Three

275K 3.2K 79
                                    

3

MAIAH

Matapos kong siguraduhin na safe nga ang kwarto ni Kyle, agad na rin akong lumabas. Pero hindi ko na naabutan ang mag-ama sa paglabas ko. Nasaan na kaya sila?

Agad akong bumaba ng hagdan, at naaninag ko ang mga security guards na nagbabantay sa garden at malapit sa gate.

Since personal bodyguard kami ng mga Martin, obligado kaming manuluyan sa mansyon nila hanggang sa maresolba na ang issue. Hindi lang naman ito ang unang beses na pansamantala kaming maninirahan ni Tony sa bahay ng mga kliyente namin. This is part of the contract.

Naigala ko ang paningin sa malaking bahay na kinatatayuan ko ngayon. This is too big for the two of them. Pero dahil ubod ng yaman ang mag-ama, this mansion seemed to be a perfect home for them. Mukhang ang security at mga kasambahay lang nila ang nagpaparami ng populasyon sa bahay na ito.

So far they're safe here. But I'm afraid this is not forever. This syndicate is still hunting them, and they want them dead.

I wonder where Tony is.

Agad kong kinuha ang laptop sa loob ng bag ko at binuksan iyon matapos maupo sa couch. I'm in the middle of researching nang maalala ang tracking device na kailangan ko.

Teka, nasaan na nga pala yon? Nakapa ko ang coat ko at baka nalagay ko lang sa bulsa. Pero, wala eh. Napakunot ako ng noo.

Oh shit. Naiwanan ko sa kwarto niya.

I need to go back to his room. For sure nandun yon.

Wala sa loob ko ang napatayo at muling umakyat sa hagdan patungong kwarto niya.

Pero bakit bukas ang pinto? Kanina nakasarado to, ah.

"Kyle?" tawag ko. Pero walang sumasagot. Nasilip ko ang kwarto. Walang tao. Sikreto kong napagmasdan pero, wala namang unusual na nangyari. Nagmasid pa ako kung merong ibang tao ang nakapasok pero wala naman.

"Kyle!" tawag ko, pero wala pa rin. Kaya nag-decide na akong pumasok. Nasaan ba tong lalaking to?

Saktong pagpasok ko ang pagsalubong niya sakin na nakakunot ang noo.

Pero hindi ko maiwasang panlakihan ng mata nang tumambad ang katawan niya. He wears nothing... But only his brief.

Oh my goodness. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko kaya agad akong tumalikod. And I heard him chuckled. Did he do this on purpose?

"Ano ba, bakit di ka ba sumasagot agad? Can you please get dressed?!" inis kong sabi.

"Technically, I'm still dressed, Maiah. And why are you getting mad? You're tresspassing and you just came into my room without asking first." halata ko ang pang-aasar sa tono ng pagsasalita niya. He sounds playful this time. But I don't have time to deal with him.

"May nakalimutan akong importanteng bagay. Hindi ko sinansadyang maiwan dito. Hindi ka naman sumasagot, eh. Tapos nakabukas pa yung pinto ng kwarto mo. Simpleng pagsasara lang, di mo pa magawa. I don't see you're responsible enough for your safety."

"Hey! Kukunin mo lang yung naiwan mo, ang dami mo nang sinabi. Kunin mo na nang makapagpahinga na ako, istorbo ka, eh." masungit na sabi nito.

Ang yabang talaga, nakakainis!

Humarap ako sa kanya, not minding that he's only wearing a brief. Ang loko, hindi talaga nag-abalang magtapis ng tuwalya kahit na nakasabit na sa balikat niya.

And now he's laughing. "Ano'ng nakakatawa?"

Marunong naman akong mag-appreciate ng beauty. Napagmasdan ko ang mukha ng lalaking to. Mukhang ang bait-bait kapag tumatawa siya. Lalong gumagwapo.

My BodyguardWhere stories live. Discover now