30

9.3K 147 24
                                    

30

"Sure Tita Neri." Nakangiting sabi ko sa kabilang linya.

Nag aaya ito na magdinner kami mamaya. May dalawang linggo na din ang nakararaan mula ng ayain ko itong magdinner. Sa dalawang linggo na narito ito sa Manila ako ang naging kasa-kasama nito sa mga lakad nito na malugod ko namang pinaunlakan.

Mabait si Tita Neri kaya hindi ko maiwasan na mapalapit talaga dito. Nakikita ko dito si Mommy Nadia kaya minsan hindi ko maiwasan na maguilty dahil ginagamit ko pa din ito sa plano ko.

Gabi-gabi humihingi na lamang ako ng patawad dahil sa ginagawa ko kay Tita Neri.

Sa dalawang linggo na naging kaclose ko si Tita Neri. Ganoon din katagal na hindi nagpaparamdam sa akin si Nathan. Balita sa akin ni Yanna. Busy daw ito sa expansion ng Spring Hotel & resort at minamadali na din daw ang preparation ng kasal.

Hindi din ako nag attempt na tawagan ito dahil wala pa sa plano ko iyon. Gawin muna nito ang gusto nitong gawin. Hindi muna ako bumalik doon sa condo na kinuha namin. Saka na ako babalik kapag nagparamdam na ang isang iyon.

Napatingin ako sa pintuan ng may mag doorbell. Hindi naman pupwede si Nathan dahil ang alam niyon nasa condo na ako titira.

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun ng hindi na tinitingnan sa peephole kung sino.

Pagbukas ko isang malaking pucca na stuff toy ang nasa lapag.

Pucca!!

Ang tanging tao lamang na nakakaalam na mahilig ako sa pucca ay si-------.

"Surprise!!!!!"

"TH!!"

Kinuha nito ang Pucca na nasa lapag at binigay sa akin.

"What are you doing here? Akala ko matatagalan ka pa sa Amerika?" Nagtatakang tanong ko. Nakaraang araw lang na mag usap kami thru skype. ang sabi nito madedestino muna ito sa Korea ng ilang linggo bago babalik ulit sa Amerika.

"Hindi mo ba ako namiss at ganyan ang reaksyon mo?" Pinalungkot nito ang boses.

Natawa ako. Ang cute cute nitong tingnan habang nakasimangot.

Pinisil ko ang ilong nito. "Silly! Namiss kita syempre! Nagtaka lang ako kung bakit nandito kana agad. Nagpaalam kaba kay Mommy? Ha? O baka tumakas ka?"

"Ako tatakas? Hindi no! Humingi muna ako ng one week leave kay Tita Nadia. Para puntahan kita dito." Niyakap ako nito.

"Ows? Baka naman ibang lugar ang sinabi mong pupuntahan mo? Kaya pinayagan ka? Aba Mr. Evans tatamad tamad kana sa kompanya ko ah? Hindi pupwede yan!" Nagkukunyari na seryoso ako habang sinasabi iyon.

Kumalas ito ng pagkakayakap sa akin.

"bakit tatanggalin mo ba ako sa Vision at sa dahilang namiss ko ang presidente?" Tumatawang tanong nito. Hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Tatanggalin kita dahil ako ang ginagawa mong dahilan para maglamyerda."

Lumakas ang tawa nito. "Aba! Mas pabor sa akin yun!! Dahil kapag wala na akong trabaho lagi na akong nasa tabi mo. O diba?" Kumindat pa ang loko.

"Ikaw talaga!! Seriously? One week ka talaga dito?" Excited na tanong ko.

Iba talaga kapag nandito si TH.

"Yep. At wala kang choice kundi ang makasama ako ng isang linggo."

Niyakap ko ang mga braso ko sa leeg nito. "Talaga?"

"Talagang talaga." Yumuko ito at hinalikan ako.

"Sino yung kausap mo?" Tanong sa akin ni TH ng maabutan ako nito sa may terrace ng suite na kausap si Tita Neri sa phone. Tumawag ako dito para sabihin na isasama ko si TH mamaya.

Sera's RevengeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora