Nine

217K 3K 143
                                    

9


MAIAH

May pagkakataon naman akong umiwas. Ang itulak siya, ang sampalin siya. He's kissing me. Literally, kissing me. Humahaplos ang malambot na labi niya sa mga labi kong, hindi alam kung paano tugunin ang halik niya dahil, first time ko to. Yea, it's my first kiss. He's my first kiss. Dapat ba akong magalit? Dahil hindi ko naman siya boyfriend, pero nagpahalik ako?

Bahala na. I must admit. I like it. I like the way he touch my lips by his. Ganito pala ang feeling ng hinahalikan. Para kang nasa langit, kahit wala naman talaga.

Akma ko ng ikakawit ang kamay ko sa batok niya ng bigla siyang bumitaw. Sumalubong sakin ang mga malamlam niyang mata. Yung para bang nagsisi siya. Yung tipong di niya nagustuhan. Bakit, dahil hindi ba ako marunong? Dahil ba hindi ko tinugon?

"I'm sorry. It's a mistake." malamig na sabi niya at agad na umayos ng upo, naghihintay pa rin na maging green ang stop light.

Napaawang ang labi ko. What? Did he just say, it's a mistake?

R-Really?

At pakiramdam ko, nawalan ng dugo ang buong mukha ko. Wala sa loob ko ang mapahilig sa may bintana ng audi na sinasakyan ko ngayon.

Mariin akong napapikit. Babae din ako. Marunong mahiya. At marunong mainis. Pwede bang bumaba na lang? Maglalakad na lang siguro ako papuntang Laguna. 

Alam ko iisipin niya nasarapan ako dahil hindi man lang ako lumaban. I really don't know what to say. Bigla na naman kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Yung tipong titigil kahit ano'ng oras. Yung katulad noon. Pero pakiramdam ko, hindi ako masaya. Akala ko kasi... Akala ko kasi... Bakit ba ako biglang umasa? Syempre, hindi. Isa lang akong bodyguard.

"You're not my type."

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang kumirot doon. Dun sa tumitibok. Dapat yung braso ko ang hahawakan ko, eh. Yung natamaan ng bala. Pero bakit dumapo yung kamay ko sa dibdib ko?

Nabitawan ko ang coat ko na idinidiin sa sugat ko para tumigil ang dugo.

"Maiah... Please make it stop. Or else, pupunta tayo ng ospital."

Doon ko siya nalingon. Diretso pa rin siyang nagda-drive. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Wala sa loob ko ang kinuha ang coat na nabitawan ko at muling idiniin sa sugat ko.

***

KYLE

Alam ko namang wala ako sa posisyon. Hindi ko naman siya kailangang halikan. Hindi ko naman dapat ginawa yun. Pero isang parusa ang babaeng yon. Isa talagang parusa. I saw Kate with somebody else sa katabi naming kotse ng mapalingon ako sa kanan. Durog na durog ang puso ko habang nakikita siyang matamis ang ngiti sa lalaking kasama niya.  Biglang bumalik lahat ng sakit. And I really don't know how to handle the pain. Pwede bang tumigil muna at sumigaw sa gitna ng kalsada?

Gusto kong hilahin siya palabas ng sasakyang yon para sigawan at sumbatan. Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko.

Ganon ba siya kabilis naka-move on? Ganon niya ba ako kabilis palitan? 

I know that's stupid. And I'm a big fool. Pero ang sakit-sakit pa rin. Kaya nung mapatingin siya sa gawi namin, even though it's not right, I found myself kissing Maiah.

Gusto kong ipakita sa kanya na hindi lang siya ang may karapatang mag-move on. Gusto kong ipakita sa kanya na nakahanap na rin ako ng iba. Kahit hindi naman talaga. Na siya pa rin talaga. At hindi ko alam kung paano ko siya papalitan.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon