Twenty Six

208K 2.7K 301
                                    

26


MAIAH

"Shh... Maiah... Please, babe. Don't cry. Why?... What do you mean? Gusto mo ba ako? Tell me, gusto mo ba ako? Mahal mo ako?" tanong ni Kyle habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Shit. Bakit ganito? Naiiyak ako dahil alam ko namang masasaktan ako. Masasaktan pa rin ako sa huli kahit na sabihin ko pa. Wala namang magbabago, di ba?

Tinapik ko ang kamay niya na pumapahid ng mga luha ko. "Tama na! Oo, mahal kita! Mahal kita kahit saksakan ka ng yabang at sungit. Kahit na pabago-bago ka ng mood, kahit na napakamapangliit mo, kahit na ayaw mo sakin, mahal pa rin kita. Ang tanga ko lang kasi dahil hinayaan ko ang puso ko na mahulog sa yo kahit na alam kong wala namang patutunguhan tong nararamdaman ko. Hindi mo naman ako magugustuhan. You'll never love me, I know. At gusto ko ng kalimutan ang nararamdaman ko, Kyle. Gustong-gusto ko na..." at nag-angat ako ng mukha.

Alam kong nagmumukha akong tanga. Halata ko ang pagkagulat sa mga mata niya. At naghihintay lang ng sasabihin ko.

"... Kaya itigil mo na kung ano mang binabalak mo. Kung gusto mo akong paglaruan, please, tama na. Because I have enough. Masyado ng masakit umasa sa wala. Sa hindi naman magkakatotoo. Ayoko ng mag-ilusyon." at akma na akong tatalikod ng bigla niya akong siilin ng halik. Halik na nananabik, yung marubdob, yung parang wala ng bukas. Oh shit. Kelan ba ako magsasawa sa halik niya? Gustong-gusto ko ng tapusin ang kabaliwan ko sa kanya pero sa tuwing gagawin niya to, mas lalo lang nadadagdagan ang pagmamahal ko para sa lalaking ito.

No, Kyle. Sinubukan kong pumiglas pero mas malakas siya sakin. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya habang patuloy na hinahalikan. Pinipilit niya akong tumugon. Pinipilit niya akong sumagot.

Nanghihina na ang mga tuhod ko. Pero may sariling desisyon ang mga labi ko at kusa silang sumama sa ritmo ng labi niya. Hanggang sa naglalaro na ang mga dila namin. Naidiin ko ang ulo niya palapit pa sakin habang patuloy na ginagantihan ang matamis niyang halik.

Oh God. I want to give in.

Pero humiwalay din si Kyle. At mataman akong tinitigan matapos hawakan ang magkabila kong pisngi.

"Please, don't stop. Wag kang magmove on. Wag mong itapon o kalimutan ang nararamdaman mo sakin. Because the feeling is mutual. I love you too, Maiah. I love you so much, noon pa." pag-amin niya.

At muli akong napaluha. Niyakap niya ako ng mahigpit. Am I dreaming? Tell me, I'm not. Na totoo ang lahat ng sinabi niya. Na hindi siya nagbibiro. Hindi niya ako pinapaasa.

"Oh God, why are you crying so hard? May mali ba sa sinabi ko? Hindi ba talaga tayo pwede dahil may Tony ka na? Please, Maiah. Ako na lang ang piliin mo. Gagawin ko lahat, sumaya ka lang. Ipagpapalit ko lahat para sa yo. Please. Ako na lang. Huwag na si Tony. Dahil mas nasasaktan ako lalo na't alam kong, commited ka na." puno ng hinanakit ang sinabi niya.

Pero napakunot-noo ako sa gitna ng pag-iyak ko. Kaya kumawala ako sa pagkakayakap niya. 

"Kyle... Sana hindi ako nananaginip. M-Mahal mo ba talaga ako? Totoo ba ang narinig ko? Sabihin mo, totoo ang lahat ng to. Ayoko ng magpaloko sa imahinasyon ko. I'm not dreaming, right?" gusto kong masiguro. Gusto kong ulitin niya ang sinabi niya.

Nahaplos niya ang mukha kong basa ng luha. At bakas sa kanya ang lungkot. Dahil ba akala niya kami ni Tony? Pero nilinaw ko na yun sa kanya noon, di ba?

"Maiah... Mahal na mahal kita at hindi ka nananaginip. Totoo ang mga sinasabi ko. Parang awa mo na, ako na lang, Maiah. Akala ko, kung aamin lang ako sa nararamdaman ko, mababawasan na ang paghihirap ko. Pero ng malaman kong mahal mo rin ako, wala na akong pakialam kung ano'ng pwedeng itawag sakin. Selfish man o mang-aagaw, yes that's all true! Pero gusto kong, akin ka lang. Kaya iwan mo na si Tony. Tayo na lang, please. Tayo na lang." pakiusap niya. And I can't believe that he's almost pleading for the love he thought he will never have.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon