sa simbahan. Meron pa daw kayong photoshoot eh." Sabi ni lola.

"Okay lola. Sandali lang naman to eh."

Alas singko pa naman yung wedding ceremony. Past three pa lang kaya may oras pa.

Pagkalabas naman ng suite. Lumapit ako sa tapat na suite.

"Oh pre, wag atat. Makikita mo rin siya mamaya." Tinapik ako ni Kent at pinigilan niya ko ng hinawakan ko na yung door knob.

"Damn! Bakit ba kasi nauso pa yung mga kasabihan na yan."

Tumawa lang silang lahat.

"Sa bagay, kung ganyan din kaganda bride ko, baka pinasok ko na yan." Napailing na lang ako sa sinabi ni Rex.

"Ganda no? Pang cover talaga ng magazine. Tsk! Sayang at nauna lang sakin to."

"Back off dude." Sabi ko kay Archie, isa sa mga groom's men ko.

Pagkalabas namin ng hotel. Pinagsoot kami ng photographer ng shades. Pinahilera kami, ako yung nasa harapan at gitna. Mukhang action star ang concept niya ngayon.

Marami pang pinagawa samin yung photographer. Nagpunta din kami sa garden ng hotel.

Bago ko paandarin yung bigbike ko na gagamitin ko papuntang simbahan, tumingala muna ako sa langit.

"Thank you for this day, Lord God." Pabulong kong sinabi sa kanya at nag sign of the cross.

Sumakay na rin yung mga groom's men ko sa mga bigbike nila. Yung videographer, nakasakay na din sa motor, pero patalikod siyang naupo sa motor. Nakaharap siya samin at tuloy pa rin ang pag vivideo niya.

Thirty minutes ang travelling time papunta sa simbahan. Medyo traffic pa, pero may oras pa naman.

Napatingin ako sa gilid ng kalsada at nakita ko yung batang lalaki na niyayakap ng nanay niya.

Nagbalik lahat sa alala ko yung mga pinag daanan namin ni mama. Yung alaala na mahirap balikan but at the end of the day, mapapa-thank you ka na lang dahil hindi ka Niya kinakalimutan. Dahil ibang iba na yung noon sa ngayon.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon