Eighteen

195K 2.5K 169
                                    

18


KYLE

Tigagal ako sa sinabi niya. All this time, she thinks that I still hate her? Yea, nung una kaming magkita, ayaw ko sa kanya. Ayaw kong may bodyguard ako. Ayaw kong may bumubuntot at nagbabantay sakin. Pero hindi na ngayon. Hindi na ganon ang nararamdaman ko.

Akala ko pa naman matutuwa siya sa ginagawa ko. Akala ko pa naman gusto niya ang ginawa ko kanina.

Hindi naman pala. Hindi niya nagustuhan. At ang masama, namisinterpret niya pa ang ginagawa ko.

Sino ba namang gagong lalaki ang ipagsashopping ang babae para lang sa wala, di ba? Syempre, ginusto ko yon.

Damn! Nahagis ko sa kama ang box ng Iphone na binili ko at agad na nagbihis. I really need to talk to Dad about her. Hindi ko na kaya to.

Agad akong bumaba at naabutan ko si Maiah sa sala, abalang-abala sa pagkakalikot ng computer niya. Kunot-noo siya, pero ang ganda-ganda pa rin ng mukha niya.

"Did you see Dad?" wala sa loob na tanong ko.

"I didn't." at hindi man lang talaga ako tiningnan. Hindi man lang nag-abala. Napatiim-bagang ako at nilagpasan na siya. Mamaya ka na. Kailangan kong kausapin ang tatay ko ng matapos na tayo sa kalokohang to.

Hinanap ko si Daddy. At nakita ko siya sa isang study room, kasama si Tony.

"Will you leave us for a while?" at nagkatinginan kami.

"It's okay, Tony. May pag-uusapan lang kami ng anak ko." sabi ni Daddy na nakaharap din sa laptop niya.

"Sige po." at tumango siya saka tumayo at lumabas ng kwarto.

Nasundan ko siya ng tingin pero agad ko ding nalingon si Daddy.

"So what about Maiah, my dear son?" nakangiting tanong ni Daddy. Mukhang nakakasense na yata kasi to.

Naupo ako sa sofa. "Fire her, daddy. Make her quit her job." sagot ko.

"And why do I need to do that? Hindi ba maganda ang trabaho niya? Dii ba nga, binilhan mo pa ng mga damit? Pinagshopping mo pa?"

"Yun na nga, Dad. I did that for her but she only misunderstood everything."

"What do you mean?"

You should know, Dad. Kailangan ko pa bang sabihin?

"She thinks that I still hate her."

"Hindi na ba? Nagbago na ba ang tingin mo kay Maiah?" nakangising tanong ni Daddy.

Natingnan ko siya. Ang tatay ko, nang-aasar pa! Pero wala naman akong dapat ikahiya sa kanya.

"Yes! The feeling is not mutual anymore. I think I'm inlove with her! I've fallen for her. That's why you should fire her or else, mamamatay ako kapag may mangyari sa kanya. Please, Daddy. I offered her 100 million just to leave her job, but she doesn't want to. Ikaw lang ang makakapag-alis sa kanya."

Nung una, akala ko, distraction lang, hindi na pala. Hindi lang niya ako dinistract sa pag-iisip kay Kate, inagaw na rin niya ang puso ko sa ex ko.

Unti-unti na pala akong nahulog sa kanya. Nahulog na ako at hindi ko na natanggihan pa. I can't believe it until now, pero ayoko ng irisk pa niya ang buhay niya ng dahil sakin. I want to replace her not because I want her out of my life, but because I'm afraid for her. Ayoko na siyang mainvolve pa sa kasong to.

"So, tama lang pala ang ginawa ko? Na pagsamahin kayo sa iisang kwarto? Tell me, kelan ako magkaka-apo?" ang Daddy talaga o. Nang-aasar pa, seryoso ako dito.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon