Forty

159K 2.6K 124
                                    

40


KYLE

Hindi agad ako nakapagsalita. What did he say ? Mamamatay si Maiah? Mamamatay siya ng wala man lang silang ginagawa?

"No. It can't be. Then do something here! Hindi pwedeng sasabihin niyo na lang sakin na may kidney failure ang fiancee ko and that's all! Na hahayaan niyo na lang siyang mamatay pagkatapos nun! Ano'ng klaseng doktor ka, ha? I'm not going to accept that! Hindi pwedeng mamatay si Maiah!  Nilipat ko siya dito sa ospital niyo because they said you're the best! And they even said you're the best doctor! Now prove it to me, Doc! Don't let her just die! Please!" And I know several patients and visitors in the hallway are staring at me already. Forgive me but I can't help it but to shout at him. There's so much panic in my voice, pain and fear at the same time are hitting my whole consciousness. 

"Mr. Martin, I'm just telling you what may happen. But we're still doing our best to save her." seryosong sabi ng doktor.

"Then don't tell me that she will die if you're doing your best!" mariin kong sabi at agad siyang nilagpasan para makaalis sa lugar na yun.

The next thing I know is I'm in the hospital's chapel already. Everything's peaceful and quiet, except to my heart. It's beating so fast and feels like the last time to beat and my last chance to breathe.

I didn't realize that my tears started to run down my face again when I turned and stare at the image of Christ on that crucifix that's in the middle of the altar.

Ilang beses na ba akong umiyak para lang hingin sa kanya ang kaligtasan ni Maiah? Sa mga araw na tulog pa rin ang mahal ko, hindi ko alam kung ilang beses na akong pinanghinaan ng loob, nagtangkang sumuko, but still, she gave me a reason to keep holding on, to keep believing that she will be awake soon. Hindi man ngayon o bukas, pero gigising pa rin siya in God's time, she will. But I can't help it to ask him, when is your right time? When will be the right time for you to wake her up? Alam kong ikaw lang ang makakapagpagising sa mahal ko, pero hindi ko maiwasang mainip,  ayoko ng maghintay dahil lalo lang akong natatakot na mauwi lang sa wala ang paghihintay ko. Na matagal na palang wala ang hinihintay ko. Na hindi na siya dadating. Gaya ng sinabi ng doktor.

Ayaw ko silang paniwalaan. Ayoko pa ring mawalan ng pag-asa. Pero sa mga sandaling yon, ang isipin na mawawala sakin si Maiah, hindi. Hindi ko kaya na wala siya. Gusto ko ng yakapin ang sarili ko sa mga oras na to dahil nanlalamig ako sa idea na yun.

I can't picture my life without her. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay, wala ng iba. Kaya sana naman, huwag mo muna siyang kunin sakin.  Hindi naging maganda ang timing ng pagkakilala namin. Napuno ng panganib ang buhay niya dahil sakin. At alam kong may kasalanan talaga ako kung bakit siya nasa comatose state ngayon. Gusto kong magising na siya para makabawi naman ako sa kanya. I want to give her the best of life with me. I want to give her the whole world. 

I want her to live happily ever after with me, and I want her to love me, like I love her more than she ever knows.

Napapikit ako ng mariin at umusal ng isang maikling dasal para sa kanya na may kasamang pag-asa na magigising pa rin siya kahit ano'ng mangyari. Kahit na unti-unting nawawala ang sindi at alab ng pag-asang yun.


***

1 month and 15 days. Nothing's change, still. Nakatiklop pa rin ang mga mata niya, hindi gumagalaw ang mga kamay at paa, at mapayapang natutulog. I hate what the doctors are saying. Muli akong kinausap ng doktor kagabi pagdating namin ni Daddy para magbantay sa kanya. He said that her heart is getting slowly beating at this time. Halos murahin ko siya at suntukin pero napigilan lang ako ni Daddy. Damn! Wala na ba silang alam na gawin kundi ang maghatid lang ng walang kwentang balita sakin? Ano bang gusto nilang gawin ko? Ang tanggapin na lang na mamamatay na si Maiah? Fuck all of them! Naiisip ko pa lang ang bagay na to eh halos hindi na ako makahinga. Naninikip na ang dibdib ko dahil unti-unti na ring nauupos ang pag-asa kong mabuhay. If she can't stay alive, then I'll choose to die. Because I know somehow, we will be together again. She doesn't need to be hurt or need to be in danger anymore. All she needs to do is to love me, because I know, we will have our forever, if that will happen.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon