Sixteen

204K 2.7K 132
                                    

16


MAIAH

Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko sa nangyayari ngayon. Nandito ako ngayon sa loob ng fitting room, sinusukat at sinusubukan lahat ng damit na sinuggest ni Marga. Sa isang banda ng puso ko, tuwang-tuwa ito dahil, hindi ko akalaing ibibili ako ng damit ni Kyle. Pero sa isang banda din ng puso ko, malaki ang pagtataka nito.

Bakit niya nga ba ginagawa ang lahat ng to? Bakit? Para ba magmukha akong tao sa harap niya?  O dahil gusto niyang makita ako sa ganitong ayos? May nararamdaman na din kaya siya sakin? Kahit konti, meron na din kaya?

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Naisuot ko ang itim na dress, na hanggang taas ng tuhod ko, pero hindi naman ganon kaikli. Long sleeve dress ito, pero napangiti din ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa Maiah na nakikita ko ngayon. Malayo sa Maiah na isang bodyguard. Malayo sa Maiah na, parang lalaki kung makapagtanggol sa kliyente.

Ito ang Maiah na gugustuhin ni Kyle. Ang Maiah na babaeng-babae. Ang Maiah na sopistikada. Ang Maiah na hinding-hindi niya tatanggihan.

The last time I wore a dress was before my parents died, 8 years ago. That's the time I graduated from high school. 

"Are you done, Maiah?" tawag ni Marga.

Napalingon ako sa pinto. "Yes." maikli kong sagot.

She opened the door and stare at me with amusement.

"Oh, my god! You're so pretty in that dress! Kyle should see it. Let's go..." at sabay hatak ng kamay ko palabas. Ni hindi man lang ako nakapalag.

Nakalabas kami sa fitting room, at tumapat kay Kyle, na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng isang magazine.

"Mr. Martin. This is so perfect for her. What do you think?" tuwang sabi ni Marga na nakangiti.

At nagtaas siya ng mukha para tingnan ako. Yung tingin na nanunuri, yung nangingilatis. Pwede bang bumalik na lang sa fitting room? Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan. Kahit pa na magbihis ako ng ganito kaganda. Kahit kailan, hindi. Hindi ko nga lang talaga maintindihan kung bakit niya ginagawa ito.

"No, Marga. She's not perfect..." at nabitawan ang magazine na hawak niya. At tumayo.

"... Because she's like a goddess." seryoso niyang sabi, habang nakatingin sa akin.

And it's like my jaw just, drop. W-What? What did he say?

Goddess? Is he kidding me right now?

"I told you, Maiah. He will like it. So, you'll going to have it, Kyle?" tanong ni Marga.

"Yes, definitely. And also this beautiful coat." and all I can do is to watch him hand her the cream coat that's in the sofa.

Tumango si Marga. "Okay. Let's go, Maiah." at hinila na naman niya ako pabalik sa fitting room para magbihis na.

Pwede bang huwag ko na lang tanggalin? Para lagi na lang akong dyosa sa paningin ni Kyle? Para lagi ko na lang marinig yun mula sa kanya? Parang nagtatalunan lahat ng bituka ko sa tyan. At alam ko lahat ng ito ay dahil sa sinabi niya. Dahil sa ginagawa niya.

At hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on. Pwede bang pa-rewind? Irerecord ko lang ng maireplay ko naman pagdating sa safehouse. 

"Let's go?" at doon ko nalingon si Kyle.

"Ha? Di ba magbabayad ka pa?" takang tanong ko.

At tumawa siya ng malakas. "Maiah, kanina pa ako nakapagbayad. Palibhasa kasi, nakatulala ka. Ano'ng nangyayari sa yo?"

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon