Thirty Five

155K 2K 153
                                    

35

MAIAH

Magkakasama kaming bumaba ng hagdan matapos naming mapanood ang video na pinadala ng sindikato. Hindi nga ito kidnap for ransom. Ni wala man lang silang hininging pera o kapalit ni Kyle. Ibig sabihin lang nun, desido silang patayin ang lalaking mahal ko, pumunta man ako o hindi. Bullshit! Hindi ko maiwasang mapamura. Mga walang hiya talaga. Mga walang kaluluwa. Paano nila naaatim na pumatay ng tao? Kailangan ko ng back up plan sa pagsugod ko doon. Mga tuso ang High Class. Walang isang salita.

"Hindi ka pwedeng pumunta doon mag-isa." sabi ni Tony.

Hindi ko siya nilingon. Hindi ko siya sinagot. Eto na naman siya, nagsisimula na naman sa mga pagbabawal niya. Ano ko ba siya? Tatay ko ba para ganon na lang magsalita? At ano bang gusto niyang gawin ko, ang tumunganga? That's not gonna happen.

Nagtuloy-tuloy kami sa pagbaba at sakto namang nakita ko na siBoss. Thank God he's here!

"Maiah!" nag-alalang bungad niya at agad akong niyakap. Nagkalat ang mga security, pulis at elite members and leaders sa loob at labas ng safehouse.

"Boss..." at kumawala ako. "...Kamusta na po si Sir Kristoffer?" tanong ko.

"He's safe now, anak. Maayos na ang lagay niya pero kailangan niyang magpahinga. Tanong nga ng tanong kay Kyle... Ikaw, kamusta na ang pakiramdam mo? Mabuti naman at nagising ka na." sagot niya.

"Ginising po ako nila Tony. Look, we receive a video from the syndicate."

Lumingon sa akin ang mga kasamahan namin at nagsilapitan pagkarinig ng sinabi ko.

"Shit! How come sa yo lang nagsend? Nairecord niyo ba Tony?" at nilingon niya si Tony na nasa tabi ko.

Pero umiling siya. "Hindi po, Boss. Gaya po ng nangyari sa computer natin, na-hack din ang laptop ni Maiah at kontrolado na ito ng High Class. Pagkatapos ng video na sinend nila, nag-auto shutdown na yung laptop." paliwanag ni Tony.

"Pero ano'ng sinabi nila?" tanong ng chief of police.

"They want me for some unknown reason. Gusto nilang magpunta ako sa base nila at iinform daw nila ako sa address. Pero hanggang ngayon, wala pa naman akong narereceive. Kaya naman naghihintay pa rin ako. Pero, hindi ako pwedeng magsama ng kahit na sino at wala ring pwedeng sumunod."

"Kalokohan! Hindi ka pwedeng magpunta dun ng mag-isa, Maiah. Hindi sila lumalaban ng patas. Mga gago talaga!" galit na sabi ni Boss.

Damn! Napatiim bagang ako. Pati siya, ayaw akong paalisin.

"Kelan ba sila naging patas, Boss? Hindi naging patas ang High Class. At ilang taon na tayong nakikipaghabulan sa kanila. Kung marumi silang maglaro, wala na tayong choice kundi ang sundin ang laro na gusto nila. Isa pa, nahacked na nila ang network natin and up until now, wala pa ring solusyon ang IT Team natin. So ano'ng gagawin natin? Maghintay sa patas nilang laban? No... I'm not going to wait for that. This is life  and death for Kyle. We all know, they can kill him anytime they want. And I will never let that happen. Besides, I'm his bodyguard. He's my responsibility." 

"No, Maiah. I can't let you go all alone. Baka patayin ka rin nila!" mariing protesta ni Tony.

Masama ko siyang tinitigan. "Pwede ba?! Kanina ka pa tutol ng tutol eh! Talagang may mamamatay at si Kyle yun kung wala tayong gagawin!" galit na sabi ko.

"Hey! Ano ba kayong dalawa?! Parati na lang kayong nag-aaway, ah! Hindi naman kayo ganyan!" saway ni Boss.

Nag-iwas ako ng tingin sa sobrang inis. Nakakabwisit tong lalaking to.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon