Ten

225K 2.9K 136
                                    

10


MAIAH

Kailangan ko na bang aminin sa sarili ko na may gusto ako sa kliyente ko? Hindi ko naman hahangarin na sana totoo ang halik na yun kung wala akong inaasahan na mangyari, di ba? Hindi ko naman siguro masasabi sa sarili ko na kailangan ko talaga siyang protektahan ano man ang mangyari kung hindi ako nag-aalala sa kanya ng sobra-sobra, di ba? At hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala akong nararamdaman para sa kanya.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Ka-cheapan ba ang ganito? Pagkatapos kang halikan, eh gusto mo na agad? I don't think so. Hindi ko rin kasi alam sa sarili ko, bigla ko na lang naramdaman ang ganito. Yung feeling na, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit na malapit siya, at yung tipong ngiting-ngiti ako kapag nasisilayan ko ang ngiti niya na nagpapagwapo sa kanya ng sobra-sobra.

But unfortunately, hindi niya ako type. Everything was a mistake. It was a mistake for him. 

Maybe because I am only his bodyguard. Gaya nga ng pinapamukha niya sakin palagi, isa lang akong hamak na bodyguard.

Ang saklap naman yata ng first love ko, broken hearted ako agad. Hah! At gusto ko na agad ibaon sa limot ang nararamdaman kong to para sa kanya dahil alam ko namang walang patutunguhan kung patuloy lang akong aasa.

At hindi ko namalayan na sinundan niya pala ako hanggang kitchen.

"Maiah..." tawag niya. Pero hindi ko siya nilingon. Bubuksan ko na sana ang ref ng hawakan niya ang kanang braso ko.

Wala sa loob ko ang hinarap siya.

"May kailangan ka ba, Mr. Martin ?"

"...Please. Talk to me. I'm sorry."

"You really don't have to say sorry. In fact, may kasalanan din naman ako dun. I should've pushed you away. H-hindi ko rin naman ginusto yon. You know, the feeling is always mutual." Pwede bang huwag na lang akong masaktan sa mga sinasabi ko ngayon? Parang gusto kong kainin lahat, eh.

He let go of my arm. "Then why are you ignoring me? Alam kong nakakagalit ang ginawa ko. I don't have the right to kiss you, that's why I'm saying sorry."

"Babae pa rin ako! Sino'ng matinong babae ang magpapahalik na lang basta-basta sa lalaking hindi naman niya boyfriend? Dun ka na nga! Marami pa akong gagawin. Magtrabaho ka na lang din, kung pwede."

"Teka lang naman... I just want to know if how's your wound. Nalinis mo na ba yan? Gusto mo, linisin natin ulit?"

Tapos, papahirapan ko ang sarili ko? Ayoko ng magpakatanga, Kyle. Tama na yun.

"Ano ka ba? Ano bang nangyayari sa yo? I'm okay, buhay pa at humihinga. Hindi mo kailangang magpanic dahil lang sa daplis ng bala. Malayo yan sa bituka."

"Are you sure?" As if totoo naman yang pag aalala niya.

I fake a smile. And nod.

Napabuntong-hininga siya, at tumango rin. Saka tumalikod sa akin.

At wala sa loob na pinagmasdan ang paglayo niya. Don't be a fool, Maiah. Turuan mo ang sarili mo. Patayin mo na agad kung ano man ang nararamdaman mo, para hindi ka na masaktan ng sobra sa bandang huli. 

***

Napailing ako habang pinapanood ang video ng cctv footage na nakuha sa Dept. of Investigation, the time that Cecille escaped.

"What's that shit?" nakakunot na noong tanong ko.

"Obvious naman, di ba? They're having sex. That pervert guy!" sagot ni Tony.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon