Eight

209K 3K 148
                                    

8


MAIAH

"Maiah!" sigaw ni Kyle. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at pagkabalisa habang nasa ilalim ng mesa.

Pero paano ba namamanage ng lalaking to ang pagiging gwapo kahit sa ganitong sitwasyon?

Wasak na ang glass window dahil sa tama ng mga bala. "Don't move! Hangga't hindi ko pa sinasabi!" sabi ko. Napatango lang siya. And I have this feeling na, kailangan ko talaga siyang protektahan. Na gusto ko siyang protektahan. I will never let anything happen to him. Never.

Narinig ko na rin ang putukan sa labas. Damn! Inaatake na nila ang buong building.

For sure naman itatakas naman ni Tony si Sir Kristoffer.

"Maiah! Maiah!" at natingnan ko ang Smart Watch ko na konektado sa elite team.

Boses ni Tony iyon. Nailapit ko ang relo malapit sa bibig ko habang hinihintay na mapagod sa pagpapaulan ng bala ang nasa kabilang building.

"Tony! Where are you?! Yung sniper nasa kabilang building!"

"I know! Ilalabas ko na si Sir Kristoffer dito! Magkita na lang tayo sa safe house. Dumating na rin ang elite team kasama ang mga pulis! Try to get out of there! Balak nilang ubusin ang tao dito sa loob!"

"Bullshit! O sige, sige. Magkita na lang tayo doon!" at saka naputol ang tawag.

"Maiah! Ano ba, makikipagkwentuhan ka na lang ba dyan?! Ano ng gagawin natin?!" Malakas na tanong ni Kyle habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga niya.

Bakit naman kasi ang bagal ng mga pulis at elite team na patumbahin ang sniper sa kabilang building?

Pero napalingon ako ng biglang bumukas ang pintuan. Buti na lang at naunahan ko sila.

Pinaputukan ko ang 2 lalaking pumasok at agad silang tumumba.

"Kyle, gumapang ka papunta dito. Tyempuhan mo para di ka matamaan! Kailangan nating lumabas! Dali! Palapit dito sa may pinto!" sabi ko.

"O sige!!" at naghanap siya ng timing para hindi matamaan ng bala mula sa labas.

Unti-unti siyang gumapang papunta sa pwesto ko, pero agad ding napapatigil kapag may balang naririnig.

"They really should go to hell! Fuck this!" inis na sabi niya.

Napangiti ako. Galit na pero ang gwapo pa rin.

"Ganyan ka ba talaga katapang? Nagbabarilan na, nakangiti ka pa rin?" kunot-noo na tanong niya ng makalapit siya sakin.

"Ang bagal mo kasi. Ang dami mo pang satsat, kailangan na nating umalis!" at natawa na ako ng tuluyan.

Sumama ang mukha niya. "Don't laugh at me! We're not the same! I'm not in army para maging hustler dito!" bulyaw niya sakin.

Naningkit ang mga mata ko. Bwisit talaga tong lalaking to. Kailangan niya ba talaga akong sigawan?

Agad kong hinawakan ang braso niya. "Let's go! Dahil kapag ako nainis, iiwanan kita dito at hahayaan kitang mamatay!"

Nagbago ang expression ng mukha niya. Biglang natakot.

"M-Maiah naman..."

At ngayon natatakot ka? Damn! Eh kung totohanan ko kaya at bawiin ang mga sinabi ko kanina na poprotektahan ko siya? Wala siyang magagawa kung gagawin ko yun. At sasabihin ko na lang sa Daddy niya na aksidente siyang namatay.

An evil grin is on my face. Pero muli kong natitigan ang mukha ng mayabang at masungit kong kliyente. Ngayon ay parang nagmamakaawa na siya. At ngayon ay gwapong-gwapo na naman siya.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon