51st Plan

41.5K 537 25
                                    


Nagising ako dahil may mainit na hangin akong nararamdaman sa noo ko. Nagulat ako dahil nakayakap sakin si Bryle. Mahimbing siyang natutulog. Nasa pagitan ng dalawa niyang hita yung binti ko kaya hindi ako makagalaw. Nung umayos siya ng higa, pumikit ako at nagtulug tulogan.

Pag gising ko, wala na siya sa tabi ko... nakatulog pala ulit ako. 9am na kaya bumangon na rin ako. Nakaalis na siguro si Bryle.

"Malamang, Zeria. Eh ano pa bang ieexpect mo? Na mag istay pa siya dito? Duh! Pinagbigyan ka na nga na mag stay siya overnight, gusto mo pa whole day. Stupid!"

Tumayo ako at itinali ko yung buhok ko. Binuksan ko yung side table at kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at lighter. Nagpunta ko sa terrace at hindi inalintana kung may makakita sakin sa itsura ko. Hindi kasi ganon kahaba yung tshirt na isinoot sakin ni Bryle kagabi. Tamang natatakpan lang yung undies pag naka straight na nakatayo, pero konting galaw lang, makikita na yung panty ko.

Pagkasindi ko ng sigarilyo, narelax agad ako sa usok nito, minty. Habang hinihithit ko yung sigarilyo, ino-on and off ko yung lighter. Napatingin ako sa kaliwa ko at may lalaki dun sa terrace sa kabilang unit, topless. May hawak hawak siyang mug at iniangat niya yun na parang nangaalok siya. Nginitian ko na lang at umiwas na ko ng tingin.

Hihithit na sana ulit ako ng sigarilyo, pero may umagaw nun sa kamay ko. Nagulat ako ng makita ko sa Bryle, ang sama ng tingin sakin.

"H-hindi ka papala n-nakakaalis. A-akala ko wala ka na..."

Itinapon niya yung sigarilyo ko at inagaw sakin yung lighter.

"Ganito ka ba lagi tuwing umaga?! Tignan mo nga yang itsura mo! Kita na yang kaluluwa mo. Hindi ka figurine para dumisplay display." Tinapunan niya ng masamang tingin yung lalaki sa kabilang unit at agad naman yung umiwas ng tingin samin. Inabot niya sakin yung robe ko at pumasok na siya ng kwarto. Sumunod na ko sa kanya at napansin ko na bukas pa pala yung drawer ng side table ko. Nilapitan ko yun para isara pero pinigilan ako ni Bryle at kinuha lahat ng box ng sigarilyo dun.

"What are you going to do with them?"

"I'll give them to their new owner." Dirediretso siyang naglakad palabas ng kwarto ko kaya sinundan ko lang siya.

"W-who??" Sinundan ko lang siya hanggang sa mag punta siya kitchen.

Dumiretso siya sa lababo at binuksan yung faucet.

"What... is the exact question."

Binuksan niya lahat ng box ng sigarilyo at tinutok yun sa faucet. Nilamas niya yung mga basang sigarilyo at itinapon sa basurahan.

Literal na napanganga ako sa ginawa niya. Damn! Imported cigarette yun.

"Let's eat." Nilagyan niya ng coffee yung mga mug na nasa mesa.

Naupo na lang ako at tahimik na nakatingin sa kanya habang nilalagyan niya ng kanin yung plato ko.

"Stop staring and eat."

"Why... are you doing this?"

"As far as I can remember, you asked that same question last night."

"It's different."

"Just doing you a favor."

"What kind of favor is that?"

"I thought you wanted me to stay?"

"Yeah... for overnight. I thought you already left."

"Kumain ka na lang. Para may laman yang tiyan mo. Hindi yung pagkagising mo, eh yosi agad."

"You prepare all these?"

"Who do you think will do it? Hindi lang naman si Zylen ang marunong magluto."

Tinignan ko siya at nag iwas agad siya ng tingin at kumain na lang.

"Saan ka natulog?"

Tumingin siya sakin at uminom ng coffee. At nag iwas ulit ng tingin.

"Sa kama..."

"Sa tabi ko?"

"Oo. Nung tulog ka kasi, nagsasalita ka. Sabi mo tabihan kita, wag kitang iiwan, tapos nilalamig ka pa."

Napataas ako ng kilay at inisip ko kung nag sleeptalk nga ako.

"Wala akong matanda--"

"W-wala talaga. Nag sleeptalk ka nga. Tulog ka, kaya wala ka talagang maaalala."

"Parang first time lang atang nag sleeptalk ako."

"Kasi may kasama ka, may nakarinig sa'yo at kaya sinasabi ko rin sa'yo, para malaman mo. Kumain ka na nga lang ng kumain."

"Thank you ulit..."

Wala ng nag salita samin at kumain na lang kami. Nung matapos na kaming kumain. Niligpit na namin yung mesa pati yung mga plato siya ang naghugas. Tinitigan ko siya habang hinuhugasan yung mga plato. Tama si Jaeina... husband material.

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na ikakasal na nga pala siya. Nagpunta ko ng kwarto at hindi ko nanaman napigilan yung mga luha ko.

Why am I letting him stay here? It's like I'm actually teaching him to cheat.

Nung umokay na ko, hinubad ko na yung robe ko pati yung oversized shirt na soot ko at nilagay yun sa kama. Tanging panty lang yung soot ko. Nung papunta na ko sa walk-in-closet, biglang bumukas yung pinto. Niluwa nun si Bryle na nakayuko at binabasa yung papel na hawak niya habang naglalakad

"Zeri--" Natigilan si Bryle sa pagsasalita at natulala habang nakatingin sakin.

Sa taranta ko wala akong nagawa. Tinakpan ko lang ng braso yung dibdib ko at gulat na gulat akong napatingin sa kanya.

Kita rin sa mukha niya yung gulat at nabitawan niya yung papel na hawak hawak niya.

"S-sorry..." napayuko siya at tumagilid. Kitang kita ko yung pag galaw ng adam's apple niya dahil panay ang lunok niya. Tumingin ulit siya sakin at umiwas ulit ng tingin. "H-hihintayin na lang kita sa living room." Tinignan niya ko ulit at tumalikod na siya.

"B-bryle..." natigilan siya at dahang dahang humarap sakin. Unti unti ko ring ibinaba yung kamay ko na tumatakip sa dibdib ko. Yung pag kagulat kanina sa mga mata niya ay napalitan ng ibang emosyon. Napayuko ako dahil parang sinasabi sakin ng puso ko na hintayin yung susunod na gagawin niya...

Pagkatingala ko, dahan dahan na siyang naglalakad papunta sakin at hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko...


(P.S... Optional yung next part. Ipa-private ko yun... kasi alam niyo na :D :D)

(c) Eilramisu



His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon