Five

259K 3.5K 118
                                    

5


MAIAH

"Wow! Seriously, member siya ng High Class Syndicate? Masyado siyang maganda para sa sindikatong yon, ha." tuwang sabi ng Chairman ng dept. of investigation ng maiharap na namin nila Tony ang babaeng ito sa naturang ahensya. Napangiti ng matamis ang babae who's still in handcuff. Nagtinginan kami ni Tony. Sabi ko na nga ba, ito ang magiging reaction nila. Mga tingin pa lang nila, gusto ng hubaran ang babaeng to.

At mukhang wala na akong tiwala sa mga ito. "Are you sure you can handle this case? Eh mukhang pakakawalan niyo lang to, eh." iritable kong tanong.

Natingnan ako ng Chairman. Mga kamanyakan talaga ng mga lalaki. "Of course, Maiah! Makiki-cooperate naman kami sa inyo, eh." dagliang sagot niya. They should! Kaya nawawalan ng kwenta ang batas dito sa bansa dahil sa mga ganitong ugali ng mga nakaupo.

"Dapat lang naman nila akong pakawalan dahil wala akong kasalanan." Depensa ng babae.

Napataas ang kilay ko. "Oh really? Then why are you trying to drug him? Nag-run na sila ng test dun sa powder na hinalo mo sa alak niya. And confirmed that it was a drug. Kaya pwede ba, wag ka ng magmaang-maangan pa." inis kong sabi.

"However, ang gusto kong malaman eh kung bakit nung hawak na niya si Kyle ay hindi niya ito pinatay agad wherein, it's their plan in the first place, right? So ibig sabihin, nag-iba na sila ng plano? What is she trying to do?" takang tanong ni Tony. He has a point. The moment na hawak na niya si Kyle, bakit hindi niya agad ito pinatay since yun na ang chance niya? Does it mean na may iba na silang plano ngayon? Well, of course they wanted him to be dead, still.

"So... Are you trying to kindap him first? Ganon ba?" at nalingon ko ulit ang babae.

"Wala kayong makukuhang sagot sakin!" huramintado niyang sagot.

Napangiti ako. "We have enough proof para makuha namin ang sagot kahit hindi manggaling sa yo." at naitaas ko ang pouch niya na hawak ko. Naglalaman ito ng cellphone niya, baril na ginamit niya kanina at ang identification card niya.

"So, Chairman ... Maiwan na muna namin sa yo si Cecille, and I hope, you'll gonna do your job appropriately. We need to go back to the Martins. Chief will be here tomorrow to get some information from this bitch. But for now, sana naka-seal talaga ang kulungan niya. We also want to have a CCTV while she's in jail. But we will keep you updated. " paliwanag ko.

"Para namang sinabi mo na hindi namin ginagawa ng tama ang trabaho namin." Pikon na sabi niya. It's proven. Wag na siyang magmalinis. Maraming anumalya ang department nila. Kaya patunayan nila this time.

"Let's see, Chairman. For now, keep her safe. Kakailanganin talaga namin siya. We will appreciate that."

Tumango na lang si Chairman at kinuha na nila si Cecille para ikulong.

"Atleast we are having some clue, now." sabi ni Tony habang patungo kami ng kotse.

***

KYLE

We heard the sound of the engine. Maya-maya pa, natigil ito. "Nandito na po sila Maiah." anunsyo ni Greg.

Napatayo kami ni Daddy. At sinalubong namin ang mga dumating. She's with Tony. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang buhay pa siya. Pero napakunot ako ng noo ng makita ang sugatan niyang labi na may bahid ng dugo, at yung noo niya, may bukol. Ano'ng nangyari sa kanya ? Nadumihan din ang coat na suot niya. Does it mean na nakipaglaban siya?

"Oh God, hija! Thank you Lord and you're safe." sabi ni daddy.

Mukhang hindi naman nasaktan ang babaeng to, kasi nakuha pang ngumiti. Nagkatinginan kami. And I don't know what to say. After all, niligtas pa rin niya ang buhay ko.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon