35th Plan

34.3K 534 38
                                    

"Miss Zeria, you have an appointment with Ms. Reyes."

"What time?"

"3pm po. And nandito na po sa labas si Miss Jaeina."

Biglang kumabog yung puso ko nung marinig ko yung pangalan niya. Para akong nasusuka na ewan.

"Okay. Papasukin mo na lang siya, tapus pakidalhan na lang kami ng snacks."

"Yes Miss."

Nawala sa isip ko na ngayon pala siya pupunta dito.

"Ziiiiii!!" Napangiwi ako sa pagsigaw ni Jaeina, akala mo hindi model pag bumuka ang bibig. Napaka loud. Well, ganon din naman si Tita Nina.

"Good morning." Matipid kong bati sa kanya.

"O bakit naman ang aga aga nakabusangot yang face mo?"

"Sino bang hindi? Ang aga aga, ang ingay ingay mo."

"Hayaan mo na friend! Ganito lang talaga siguro pag engage na. Anyway, may pasalubing ako for Harvey. Pakibigay na lang to sa little brother mo."

"Thank you."

"And pakisabi, junior groom siya sa kasal ko."

"Okay. Sasabihin ko kay Harv. So ano, magkwento ka na. Para naman mapagalitan na kita."

"Ganito kasi yun, diba nga before we part our ways, ang sabi niya gusto na niyang mag ka family. Kaya kung by chance na magkasalubong kami here. Hindi na daw niya ko papakawalan, papakasalan pa."

"And then?"

"Ayun, nung nagpunta ako sa SM Batangas kasi mag ja-judge ako nung show dun, it happens na isa pala yung company niya sa mga sponsor nung show."

"Hindi mo man lang naisip na 'hello, model ako. Hindi man niya tinanong yung name ko, marami naman akong mukha na nakakalat sa Pilipinas'"

"Naisip ko na yun at nasabi ko na yun sa kanya, pero hindi naman daw. Nagkataon lang daw talaga ang lahat."

"Well, ngayon pa lang kino-congrats na kita."

"Naisip ko na kahapon yung theme ng wedding ko, and the rest, ikaw na ang bahala."

"So, ngayon na ba talaga natin pag uusapan yung details? Baka magbago pa ang isip mo."

"Friend naman! Hindi na magbabago ang isip ko."

"How about Enrique?"

"What about him? We're over. Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

"Yes. Baka mamaya pag nalaman niya na ikakasal kana, manggulo yun."

"It won't happen... hindi hahayaan ni Felix na mangyari yun."

Nagulat ako nung biglang may kumatok sa pinto. Paanong magugulat ako, eh sobrang hina lang nung katok, para lang makakuha ng attention or parang sinasabi lang na 'kung ano man ang pinag uusapan niyo, itigil niyo muna'

"Speaking." Tumayo si Jaeina at kahit bumubukas na yung pinto, hinawakan pa din niya yung doorknob at sinalubong kung sino man yun.

"Sweetheart, you're late."

Tumayo ako para makita yung guy na tinawag niyang sweetheart, pero hindi ko pa rin makita kasi hinalikan siya ni Jaeina. Kaya naman tumalikod na lang ako at hinarap ang bintana ko. Sobrang dilim ng langit. No, please. Ayoko ng ulan. Ayokong umulan.

"Friend! I want you to meet my future husband, Felix Jimenez."

Bigla akong humarap dahilan para masagi ko yung frame na nakapatong sa shelf sa gilid ng table ko.

"A-ah." Napapakunot noo ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, pupulutin yung nabasag na frame or titignan ko si... Felix Jimenez.



(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon