37th Plan

37.3K 595 25
                                    

"I love beach wedding... that's why I'm pushing it. But my soon-to-be-in-laws... they are very religious. They always wanted a church wedding for their sons and daughters. They always say na if you make a vow, in front of the altar. At sa loob loob ko... shit! Ayaw ba nila na nasa open, yung kitang kita ng langit? Pag sa church may cover, kahit saan naman pwedeng ilagay ang altar. Diba Zeria?"

"H-ha? Oo. May point ka nga dun." Napa-sip na lang ako ng juice ko... ang daldal naman kasi nitong client ko. Kanina pa siya kwento ng kwento. Pero hindi pa namin napapag usapan yung details ng kasal niya.

"Tapus gusto nila cream and orange ang motiff, ang baduy kaya! Gusto ko ng burgundy and silver. Minsan nga gusto ko ng sabihin sa kanila na sila na lang kaya ang magpakasal..."

Hindi ko na maintindihin ang sinasabi ni Rhea. Naalala ko nanaman si Bryle... bakit pa ba kami nagkita? Sa dami ng lalaking pwedeng pakasalan ni Jaeina, si Bryle pa.

Lahat ng sinabi niya sakin kanina... lahat yun tumagos sa puso ko at lahat ng yun, ipinaalala yung nakaraan. Yung mga panahong ayoko ng lumabas ng bahay o kahit ng kwarto ko.

Napansin kong tumigil si Rhea nung magring ang phone niya. Lumayo siya sakin, kaya naman inayos ko na yung gamit ko.

"Zeria, sorry ha. Pwede bang i-reschedule na lang muna natin to? May emergency lang kasi."

"It's okay Miss Reyes, just inform my secretary."

"Thank you. I have to go."

"Thank you." Nakipag kamay lang ako sa kanya. Hinintay ko siyang makaalis bago ako umalis ng coffee shop. Mag tu-two hours na pala siyang nag kukwento.

Tinawagan ko si Annie at pinapunta ko siya sa bar sa may Makati.

Ayoko ng ganitong feeling...

Oh great! Kanina lang nakita ko si Bryle after so many fucking years of depression. Here I am, planning and organizing his own fucking wedding with my fucking friend.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nag drive ng 80kph.

"Two shots of bacardi!" Ini-dial ko ang number ni Annie, baka kasi mamaya dumating yun kung kailan tapos na ko. Buti na lang kokonti pa lang yung tao. Sino naman kasi ang mag pa-party party ng 5pm?

Nung inilapag ng bartender yung bacardi ininom ko kaagad yung isa.

"Ang tagal mo naman sagutin."

"Sorry, nag da-drive ako. I'm on my way na there."

"Okay. Bilisan mo ah."

Pag ka end ko ng call ininom ko pa yung isa.

"Two more shots!"

Hindi ko na nabiling kung nakailang shot ako ng bacardi. Nung hindi ko na kaya umorder na lang ako ng tequila sunrise. Hanggang ngayon, wala pa rin si Annie.

Bigla na lang nag flash yung mukha ni Bryle sa utak ko. Pati ba naman sa ganitong sitwasyon, bigla na lang siyang susulpot.

"Zeria!"

"Oh Annie? Bakit ngayon ka lang?" Umayos ako ng upo dahil umiikot na yung paningin at mundo ko..

"What happened Zeria? Nakita mo na ba ang itsura mo sa salamin? Look at your hair..."

Hindi ko na ma-contain yung pain at galit ko... biglang na lang akong humagulgol.

"Z..." Niyakap ako ni Annie.

"Ang sakit sakit lang Annie! Nakaka putangina! Ang sakit! Yung feeling na hindi pa niya ko kilala... ayaw na niya sakin! Naging masama ba ko? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong masama! Tangina! Putangina! Hanggang ngayon... dala dala ko yung sakit! Dala dala ko yun hanggang ngayon Annie!"

Bumitaw ng yakap sakin si Annie at iniangat niya yung mukha ko.

"Zeria... hindi kita maintindihan. Sino bang tinutukoy mo?"

"Sinubukan ko naman siyang kalimutan eh... gustong gusto kong pagbayaran yung kasalanan ko sa kanya...gustong gusto kong bawiin yung mga sinabi ko sa kanya! Alam mo kung paano ko minahal si Bryle! Nakita mo yun Annie! You were there!"

"Si Bryle? Bakit mo sinasabi sakin to ngayon?"

Simula nung magkita ulit kami ni Annie, hindi pa namin napag usapan si Bryle. Nung nagtanong kasi siya sakin tungkol sa nangyari, hindi ko siya sinagot. At hindi na ulit siya nag tanong sakin.

"I-ikakasal na siya... kay Jaeina." Lalo akong napahagulgol, paano ba makakalimutan ang isang tao na hindi mo tinigilang mahalin? "Annie... ang hirap pala pag wala ka pang ginagawa tapus inaayawan ka na. Ni hindi ko man lang napatunayan ang sarili ko sa kanya... ni hindi ko man lang napakita kung gaano ko kamahal ang anak niya... kasalanan ba na ipinanganak akong mayaman? At porque ganun lang sila dati, ang akala niya mamaliitin sila ng pamilya ko? Mukhang baliktad pa nga eh... siya yung nanghusga sa pamilya ko... sa magulang ko."

"Yung mama ba ni Bryle ang tinutukoy mo?"

Marahan akong tumango sa kanya.

"I knew it! Sabi na eh! Alam ko na hindi ka ganon! Alam ko kung gaano mo kamahal si Bryle! Sabi ko na nga ba hindi mo magagawa kay Bryle yun..."

Tinignan ko si Annie at tumayo na ko... nakakailang hakbang pa lang ako pero nanginig na ang tuhod ko.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon