Twenty Seven

207K 2.7K 131
                                    

 27


MAIAH

Nasa harapan namin ang isang matangkad na babae, naka-itim na dress, siguro kasing haba ng dress ko, at nakapusod rin ang buhok. Sopistikada ang mukha at halatang mayaman kung kutis lang ang pagbabasehan. Maganda rin ito, masyadong maganda. Yung pasok na pasok na sa pagiging artista.

Kate. Ito ang itinawag ni Kyle sa kanya. Posible bang ito ang ex girlfriend niya? Ang babaeng sinaktan siya? I don't know the reason behind their break up that's why I keep thinking what happened to both of them.

The way she look at him. The way she's trying to smile, I know she still have feelings towards him. Pero akin na siya ngayon. Akin na ang lalaking iniwan niya. At hindi ako papayag na mawala siya sakin, kahit pa kahit ano'ng yaman niya sa buhay.

Now that I have given the chance, I swear I'll never let it escape.

Hinding-hindi ko papakawalan ang taong matagal kong inasam na maging akin, na magkakatotoo pala lahat ng hiling ko, kahit na noong una ay akala ko'y imposible.

"I knew it. The guy I will never forget. And, you're with... Someone." at saka napalingon sa akin. Sumeryoso ang mukha niya at agad akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

Humigpit ang hawak ni Kyle sa kamay ko. Nalingon niya ako at nginitian, saka pinisil ang kamay ko. Napangiti naman ako. Oh, how I love this guy.

"Yes. She's Maiah.  My future wife. Babe, meet Kate. Someone I used to know." pakilala ni Kyle.

Wow. So ungentleman. Grabeng lalaking to. Someone I used to know? Bitter talaga siya? Nakamove on na ba talaga tong mayabang na to? O baka naman rebound lang ako. Malilintikan talaga siya sakin.

Nawala ang ngiti ni Kate ng sabihin iyon ni Kyle.

"Y-You're, future wife?!" gulat na tanong niya, making sure that she heard it right.

Nalingon kong muli si Kyle. Ngayon lang nagregister ang mga salitang yon sa utak ko. Like, wait. Future wife!? Of Kyle Joseph Martin?! Di ba magbf/gf pa lang kami? Saan naman niya nakuha ang future wife? Oo, gusto kong ako ang makatuluyan niya, wala ng iba. Pero, kelan naman siya nagpropose? Wala akong matandaan. Ang alam ko, nagkaaminan pa lang kami ng feelings pero walang proposal na naganap. May namiss ba akong eksena kanina sa kwarto? Wala naman, hindi ba?

"Yes. You heard it right, Kate. My future wife." sagot ni Kyle.

Kahit ayoko, napilitan akong maglahad ng kamay. I don't know. I feel something wrong towards her. Ayoko sa kanya. It's not that she's the ex girlfriend of the love of my life but, my instinct says, stay away from this woman.

"Hi. I'm Maiah." pakilala ko.

Pero tiningnan lang nito ang kamay ko at ibinalik na ang tingin kay Kyle.

Wow. Bitch na bitch ang ugali. Now I know why I don't like her.

"That's too fast, Kyle Joseph." and she chuckled sarcastically.

Muli ay pinisil na naman ni Kyle ang kamay ko, like telling me that it's okay and don't mind her.

He just shrug his shoulder as his answer.

"I think we'll be going, Kate. Dad is actually looking for us." paalam niya at hindi na hinintay pa ang sagot ni Kate dahil hinila na niya ako palayo dito kasunod ang security team.

Isa-isang nilapitan ni Kyle ang mga kumpol ng bigating businessmen and tycoons ng bansa. Lahat yata ng bilyonaryo, nagtipon-tipon sa engrandeng conference na to. Maraming gwapo at magaganda, pero nagstand out ang mag-amang Martins. Kyle really looks so flashy, elegant and extremely handsome on his white americana ang black tie. At hindi ko maiwasang kiligin at maging masaya dahil sa tuwing ipapakilala niya ako sa mga kapwa businessmen niya, future wife ang pakilala sakin. Damn it! Kelan ba titigil sa pagkalabog at pagtalon tong puso ko na umaabot sa pamumula ng pisngi ko sa tuwing tinutukso ako ng mga mayayamang negosyante na tulad niya.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon