Thirteen

227K 2.8K 205
                                    

13

MAIAH

"Maiah... Maiah... Wake up now."

Hindi ko masyadong naintindihan yung sinasabi ng boses na yon na tumatawag sakin. Napayakap ako lalo sa unan na tanday-tanday ko.

Pwede bang huwag ng magising? I really wanted to stay in this beautiful dream.

Kasama ko daw si Kyle, and we are in a meadow. At doon ko malayang nahahawakan ang mukha niya while he's smiling to me, full of promise, full of love. Yung ngiting, nagsasabing hindi niya ako iiwan.

Pero napakunot-noo ako ng makita sila Mommy and Daddy na biglang nagpakita galing sa kung saan.

Agad silang nakalapit sa akin at biglang hinawakan si Kyle, hinila patayo mula sa pagkakaupo, at nagsimula silang lumayo sa akin. Naglakad palayo. Palayo ng palayo sa akin.

No. Why? Why are they taking away my happiness?

Naiwan akong luhaan. Wala ba talaga akong karapatang maging masaya?

"N-No... N-Noo... Please."

"Maiah... What's happening? Maiah?... Open your eyes."

Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko pero parang ayaw dumilat ng mga mata ko. Ang dilim na ng paligid. Wala na sila Mommy, Daddy, and Kyle. Naiwan na naman akong mag-isa. Lagi na lang akong nag-iisa.

"Please... Come back."

"Maiah!"

And I was able to open my eyes. Habol ko ang hininga ko habang bumungad sa akin ang God like creature na to, who happened to be my client. The guy I wish I can have. The guy who's name is what my heart screaming for. The guy that unfortunately, will never be mine.

"What happened? You're sweating." tanong niya at pinunasan ng sarili niyang mga palad ang pawis sa noo ko. Doon ko narealize na pinagpapawisan nga ako. Naramdaman ko ang basa sa balat ko.

Napakunot ako ng noo at agad na naupo, saka hinablot ang unan na nasa tabi ko.

Napailing siya. Kyle is sitting in my bed. Thank God he has a tshirt on. Atleast, hindi ako magdo-drool sa katawan niya ng ganito kaaga.

"Huwg ka ngang OA. I will never intend to touch you. Keep that in mind. Binabangungot ka ba?" tanong nito.

Yea, I know. And I'm a bit disappointed. Dahil alam ko namang wala akong pag-asa sa yo.

"Hoy, ano ba? Ang aga-aga, pre-occupied ka kaagad. Pinagpapawisan ka."

Natingnan ko siya. Shit. Bakit ba ang gwapo niya. Gustuhin kong sisihin ang kagwapuhan at kagandahan ng katawan niya kung bakit nag-transform ako sa isang pagkataong, hindi ko inaasahan na magiging ako.

Ang pagkataong, maiinlove ako sa kanya kahit na sobrang yabang niya. At kahit na inis na inis ako sa kayabangang tahlay niya, still, I will not let anything happen to him, no matter what. And while I'm havig this feeling, mas malakas ang loob ko na maipagtatanggol ko talaga siya, sa kahit na ano'ng paraang alam ko. Madalas na rin akong mamula, at hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya, that's because he's too handsome that everytime he laid his eyes on me, I know I'm going to faint. Lagi na ring bumibilis ang tibok ng puso ko, lalo na kapag sobrang lapit niya sakin, gaya ngayon. At hindi ko kayang rendahan ang puso ko sa ganito.

At higit sa lahat, nagagawa kong magdasal ng palihim na sana, isang araw may himala at magustuhan niya rin ako, kahit na isa lang akong hamak na bodyguard sa paningin niya.

I know he's just too much to ask for. He's a billionaire, for God's sake. And he always want a high profile one, not a girl like me who always handle guns and handcuffs and acting like the best heroine facing the villains from time to time.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon