Eleven

224K 3K 158
                                    

11


KYLE

Napasimangot ako. Bago ako tuluyang lumayo ng kitchen, nilingon ko ulit siya. Ayun. Busy sa paglilinis ng sugat. Sabing ako na kasi eh! Mabali sana kamay mo sa kakalinis ng sugat mo! At agad na umakyat ng hagdan.

Agad akong napasalampak sa kama, at binuksan ang laptop. Magtatrabaho na lang ako. And I hope someone will attack me for her to rescue me.

Napailing ako. Napakasungit! Ako na ngang nakikipagbati, ayaw pa niya. Bakit ba napakapakipot ng mga babae?

Kunot-noo ako ng may mag-ping sa messenger ko. At ang nagregister na pangalan? ... Kate022511.

"How are you?"

What the hell? Kate? Siya ba talaga to? Pero lahat na pinalitan ko, mawalan lang ako ng alaala at komunikasyon sa kanya gaya ng sinabi niya sakin noon pero ano tong ginagawa niya? She's ruining me, again! Saang lupalop niya nakukuha lahat ng contact information ko? She don't have the right to do that. She really don't have the right.

I was about to fold my laptop when it pings again.

May sariling buhay ang mga daliri kong kusang nagbukas ng message na iyon.

"Please don't ignore me. I just want to know how are you, Kyle."

Nagpalinga-linga ako. Sa pagkakasabi niya, parang nandito lang siya sa paligid, ah. Pero wala naman. Seriously, Kate? What do you want from me? Wala ka yatang mapagtripan at nagsasayang ka ng oras sa lalaking halos isuka mo noon.

"Kyle, please. Talk to me. Hindi ko kayang may ibang babae ka."

At doon na nagtagis ang mga bagang ko. Halos pukpukin ko ang laptop ko para masira na lang ito. Para hindi na ako madistract sa mga narereceive kong message. May gana pa siyang ipaalala ang exact date ng anniversary namin. Hanggang kelan ba siya titigil para guluhin ako?

"What do you want now?" wala sa loob ko ang pagreply.

Mabilis pa yata sa alas kwatro kung magreply ito.

"I don't know. All I know is, I badly want to see you."

"There's no reason for us to meet. I'm forgetting you. Let me move on. Hindi lang ikaw ang babae sa mundo."

"Kaya ba pinatunayan mo na sakin yan ngayon? Ang bilis naman Kyle. Ang bilis mo namang pinagpalit ang 2 taon. May nahanap ka na agad na ipapalit sakin habang ako dito, iniiyakan ang nakita kong ginawa mo."

"Fuck! Huwag mo ngang baliktarin ang usapan! Ikaw ang may kasamang lalaki! You're the one who left. You're the one who decided to forget everything! It's you, Kate! Goddamn, it's you!"

"If only you knew, Kyle. ;-("

Huwag niya akong masendan ng emoticon na mga ganyan-ganyan! Lalo lang nabubuhay ang galit ko. Ang sakit na pilit ko ng binabaon simula nang iwan niya ako.

"Don't give me that crap! You knew it from the start, it's you who ruined us! What's the point of talking about this now? Do you think everything will change because you're now talking to me? Do you think you can change it? For Pete's sake, it's not that easy!"

"Everything is not easy when it comes to you, Kyle. Everything is complicated when it comes to us. And you don't even know about it."

Padabog kong sinarado ang laptop at pabagsak na nahiga sa kama. Fuck! What is she saying? Ano'ng gusto niyang palabasin? Na kasalanan ko pa? Kasalanan ko ang kung bakit siya nakipaghiwalay? Nagpapatawa ba siya?

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon