Twenty Four

195K 3K 241
                                    

24

MAIAH

Agad akong napatakbo sa kwarto ni Kyle ng may marinig akong ingay. At naabutan ko si Kyle na nakangiti at mukhang tuwang-tuwa.

Mukhang nagulat pa siya ng makita ako. 

"Ah... I-I'm sorry... Akala ko kasi may nangyari sa yo. May narinig kasi  akong ingay." and this is really awkward. Parang gusto kong itanong kung alam na ba niya ang sinabi ng Daddy niya sakin. Na ako ang magiging date niya. Kung okay lang ba sa kanya yon? Ugh. Bakit ba hindi ko naisip yon kanina? Kung okay nga lang ba kay Kyle na ako ang maka-date niya sa conference bukas.

"Ah... Actually, ginagamot ko lang naman yung ilong ko na sinuntok mo. Sobrang sakit pa din. Pwedeng ikaw na ang gumawa?" tanong niya.

Ano daw? Ipapagamot niya sakin ang mukha niya kahit kasalanan niya naman?

Napataas ang kilay ko. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano ko itatanong. Hindi ba dapat sa kanya manggaling yon?

Heto na naman. Lalapit na naman ako sa kanya at mas lalo lang madadagdagan ang pagmamahal ko para sa mayabang na gwapong to. Ang gwapo talaga ng mukha. Pwede bang iuwi ko na lang ang mukha mo? Palitan mo na lang, bilyonaryo ka naman.

I am really getting crazy because of him. Mukha na akong tanga dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

"Bakit ako pa? May kamay ka naman? Nagawa mo nga yan nung wala ako. Isa pa, hindi ako katulong mo para utusan." sabay irap.

"Hindi kita inuutusan. Nilalambing kita." diretso niyang sagot.

Holy shit! Ano daw? Nabibingi na yata ako. Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

Parang nahihirapang magprocess ng utak ko. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko dahil tuwang-tuwa ito.

Ng makita ko ang malaking ngisi ni Kyle, doon ako naka-recover. Ang lakas lang bumanat nitong lalaking to. Hindi naman totoo. Kung totoo sana, ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

"What now? May nakakagulat ba sa sinabi ko? ..." at inilahad ang ice pack na binibigay sa akin.

"C'mon, Maiah. It's time to return my favor. I once cleaned your wound. Para dadampian mo lang ng cold compress yung mukha kong nilapatan mo ng kamao, ayaw mo pa." nakangisi pa ring sabi niya.

"Sinabi ko bang linisan mo ang sugat ko? Ikaw ang mapilit nun." katwiran ko.

Seriously, what's happening to him? Kanina lang, ang lungkot ng hitsura niya pero ngayon, parang ang saya-saya na naman niya. Tama talaga yung sinabi ng Tatay niya. Akala mo yung babaeng laging may regla sa bilis magpalit ng mood.

Sana naging babae na lang siya dahil tinalo pa ako.

Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Hinila niya ako palapit sa kanya at mabilis na hinalikan.

Biglang nawala ang lahat ng iniisip ko. Pakiramdam ko, nasa ibang mundo ako. Mundo na kami lang ni Kyle ang nandito.

Gumalaw ang mga labi niya sa labi ko. It's like, he's seeking for an entrance. Wala sa sariling, napapikit ang mga mata ko at naiangat ang labi ko at pinabayaang pumasok ang dila niya.

Hindi ko alam na may mas masarap pa pala sa unang halik niya. 

Ang isang to ay nakakalasing nakakapanghina ng husto at hindi mo gugustuhing matapos. Oh God! This is so inviting. Kaya kahit hindi ko alam kung paano tumugon, nagpatianod ako sa paghalik niya. Ipinulupot ko ang dalawang kamay ko sa batok niya habang ramdam ko naman ang braso niya na humahapit sa bewang ko para mapalapit ako ng husto.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon