Forty One

198K 2.6K 196
                                    

 41 


MAIAH

I finally open my eyes after 6 hours of operation. Groggy ang feeling pero ayos na din. Nagkaroon ako ng kidney failure during my coma, kaya minadali akong magpaka-kidney transplant para hindi na tuluyang malason ang katawan ko dahil sa mga kidneys na hindi na nagfa-function. 

Naigala ko ang paningin ko at mukhang nailipat na ako sa private room. Nakita ko rin ang isang lalaking nakasubsob sa kama, hawak-hawak ang kamay ko. Napangiti ako ng malapad. Batok pa lang, kilalang-kilala ko na. Ang mayabang pero possesive na bilyonaryong nagmamay-ari na ngayon ng puso ko.

Oh God! How I miss him. The whole Kyle... I don't know how I survived during those days while I'm in coma. 1 month and 17 days na hindi ko siya nakita at nasilayan. Ni hindi ko man lang alam kung ano ng nangyayari sa kanya. But I want to thank God because he's safe now. He'll be safe forever. Wala ng banta. Wala ng papatay sa kanila. Wala na ang High Class. Hindi ko pa nakakausap si Boss dahil hindi pa kami nagkikita. At si Tony. Unti-unting nawala ang mga ngiti ko. Si Tony, wala na siya. Ni hindi ko man lang siya nasamahan sa huling hantungan niya. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa huling pagkakataon. Ni hindi ko man lang nagawang humingi ng sorry. I wish I was there. I wish you didn't die. And I wish that I did save him.

Pero lahat yun ay hanggang pangarap na lang. Napapikit ako, at muling pinakaramdaman ang sakit, hindi lang ng sugat ko, kundi ng dibdib ko dahil isang taong importante na naman sakin ang nawala.

Napabuntong-hininga ako at muling idinilat ang mga mata. Muli kong natitigan ang nakatulog na si Kyle. I know I still have him. Siya na lang ang natitira sakin at si Boss. At hinding-hindi ako papayag na agawin pa sila sakin. Minsan ko ng isinugal ang buhay ko para sa kanya, hindi malabong gagawin ko ulit yun ngayon. Pero hangga't maaari, gusto ko ng mabuhay ng tahimik kasama si Kyle.

Bahagya kong napisil ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at agad siyang nagtaas ng mukha. Kunot-noo ng maalimpungatan pa yata pero, agad napalitan ng malapad na ngiti ng mapatingin na sakin.

"Babe... Finally..." at agad lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Shit. How I missed his lips. And his kiss. Nanghihina pa ako dahil sa operasyon pero mas nakakapanghina yata ang pambungad niya sakin. Hindi ko maiwasang mapapikit.

"... I'm sorry nakatulog ako. Kanina pa ako nag-aabang na magising ka simula ng lumabas ka ng OR." paliwanag niya.

Ang laki ng ngiti ng loko. Mahahalata mong napakasaya.  At alam kong hindi niya ako nakalimutan. Hindi niya ako iniwan dahil nandun siya nung mismong dumilat ang mga mata ko galing sa pagka-coma. At sobrang pasalamat ko sa Diyos dahil alam kong mahal talaga ako ni Kyle. At hindi yun pakitang tao lang. Totoo ang pagmamahal niya.

Napangiti ako matapos haplusin ang kanyang mukha. "Stressed na ang mahal ko, ah. Hindi ka na rin nakapag-shave." puna ko sa balbas na hindi naman mahaba pero sakto lang para mahalata mo. 

Ni hindi mo siya makikitaan ng kaunting bigote sa ibabaw ng bibig at mga buhok sa may baba at palibot ng panga niya. He looked matured, manly, but still God like creature. Para sakin, mas naging sexy at hot nga ang aura niya ngayon.

Kinagat ko ang labi ko. Oh my! What are you, thinking Maiah?! You just came out from a major operation! Tsk. Grabe tong lalaking to, nakakadumi ng utak kapag naiisip mo siya. Mabuti pa nung na-coma ako, pansamantalang naging inosente ang isip ko. Pero ngayong mulat na ulit ako, nagiging makulay na ang imahinasyon ko.

What are you doing to me, Kyle? Mahal na mahal nga kita dahil nababaliw na agad ako, kahit ganito ang kalagayan ko.

"Pero gwapo pa rin naman ako, di ba?" and he winks at me.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon