Six

240K 2.9K 41
                                    

6

KYLE

"Is there anything you can say?" pagkatapos kong magthankyou, wala man you're welcome na sasabihin? Tatahimik lang ba talaga siya?

"I-It's unexpected." parang gulat na sabi niya habang dinadampi ko pa rin ang ice pack sa noo niya.

I frowned. Unexpected?

"Which one? Ang pagtulong ko para matanggal bukol mo?... Why, does it brings you some electricity to your whole body?" at napangisi ako dahil iyon lagi ang description ng mga babaeng nakakasama ko. Yun daw ang epekto ko sa kanila.

Pero napangiwi ako ng malakas niyang hampasin ang kamay ko at inagaw ang ice pack sa akin at mag-isa niyang binabad ang noo niya dito.

"Awww! Bakit ba?!" inis na tanong ko at bumalik sa upuan ko.

And there I see her stare, masyadong masama para sa isang gwapong katulad ko. Ngayon pa lang ako tinitigan ng ganito ng isang babae. Most of the time, full of lust and hunger ang mga titig nila sa akin. Yung tipong, gusto akong sakmalin at kainin, anytime they want to.

"Bakla ka ba? Ang hina-hina lang nun, kung makapag-aray ka, akala mo, sobrang nasaktan ka. Wag ka ngang OA." mataray na sabi niya.

Ngumisi ako. "Ako bakla? Try me then. I'm willing to prove to you what's the truth." hamon ko.

Pero inirapan niya ako. Takot pala siya eh. Pero wala pang tumatanggi sakin kapag nago-offer ako, ha. Sabagay, she's not into action scenes that happen on the bed.

"So tell me what's unexpected, lady." nakakatawa din palang asarin tong babaeng to, todo taray. At nawiwili ako dahil siya pa lang ang unang babaeng nagtaray sakin in my entire life. Even mommy, and even ... K-Kate. Hindi nila ginawa sakin to.

"That you'll say thankyou." she answered shortly.

Napatitig ako sa kanya. Ganon ba talaga kasama ang tingin niya sakin? Na hindi ako marunong magpasalamat?

I remember what daddy told me.

"Don't make it hard for her son. Don't blame her for what's happening. In the first place, I just hired her and her team to protect us. Maiah is just doing her job. Bakit ba napaka-rude mo sa kanya? I don't see anything wrong, Kyle. I don't see any good reason why you're acting like you hate her. She just saved your life. You should've said thank you to her instead of those nasty words that came out from your mouth."

Well, let's say natauhan na ako ngayon. Dad has a point. Hindi naman talaga niya kasalanan kung may death threats man kami ngayon. Na delikado ang buhay namin ngayon. Maybe it's just my ego. Ikaw ba naman ang magkaroon ng female bodyguard on your 27 years of existence. Nakakatawang isipin, di ba?

Pero dahil mapilit si Daddy, mukhang ako ang talo sa sitwasyong to. Kaya naman hands up na ako at suko sa pagpipilit na ayoko sa kanya. I hate the idea dahil ang sakit sa pagkalalaki ko yun, but I don't have a choice. I guess, I just need to trust her. In fact, may napatunayan na rin naman siya, sa ngayon.

"I'm not as bad as what you think."

"Kung makikipag-cooperate ka lang naman sakin at sa team, madali naming matatapos ang kaso niyo." she said seriously.

"Then what do you want me to do? "

"Simple. Just follow security orders. No buts. Just obey and everything will be fine."

"Simple nga. Pero di ko alam kung simple din ang orders mo. Kagaya na lang ngayon, tinanggal mo ang night life ko. Ano'ng susunod mong isa-suggest, huwag akong lumabas ng bahay?"

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon