69th Plan

54.8K 744 48
                                    


Kinakabahan ako habang naglalakad palabas ng airport. Eto na atang ang pinakamatagal na biyahe ng buhay ko. One hour and twenty minutes lang from Manila to Puerto, pero parang pakiramdam ko ang tagal tagal at sobra kong nainip.

Sumakay agad ako ng taxi at dumiretso ako sa resort kung nasan si Zeria. 

"Manong, thank you." Pagkabayad ko sa taxi driver, kinuha ko lahat ng gamit ko at bumaba na. May sumalubong agad sakin na staff ng resort. Nagpunta kami sa reception area.

"Magandang hapon, Sir. Maligayang pagdating sa Chez--"

"Thanks. Miss, nag pabook ba dito si Zeria Monteverde? Pakicheck naman ng record, please."

"Okay sir." Habang tinitignan niya yung record nila, tumingin tingin lang ako sa paligid. Maganda yung resort. Pero hindi eto yung talagang 5-star resort.

"Pabook ako, yung katapat ng room niya."

"For a moment Sir, I'll just check the availability..."

"Okay..."

"Sir, occupied po yung room na katapat ng room ni Miss Zeria. Pero yung katabi po nun--"

"Yun na lang."

"Okay Sir... pahiram na lang po ng isang ID." Inabot ko kaagad sa kanya yung ID ko. May inencode lang siya pagkatapos ay inabot niya sakin yung susi.

Pinasamahan niya ko sa staff at pagkarating namin sa room, inabutan ko siya ng tip.

Maayos naman yung loob, pangdalawahan siguro to dahil hindi naman ganon kalaki yung kama.

Nagpalit ako ng damit at nag tsinelas na lang. Pinakinggan ko yung magkabilang unit kung may tao, at pareho namang tahimik. Ibig sabihin nun, nasa labas lang si Zeria. Tamang tama, hapon naman.

Lumabas ako at kinatok yung pinto ng parehong kwarto at nagtago ako. Pero walang nag bukas. Kaya nag punta na lang ako sa may dagat at sinimulang hanapin si Zeria. Marami ding tao at medyo malaki tong resort. May mga nag vovolleyball at hindi ko siya nakita dun. Wala din siya sa mga naglalakad lalakad.

May nakita kong puno at hammock, kaya lumapit ako dun. Lumundag ang puso ko ng makita ko kung sino yung nakahiga dun... si Zeria, ang Zeze ng buhay ko.

Para siyang reynang natutulog. Magulo yung buhok niya at yung beach hat niya ay nakapatong sa may bandang tiyan. Naka twopiece siya, pero natatakpan ng sombrero. May mga lalaking malapit sa kanya at tinitignan tignan siya.

Sino bang hindi mapapatingin sa kanya? Sobrang ganda niya kasi.

Nilapitan ko siya at tinanggal ko yung mga buhok na nakaharang sa mukha niya. Wala akong pakialam sa mga comment ng grupong lalaki na malapit kay Zeria at pinagtitinginan siya habang natutulog.

"Galawang breezy, brad!" Komento nung isang lalaki. Pero wala akong pakialam.

Napangiti ako ng unti unting nagmumulat si Zeria.

"Hi..."

Para siyang nakakita ng multo. Napahawak siya sa braso ko nung medyo tumagilid yung hammock dahil sa pag kakaupo niya.

"B-bryle?" Tinignan niya ko at kumurap kurap siya. Kinusot pa niya yung mata niya.

"Zeze..."

Kumunot ang noo niya at binitawan ang braso ko. Marahan niya kong itinulak at sinoot niya yung sombrero niya.

"I'm just dreaming..." napangiti ako sa sinabi niya. Hihiga pa sana siya ulit pero hinila ko siya patayo at niyakap.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon