Twenty Two

180K 2.4K 102
                                    

22

KYLE

Gusto kong sirain ang steering wheel ng sasakyan na hawak ko ngayon. Gustong-gusto ko siyang sirain at ibalibag sa kung saan! Ito ang sinasabi ng puso ko at ito rin ang dinidikta ng isip ko. At sana pwede ko siyang gawin ngayon din.

I was so damn stupid! And this is the first time I felt this like I was so helpless. Like there's no other choice. As in wala na. Sa bagay, ano pa bang pwede kong gawin? Sa pagkakayakap pa lang nila sa isa't-isa, alam ko namang patay na patay sa isa't-isa ang mga damdamin nila.

What's the use of going here?! Wala naman pala! Dahil kahit ano'ng gawin kong baka sakali, sinasampal na ako ng katotohanan.

Maybe I'm just assuming that somehow, there's still a little hope. Na pwede pa kaming dalawa. Na hindi pa totoong sila na.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. I just wanted to forget the heartache. The feelings for her. And lastly, the fact that I'm a loser in this battle.

Somehow, natapakan ang ego ko. Sa kanya lang ako naduwag. Sa kanya lang ako tumiklop, sa kanya lang ako naghabol, umasa, at natalo. Siya lang ang kaisa-isang babaeng inasam ko pero hindi ko nakuha.

She's really different. Dahil alam kong mas mahal ko pa siya kesa kay Kate. Mas mahal ko pa siya kaysa sa ex ko na akala ko, hindi ko na makakalimutan. But I was fucking wrong.

Ang sakit lang makita na may kayakap siyang iba. Pilit kong inaalis sa isip ko na hindi pa sila ni Tony at gusto ko pang magbakasakali. Pero sobrang huli na pala ako. And I guess there's no room for me to try. Everything that happened is telling me to stop because I'm only looking like a fool. Because I cannot change the fact that I'm too late. So late.

And I just want to forget everything. Pwede bang maaksidente na lang at hindi na magising? Para hindi ko na maisip na ang babaeng mahal ko ay meron ng iba at nahuli na ako. 

***

MAIAH

Humigpit ang hawak ko sa steering wheel. Matagal na akong hindi nagdadrive simula noong aksidente nila Mommy at Daddy. Matagal ko nang binaon sa limot na makakapagdrive pa ako ulit. Ni hindi nga ako makapasok sa loob ng kotse noon sa sobrang trauma. Mabuti na lang at nakatulong ang therapy na ipinilit sa akin ni Ninong. But I never attempted to drive again after those difficult times. Ngayon na lang ulit. Halos manginig ang buong katawan ko sa paghawak pa lang ng manibela pero kailangan kong gawin 'to kung hindi, madedelikado talaga ang buhay ng lalaking yon! Pinilit kong magfocus sa GPS na tinitingnan ko kung saan papunta si Kyle. Hindi na ako nakapagpaalam kay Tony. Tinawagan ko na lang siya habang nasa byahe. Kinontak ko din ang mga security na humahabol sa kanya at nagtulungan kami para ma-trace si Kyle.

Sa lahat ng naging kliyente ko, siya lang ang ubod ng tigas ng ulo, my goodness. Pero siya lang din ang lalaking minahal ko. At hindi ko alam kung kailan ko mamahalin ang mayabang na yon. Kaya wala pa akong idea kung kailan ako makaka-move on.

Anyway, ano'ng ginagawa niya sa operation? At paano niya nalaman ang lugar na yun? That's too confidential, at bakit siya lumabas? Paano siya nakalabas? Ang daming naglalaro na tanong sa isip ko kung paano nangyari ang lahat. Pero hindi rin maiwasang kumabog ng puso ko sa sobra-sobrang pag-aalala ko kay Kyle. I hope he's okay. And still alive.

Natingnan ko ang screen ng laptop ko. His car is still moving. Good thing he took a security car. May tracking device yun na na-installed at hindi kami mahihirapang ilocate siya.

"Maiah... Tumigil siya sa isang resto." sabi ng kateam mate ko na si Arren na sumusunod din sa kanya.

"Sige. Mauna na kung sino ang mauna. I can see him from here." sabi ko at binilisan pa lalo ang pagpapatakbo. Tony is calling but I decided to cancel the call.

My BodyguardNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ