Twenty

202K 2.4K 119
                                    

 20

MAIAH

Tahimik kaming dalawa ni Tony sa loob ng kotse, kasama pa ang dalawang team mates namin sa Elite Team. Kasunod din namin ang isa pang sasakyan na may lamang mga tauhan ng Department of Investigation para tumulong sa operation.

Gusto kong mag-open up ng conversation. Gusto ko siyang kausapin. Yung normal na pag-uusap na kagaya ng dati. Yung hindi niya pa inaamin yung feelings niya sa akin. But I can't bring myself to do that. I don't know how to talk to him without us ending up talking about how he feels towards me. That all those times he's teasing me and joking about me being his girlfriend lalong lalo na yung mga pang-aasar nila Boss at mga kasamahan namin sa grupo ay totoo pala. Akala ko kasi talaga loko loko lang nilang lahat yon, and Tony, knowing him, hindi pa naman talaga siya nagkaroon ng seryosong relasyon. Dahil nga daw wala siyang time. Pero ngayon, bigla siyang magkaroon ng time na maglaan ng feelings para sa akin?

Gusto ko na lang tuloy matawa sa mga iniisip ko ng mga oras na 'to. I'm sure Tony didn't have a say on who his heart wanted to have. Parang ako, wala din naman akong say. Kahit pa gustong gusto kong patigilin ang puso ko sa pagtibok para kay Kyle, wala pa rin naman akong magawa. Yung kahit ilang beses kong subukan na rendahan ang sarili ko, sa tuwing malapit na siya sa akin, hinding hindi ko na mapigilan ang sarili ko. And I'm sure Tony is having the same dilemma.

"You really shouldn't come. Alam mong delikado. Gustong-gusto mo ba talagang laging nasa peligro ang buhay mo?" biglang sabi niya.

Bigla akong napalingon. And now he's talking. Buti naman at iba ang binabato niyang topic sa akin.

"It's part of the job. I just want to finish their case as soon as possible." katwiran ko.

"So, are you really trying to move on from your feelings for Kyle? ..." at doon siya tumingin sa akin, seryoso at mataman.

Hindi ko masagot anga tanong niya. A big part of me doesn't want to but I know I need to do it because if I will continue this foolish thing, I will end up suffering in the end.

"... At kapag nakamove on ka na, mabibigyan mo na ba ako ng chance? Pwede na ba akong maging dahilan ng mga ngiti mo ? Pwede ka na bang maging masaya ng ako ang dahilan at hindi siya ?"

Natuwa na ako dahil akala ko, hindi ito ang pag-uusapan naming dalawa. Pero dito rin pala kami humantong. May mga kasamahan kami sa kotse at alam niya yon pero balewala iyon kay Tony. Hindi niya yon naisip bago pa siya mag-open up ng tungkol sa aming dalawa.

"Makikipagbarilan na lang tayo, yan pa ang iniisip mo? My god! It's not the right time for this!" Naiinis ako. Marunong sana siyang lumugar.

Sinipat niya ang dalawa naming kasama na tatawa tawa habang panakaw na tumitingin sa aming dalawa. "They know. Alam naman nila sa umpisa pa lang kaya, wala na akong dapat itago. At ayokong magtago dahil wala namang dahilan. And I really don't care what other people will think of me since I'm not doing anything wrong. I'm just being honest here and I just wanted to express my feelings."

Ang sarap sapakin ng lalaking 'to. At talagang itatiming niya pa ang pag-express niya ng feelings sa ganitong pagkakataon na mayroon kaming delikadong misyon? Hindi ba dapat ang pinag-uusapan namin ay kung paano magiging successful ang plano namin ngayon? And not all this butterflies and heartaches thing?

"You are impossible. You know very well what I'm talking about. Now, do me a favor and stop asking me about it because I will not stop myself from punching you right in your face. Huwag kang pasaway dahil tatamaan ka talaga sa akin."

Narinig ko ang pagtawa ng dalawang kasama namin sa harapan. "Shit, Tony. Ibang klase rin talaga ang tipo mong babae, ano? Naku, Maiah. Ilang taon na niyang kinikimkim yang feelings nya sa 'yo, baka naman pwede mo nang pagbigyan? Ilang taon na yang nagtitiis sa patanaw tanaw lang at pabiro biro, huwah ka namang masyadong hard."

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon