56th Plan

40K 611 34
                                    

Chinicheck ko lahat ng ng monthly report na sinubmit sakin for the month of October. Sumakasakit ang ulo ko dahil hindi nasusunod yung guidelines and timelines ng preparation for the wedding. Gumagawa sila ng kanikanilang schedule ayon sa gusto nila.

Pumasok si Jane sa loob ng office ko at may ipinatong siyang letter sa table ko.

"Miss Z, pinapabigay po ni Sir Diego."

Binuksan ko yung letter at binasa ko. It's a resignation letter at merong naka attach na note. He's asking for forgiveness at hindi na niya kukunin pa yung shares niya.

Nagalit ako sa kanya nung araw na yun, yes. Pero hanggang dun na lang yun. May pinagsamahan pa rin naman kami. Isa pa rin naman kasi siya sa mga taong umalalay sakin nung mga panahong sobra kong na depress. Nagagalit ako sa kanya kasi masyado siyang nagpapakatanga ng dahil sa lalaki, kaya kung anu ano ng ginagawa niya para lang masuportahan niya yung mga nagiging lalaki niya. Gusto ko lang naman na matauhan siya sa pagpapakatanga niya. Ngayon kung ganon pa rin ang mangyayari, mas mabuti na nga tong nag resign siya para hindi na madamay yung kung ano mang pinag hirapan ko.

Pinindot ko ang caller na konektado kay Jane at pinapasok siya.

"Yes Miss Z?"

"Napadala mo na ba yung folder kay Jaeina?"

"Opo. Bago niyo po ako pinapasok dito, kakatawag niya lang po sakin."

"Bakit daw?"

"Pupunta daw po kasi siya dito ngayon, tinanong lang po niya kung meron kayong meetings or kung meron kayong ibang appointment."

"Anong oras daw siya pupunta?"

"Sabi niya nandito na daw po siya in five minutes."

Napailing na lang ako. Baka ata kahit sabihin ni Jane na meron akong meeting, eh pupunta pa rin siya dito. Well, hindi na ko magtataka. May pag ka sigurista talaga siya, noon pa lang. Kabisado ko na rin ang ugali niya.

"Pakiprint na lang ulit nung files niya. Tapos pakidala dito."

"Okay po..."

"And...pakitawagan si Annie. Puntahan niya ko dito kahit mga 3pm. Wala na kong gagawin nun."

"Noted po."

"Yun lang muna."

Wala pang 3 minutes na nakakalabas si Jane nang pumasok si Jaeina sa office ko. Iba yung aura niya at hindi siya kagaya dati na pagkapasok pa lang ng office ko, nakangiti siya. She's serious this time.

Dirediretso siyang naupo sa harap ng table ko at ipinatong yung folder na pinadala ko sa kanya sa ibabaw ng table ko.

"What brings you here?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Inangat niya yung folder at pinakita sakin "About this, of course."

Pumasok si Jane sa loob ng office ko at iniabot sakin yung isa pang folder. Binuksan ko yun at pinatong ko sa harapan ko.

"Then let's talk. Jane, record everything para sa mga changes. Go ahead, Jaeina."

"First, ayoko na ng lagoon. Gusto ko na sa church. Second, ayoko na ng burgundy, I want black-themed wedding. Third, I don't want you to be my organizer."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Okay. Matatatanggap ko pa yung first and second. Dahil pabago bago talaga ang isip niya. Isa pa, model siya, walang masama kung mag black siya. Pero yung pangatlo...

"What's wrong Jaeina? What do you think I'm doing, playing? I exerted a lot of effort and time planning your precious wedding. Then suddenly, you're just like that."

"Jane, maybe you should give us some privacy." Sabi ni Jaeina. Kaya tumingin sakin si Jane at tinanguan ko siya. Agad din naman siyang lumabas ng office ko.

"Kulang pa ba yung downpayment na binayad ni Felix para icancel ko yun?"

Tinaasan ko ng kilay si Jaeina. Anong palagay niya sakin, pera pera na

"Alam mo Jaeina, hindi ko alam kung anong problema mo. Pero para sabihin ko sa'yo, wala akong pakialam sa perang ibinayad niyo sakin. Kung tutuusin, pwede nga kitang ilibre sa kasal. Kahit ilang beses ka pang ikasal. Ang dami kong oras na sinayang para ayusin yung kasal mo. Tapos bigla bigla kang pupunta dito para lang sabihin na hahanap ka na ng ibang planner mo?"

"Gusto ko kasing maging maid of honor ka sa kasal ko. Kaya gusto kitang palitan. Yun yung una kong reason. Pero alam mo... may nalaman kasi ako."

Kinabahan ako sa huling sinabi ni Jaeina. Hindi kaya nalaman na niya na nagpupunta si Bryle sa unit ko. O di kaya yung gulong namigitan saming tatlo nila Zylen.

"Siguro kaya ayaw mong makasama sa entourage ng wedding ko. Dahil may nakaraan kayo ni Felix... tama ba ko?"

"I'm just doing my job, Jaeina. It doesn't matter to me if he get married or what."

"It doesn't look that way. Siya ba yung dahil kung bakit ka nag stop at nag homeschooled? Bakit ka kaya may trauma sa ulan? Hmm. I wonder."

"You know that it doesn't make sense, Jae. Stop guessing and stop insisting something that you really don't know. So what if we had past? Does it justify the fact that I'm scared of rain because we had a relationship back then? What if I was a raped victim? Or I was kidnapped or the lightning struck me?"

"Alam mo, Z... pwede mo namang sabihin sakin na 'huy, ex ko yan'. Pero wala akong narinig sa'yo. Bakit kailangan mong itago sakin? Pinagmukha niyo kong tanga, alam mo yun?"

"Kasi hindi na mahalaga yun. Bakit pa? Para ipangalandakan sa'yo na bago ka, ako ang nauna?"

"Nagkunwari kang hindi mo siya kilala!!Mahal mo pa ba si Felix?"

"Come on, Jaeina. That is one stupid question."

"Sa loob loob mo ba, ang sakit sakit na? Masakit na makita yung lalaking minahal mo ng sobra, eh ikakasal na."

"Now you're being pathetic. Kaya ka ba nandito para mas maipamukha sakin na ikakasal na kayo ni Bryle? Na kawawa naman ako kasi yung lalaking mahal ko, eh may mahal ng ib--"

"Nakaawa ka talaga!"

"Talaga? Eh bakit parang ikaw yung nanggagaliiti? Ano pang ginagawa mo dito? Kung sa tingin mo namang mahal ka niya, hindi ka na mag aaksaya ng panahon na magpunta dito."

"What mine is mine, Zeria. Ako ang papakasalan ni Felix. Ako ang mag papakasal. Kaya ako ang mag dedesisyon kung sino at ano ang gugustuhin ko para sa kasal ko."

"Eh di sa tingin ko wala na tayong dapat pag usapan pa. The door will always be open for you, Jaeina. Go."

Tinaasan ko siya ng kilay pero nanatili siya sa kinauupuan niya at nakuha niya pang mag smirk.

"I said go!" Pabigla akong tumayo kaya nagulat siya at nagmadaling kunin yung gamit niya saka umalis.

Natakot ko siya, yes... pero bakit pakiramdam ko ako yung talunan?

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora