31

8.9K 130 22
                                    

31













The number is out of attended or out of coverage area. Please try call later.















Ilang beses ko ng naririnig iyan sa operator.















Kanina pa ako tumatawag kay Ms. Sera para i-imporma dito yung may ari ng 3% share habang yung 2% naman ay iniimbestigahan ko pa.











Naiinis na nilapag ko ang cellphone sa lamesa. Kelan ba matatapos si Ms. Sera sa plano nito? Gusto ko ng umalis dito at bumalik na lamang sa ibang lugar kung saan ako pwede madestino.















Napatingin ako sa cellphone ng bigla iyong tumunog.















1 message

















Kinakabahan na nakatitig lamang ako sa cellphone. Natatakot akong buksan. May dalawang linggo ng hindi nagpaparamdam sa akin ng mga message o picture yung taong iyon.

















Nag iisip pa ako kung ano ang maari kong gawin dahil mahirap na. Hindi ko kilala ang taong ito.















Nanginginig yung mga kamay ko ng kunin ko yung cellphone.















From:09xxxxxxxxx



IMAGE.

You easily forgot this huh?























Nabitawan ko yung cellphone ko.















Nagpadala na naman ito ng picture! Parehong picture sa unang pinadala nito sa akin. at talagang ipapaalala sa akin nito.















Sa totoo lang natatakot na ako. Hindi gumagana ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin. hindi ko din magawang sabihin kay Ms. Sera kung anong gulo ang napasok ko.













Anong gagawin ko?? Paano kapag ipinadala nito kay Sir Alfred yung picture? Tapos tatanungin ako kung anong ginagawa ko sa office nya at bakit nanghahalungkat ako ng gamit diba? mapagtatagpi tagpi na niyon na isa akong espiya.













Yanna kelangan malusutan mo ito.













Kinuha ko yung cellphone ko na nasa lapag at nagtype ng message.













To:09xxxxxxxxxx

Let's meet and discuss what you want. ASAP















Dumaan na ang sampung minuto.



















Dalawang minuto.





















Tatlumpong minuto.













Hindi nagreply ang taong iyon. Mas lalong lumakas ang kaba ko.













Diba ako naman ang gusto nya? Ngayong nakikipagkita na ako tapos hindi na ito nagpaparamdam.













Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon