Seven

238K 3K 151
                                    

7


KYLE

I was standing next to her. Pero hindi ko mapigilang mapatingin sa likod ng babaeng to. Maputi at makinis. She's wearing a racerback sleeveless top. I really don't know kung attractive talaga ang likod niya kasi mas may attractive pa namang likod kesa sa nakikita ko ngayon. At nakasama ko pa sila. Or is it because it's my first time to see her back? Dahil walang coat ngayon na bumabalot sa katawan niya.

"Kyle! What's the meaning of this?!" Daddy ask with a complete shock on his face. Nakalimutan kong nandito pala si Daddy at si Tony.

"M-Mr. Martin ..." halata sa boses ni Maiah ang pagkagulat and at the same time, ang kaba. Ewan ko kung para saan ang kaba niya. Wala naman kaming ginawang masama. Akalain mo yun, kinakabahan din pala siya. Sobrang tapang niya, di ba?

"M-Maiah... B-Bakit ganyan ang hitsura mo?" gulat at takang tanong ni Tony.

I frown. Why, what does she looks like? But I'm very sure she doesn't look like a well fucked woman after a rough sex. I swear that to God.

"What did you do to Maiah this time, Kyle?" Dad sounds so authoritative this time.

I know what they're thinking.

"Dad, what do you think of me? Rarapin ko siya? Not in my wildest dream, okay?"

Nalingon ako ni Maiah at masamang tiningnan. What?! I'm just telling the truth here.

"Maiah, what happened? Sinaktan ka ba ng anak ko?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"I'm sorry for this, Sir. But there's nothing to worry about. Tama naman po ang sinabi ni Kyle. I'm following orders. I did watch him. Nagkataon lang na may research po akong ginagawa kaya sinabay ko na lang. Nakaidlip po kasi ako kaya nakatulog sa couch niya. Eh kagigising ko lang po kasi. I'm about to leave when... You show up." paliwanag niya.

I'm sure, maniniwala na si Daddy nyan. Sino ba talaga ang anak niya sa aming dalawa?

Kristoffer sighed with a relief. Napailing ako at napakamot ng ulo. Nagugutom na ako. I also need to prepare for work. I'm not used to being late. Never in my entire life that I'll be late in my work. Mamaya gayahin pa ng mga empleyado, naging bad influence pa ako.

"I'm sorry Maiah, kung sa couch mo kailangang matulog. Don't worry, gagawan ko ng paraan yan. Mabuti naman at walang ginawang kalokohan tong anak ko. Well, breakfast is ready, kumain na tayo." yaya ni daddy.

Dad, as if! I can't imagine. Pansin ko ang palipat-lipat na tingin samin ni Tony pero binalewala ko na lang. Agad na naunang naglakad pababa ng hagdan si Maiah kasabay si Daddy. Na sinundan ni Tony. Agad akong humatak ng isang tshirt at sinuot saka tuluyang bumaba ng hagdan para kumain.

***

MAIAH

"Maiah, wait!" at nalingon ko si Tony habang chinicheck ang audi na sasakyan ni Kyle papuntang trabaho.

"Bakit?"

"Are you sure na walang ginawa si Kyle sa yo? O baka naman ayaw mo lang sabihin?" Tanong niya.

Napanganga ako. And soon, napataas ang kilay ko. Until now, yun pa rin ba ang iniisip niya? Ano bang klase akong babae sa tingin niya?

"What do you think, Tony? Akala mo ba easy to get ako para payagan kong mangyari yang iniisip mo?"

Nagbago naman ang expression ng mukha niya. Kanina, mukhang hindi siya naniniwala, pero ngayon, mukhang kumbinsido na siya. Isa pa, di ko papatulan ang hambog na kliyente kong yon!

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon