Twenty One

184K 2.3K 54
                                    

21

MAIAH

Pinasok namin ang bahay kasama ang mga ahente ng Department of Investigation. Maingat kaming pumwesto at sinipat ang bawat bahagi ng bahay kung saan kami nakatigil. Pero agad akong napalingon ng tumumba ang isang kasama namin dahil sa tama sa binti. Galing ang bala sa 2nd floor, kaya naman pinaputukan ko agad ang bumaril sa kasama namin. Tumumba ito pero nagsunod-sunod na ang mga bala na nangagaling sa taas.

"Guys, 2nd floor!" sigaw ko sa mga kasama ko.

Inasinta nila ang 2nd floor kung saan nagkalat ang mga myembro ng sindikato. Pero mas madami pa pala kaysa sa inakala namin. Pinalibutan kami ng mga ito dito sa ground floor. Sunod-sunod ang pakikipagpalitan namin ng putok sa kanila. Nakita kong pinagtutulungan ng 3 kalaban si Tony kaya naman nag-cover ako sa kanya.

"You really shouldn't come." sabi niya habang magkatalikod kami.

"Oh come on  Don't tell me that right now! Ano bang gusto mong gawin ko? Iwanan ka sa gitna ng laban?" at agad kong inunahan ang kaharap kong lalaki na tatamaan sana ako.

Nagpatuloy ako sa pakikipagbarilan. Pero naalala ko rin si Kyle. Kamusta na kaya siya? Hinahanap kaya niya ako? Tinatanong niya kaya ako? 

"Masyado silang madami! Natunugan ba tayo?" tanong ni Greg na kasama rin namin.

"Hindi ko alam. Pero kailangan natin silang ubusin." sabi ko.

Napakunot-noo ako ng may umuulan na lang na bala galing sa taas, at hindi sa 2nd floor. Hinanap ko kung saan galing yon. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 2 lalaking nagpapaulan ng bala galing sa 3rd floor ng bahay na ito.

"Shit! Guys! Meron sa taas! Cover up!" sigaw ko sa kanila at agad kaming dumikit sa mga poste o kung saan kami pwedeng magtago.

Kailangan naming mapatumba yung nasa taas. Dahil kung hindi, mauubos kami dito ng wala sa oras.

"Greg, cover me. I need to go to the 3rd floor ng hindi nila napapansin o nakikita." sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Greg. Halatang nagulat.

"What?! Are you crazy?! Masyadong delikado. Ako na lang ang aakyat." tanggi niya.

"What's happening to you, people? Ano bang meron at ganyan kayo sa akin? Hindi tayo pumunta dito para protektahan niyo ako. We're here to finish this case. HIndi ito ang oras para sa ganyan!" galit na sabi ko.

"Maiah... I know what you're saying. But I can't let you do that. Not now." Mariin na sabi ni Greg.

Napatiim-bagang ako. Ano bang gusto nilang gawin ko? Ang tumunganga na lang at panoorin na nalalagas ang team?

Natingnan ko si Tony na nakikipagpalitan ng putok sa di kalayuan. Kaya nga ako nagsabi kay Greg dahil akala ko papayag agad siya na hindi katulad kay Tony na alam kong hindi ako hahayaan. Pero hindi rin pala pabor ang isang to.

Kaya naman hindi na ako nagpapigil sa kanya. Agad akong tumakbo palayo kay Greg at tinungo ang hagdan.

"Maiah! Maiah!" tawag ni Greg pero hindi ko siya nilingon. Kailangang matapos na to. Ayokong sayangin ang buhay ng iba naming kasama. Wala ng oras para magplano kung sino ang aakyat at paano ang gagawin. Wala ng oras para maghintay na malagas ang grupo namin.

"Maiah! Maiah! Shit ka, Maiah!" nakilala ko ang boses ni Tony na tumatawag sakin habang paakyat ako sa hagdan at nakikipagpalitan ng putok sa mga kalabang nakaharang sa akin. Wala na akong panahong lingunin siya. At hindi rin naman ako magpapapigil sa kanya.

Nagtuloy-tuloy ako sa pagtakbo paakyat. Hahakbang na sana ako ng hagdan patungong 3rd floor ng bumagsak ako sa sahig, at ramdam ko na lang ang biglang pagdagan ng lalaki sa likod ko para hindi ako makakilos.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon