Nineteen

192K 2.5K 76
                                    

 19


MAIAH

"Hindi ko alam na marami ka palang time para humingi ng chance na taliwas sa mga sinasabi mo noon."

"Dahil tinutulak mo ako sa mga babaeng hindi ko naman gusto. Hindi mo alam na yung babaeng gusto kong bigyan ng time at atensyon ay ang babaeng nagtutulak sa akin sa kung kani-kanino na wala namang panama sa 'yo." Katwiran ni Tony.

Aba't! May mga banat pa talaga siyang ganyan! Bakit ba napakahilig mangloko ng mga lalaki? Yung mga ganitong palipad hangin na kahit alam naman nilang hindi dapat sabihin, sasabihin pa talaga. Para ano? Para makaisa sa mga babae?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil na tayo dahil wala naman tayong pagkakasunduan. Bumalik ka na doon kay Sir Kristoffer dahil mas kailangan mo yung gawin kaysa ang mag-aksaya ng oras na makipag-usap sa akin. Hindi ito yung time na pinag-uusapan nating dalawa ang bagay na 'to."

Napangiwi si Tony sa sinabi ko. Halatang kokontra siya pero, hindi ko iyon narinig sa kanya. "I just wanted to let you know that I'm damn serious about what I said. I wanted to have a chance with you. And I promise, I will do good."

Mahirap mangako sa isang bagay na wala ka namang kasiguraduhan; kagaya ng pagbibigay ko sa kanya ng chance, in case. Hangga't maaari, ayokong bigyan siya ng chance pero sa huli ay masasaktan lang din siya dahil wala naman talagang patutunguhan ang gagawin niya. Mas mabuting maaga niyang malaman na hanggang dito lang talaga ang pwede kong maibigay para sa kanya. 

Napabuntong hininga ako. "Thank you for being serious."

Naghintay pa siya ng ilang saglit kung may idadagdag pa ba ako sa sinabi ko pero napatango na si Tony nang hindi na ako muling nagsalita pa. "I will let you think. But again, I'm sorry. I'm really am. Hindi na iyon mauulit. Not until... Not until you will become my girlfriend." At gumuhit ang munting pagngiti na iyon sa kanyang mga labi na para bang nakahinga siya ng maluwag sa naging takbo ng pag-uusap naming dalawa.

"Bumalik ka na. Baka may kailangan si Sir."

Tumango siya at tuluyan nang tumalikod. Muli akong napabuntong hininga. Bakit ba ako ang nakita mo, Tony? Dahil ba matagal na tayong magkasama? Dahil sanay ka na sa sakin? Dahil araw araw mo akong nakikita? Hayyy. Ang sakit sa ulo isipin ng sagot. Siguro nga, walang matinong sagot kapag ang tanong ay tungkol sa pagmamahal. Ang hirap hirap hanapan ng tamang sagot.

Muli kong binuksan ang laptop at pinilit kong bumalik sa trabaho. Iniwaksi ko muna ang isipin tungkol kay Tony at sa mga sinabi nito pati na rin ang kapangahasang ginawa niya sa akin. Sa ibang araw ko  na lang iintindihin ang bagay na yon. Kailangan ko nang madaliin ang kaso ng mga Martin. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Kailangan ko nang bigyan ng solusyon ang kaso nila para masolusyunan na rin ang problema ko sa puso. Para matigil na 'to sa pag-aasam kay Kyle na hindi ko naman makukuha, kahit kailan.

Muli kong pinag-aralan ang pasikot-sikot ng lugar na pinagtataguan ng High Class Syndicate. Ito ay isang magarbong bahay sa Laguna. Aakalain mong normal na bahay ng isang bilyonaryo at makapangyarihang tao.

Pero ng chineck ko ang structure ng bahay, kung paano ito ginawa, puno ito ng mga hidden doors, ng maraming kwarto, at may 2 basements pa ito. Kumplikado ang structure ng bahay. Kailangan talaga naming mag-ingat sa operation bukas. Delikado kung delikado. Pero hindi pa ba ako sanay? Ilang taon ko na tong ginagawa. Ilang beses na akong nalagay sa alanganin. Pero alam kong laging nandyan sila Daddy at Mommy para bantayan ako. Kailangan lang ng magandang plano; ng matalino at maingat na plano, mapapatumba ng Elite Team ang most notorious syndicate ng Pilipinas.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon