Thirty Nine

163K 2.1K 130
                                    

39th


MAIAH

Mabilis na pumapatak ang mga luha sa mukha ng wala ng buhay na si Tony pagkatapos kong lumuhod para makita siya.

Hindi man lang kami nagka-ayos. Hindi man lang kami nakapag-usap ng mabuti at maayos kung ano man yung dapat naming ayusin. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya bilang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Hindi man lang niya ako binigyan ng chance. Hindi man lang, Tony.

"Kamusta naman ang drama? Look baby, lungkot na lungkot ang girlfriend mo sa kasamahan niya. Hindi kaya nagtataksil lang siya at hindi ka naman talaga niya mahal?" sabi ng isang boses sa likuran ko.

Mahigpit kong hinawakan ang baril na nasa kanang kamay ko. At agad nalingon ang pinaghihinalaan ko.

I saw Kate and Kyle. Damn! Nakuha na naman niya si Kyle? At ngayon, gapos gapos niya ang leeg nito habang nakatutok ang baril sa akin habang ang isang kamay na nakapulupot sa leeg ni Kyle ay may hawak na mahabang kutsilyo.

Napatiim ako ng bagang. Shit! Hinding-hindi ako papayag na pati si Kyle ay matulad kay Tony. Handa akong mamatay, mailigtas ko lang siya.

Agad akong tumayo. At akmang hahakbang ng patigilin ako ni Kate.

Nakakaasar ang ngiti nitong babaeng to. May sa demonyo talaga. Nung una ay nagagandahan pa ako sa kanya pero ngayon ay hindi na. Mukha ng demonyita. Ang pangit-pangit na. Hindi mo mapagkakamalang, naging girlfriend ng bilyonaryo.

"Oopps oooppss ooppss! Dyan ka lang kung ayaw mong laslasin ko tong leeg ng mahal mo!" parang bata niyang sabi.

Nagpahid ako ng mga luha na para kay Tony.

"What do you want, bitch?" walang emosyon kong sabi.

Ngumisi ulit siya. I saw how Kyle struggles for his own breath. And I saw how hard it is for him. But I hope he can bear everything, until all has been done. All has been finish. And until Kate dies and pay for all the crime she made.

"It's your life, fucking idiot! Kyle told me that he will  be with me again. So I want you out of his life, forget him, and live on your own!" sagot niya.

Natingnan ko si Kyle. Mataman niya akong tinitigan. Parang gusto niyang sabihin na totoo ang sinabi ni Kate. Na sasama na nga siya dito. Pero paano ako?

"Maiah... J-just go. Tumak--as ka na, please. Ako naman ang, gu--sto niya. Save yo-ursel-lf." sabi niya.

"Eh paano naman ang gusto ko? Hindi mo ba tatanungin ?..." at tinaasan ko siya ng kilay. Saka ko muling binalingan si Kate.

"... C'mon Kate. Don't tell me na papakawalan mo na lang ako ng ganon-ganon dahil magkakabalikan na kayo ng ex mo at magsasama na ulit kayo? Wala man lang ba tayong konting wrestling o action scenes na pwedeng gawin? Gusto ko pang ipaglaban ang pagkamatay ni Tony, eh. Be brave enough, Kate. Lumaban ka ng patas. Huwag kang duwag. Nakakatawa ka, eh!" pang-aasar ko sa kanya.

At mukha namang effective. Shit. Nag-iba na naman ang hitsura niya. Kulang na lang ay tumirik ang mga mata niya sa sama makatingin sakin. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakagapos ng sariling braso sa leeg ni Kyle.

"Will you please shut up!? Ang dami mong daldal! Gusto mo bang mabuhay o humihiling kang mamatay na? Sabihin mo lang at kayang-kaya kitang barilin ngayon!"

"You're, l-losing you--r mind, Ka---te." komento ni Kyle.

Kunot-noo siyang lumingon kay Kyle. "Of course not, baby! Tinatapos ko na nga to para happy ending na tayo, eh! Yung bodyguard mo kasi , kontrabida!"

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon