16th Plan

46.9K 741 49
                                    

Maghapon akong hindi mapakali sa kakaisip ng mga sinabi ni Bryle. Ano ba kasing problema ng taong yun. Para namang ewan. Hindi ko na siya maintindihan, minsan ang sungit at ang suplado, minsan naman ang weirdo. 

Madalas akong napapatingin kay Bryle, at nasasaktuhan ko talagang hindi siya nakatingin sakin. Hawak lang niya yung isang maliit na sketch pad, para siyang nag do-drawing. Hindi ko lang masigurado, kasi natatakpan niya. Ang sabi sakin ni Annie, magaling daw mag drawing si Bryle, pero hindi ko pa nakikita. At talaggang naku-curious ako kung anu ba yung mga dino-drawing niya. 

"Zeria!" Napatingin ako kay Arx na ngayon ay nasa harapan ko na agad. Wala pa kasi yung teacher namin, kaya hindi natatakot na tumayo ang isang ito. Pero sa bagay, bakit pa nga ba? Eh apo siya ng principal.

"Bakit?" 

"Ano, napag isipan mo na ba yung sinabi ko sa'yo nung nakaraan na mag mall tayo ngayong weekend, para di ka ma-bored." Dire-diretso niyang sinabi.

Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko. Ayaw ko naman siyang mapahiya, buti sana kung dalawa lang kami. Kaso may mga nakakarinig ng pag uusap namin.

"Ahm, hindi ako sure eh. Sasamahan ko pa kasi si mommy na mag pa-check up."

"Ganon ba? Eh di nextweek na lang."

"I still don't know."

"Sige. Siguro next time na lang. Basta sabihin mo sakin kung kailan ka pwede."

Tumango na lang ako para matapos na ang pag uusap namin. Ang awkward kasi. 

"Sanay ka bang nakikipag-date sa iba?"  Mahinang tanong ni Bryle, pero tama lang sa pandinig ko, at alam ko naman na ako ang tinatanong niya kahit na di siya nakatingin sakin.

"Bakit ka nagtatanong?" Pataray kong patanong din sa kanya.

Sa pagkakataong ito, nilingon niya na din ako. Pero sandali lang at binalik nanaman niya yung atensyon niya sa sketch pad niya. "Masama ba? Hindi naman siguro di ba?"

"Wala ka na dun no!! Usisero!" Inirapan ko siya kahit na di siya nakatingin sakin. Tinignan ko na lang yung dalawang ibong maya na naglalandian sa may bintana.

Nagulat ako ng biglang may lumagapak sa desk ko. Kamay pala ni Bryle at hinampas niya ang desk ko ng malakas, dahilan din para matahimik yung mga classmate ko. 

"Baka wala?!" Sabi niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Tumayo siya at kinuha ang bag niya saka naglakad. "Wala na tayong last subject. Pwede na kayong umuwi." Yun lang ang huli niyang sinabi at lumabas na siya ng classroom namin.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon