Chapter 3

15K 242 14
                                    

Nang makarating kami kung saan nakaparada ang van na nag aantay sa amin na may nakatatak na Won Hotel.

Pinauna muna akong pasakayin ni Tom bago ito sumakay. Pagkasakay ay sinandal ko agad ang sarili ko upuan.

Habang nasa daan kami inabala ko nalang ang sarili ko sa pagmamasid.

Sa loob ng sampung taon marami na din ang pinagbago ang lugar na to.

Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin agad na kaming pumunta sa suite na ibinigay sa amin.

"hindi ko akalain na ang ganda ng resort hotel na to. Puro mayayaman ang makikita mo dito. Pag may time tayo libutin naman natin to." Sabi ni Tom.

Kahit ako hindi ko akalain na maganda talaga ang resort hotel na to. Nung una sa brochure, net at private investigator ko lang nalaman ang lahat dito.

Oo talagang naghire ako ng private investigator. Hindi ako basta basta lumalaban na wala akong alam at alas sa kalaban.

"Kung tutuusin hindi na kelangan pa ng mga See ang Vision dahil napakayaman na ng mga Won hindi ba?"

Tumango ako. Ang pinakamayaman sa lugar na ito ay ang mga Won dahil sa mga hotel at resorts nito sa palawan at sa mga sikat na tourist destination na lugar idagdag pa ang mga supermarkets at mall nito na nagkalat sa manila.

Ang mga See naman ay meron malaking hacienda na syang nagsusupply ng mga gatas ng baka, mangga at iba pang prutas.

Meron din itong factory na syang gumagawa ng mga juices, dry mangoes at iba pang producto na maaring gawin sa mga harvest na meron ang hacienda.

"Nahiya siguro na malaman ng mga Won na papalugi na sila at may balak silang iexpand pa ang hacienda at gusto nilang mag invest tayo." Sagot ko.

"Yun na nga ang pinagtataka ko eh. Mayaman ang mga Won. Take note sila ang pinakamayaman dito. Pwede naman nila isalba kung tutuusin ang business ng mga See."

"Base sa private investigator na nakuha natin. Tuso si Nathan Won. At ayaw naman siguro mapahiya ng mga See diba?" Paliwanag ko.

Sa totoo lang iyan din ang katanungan ko. Alam na namin ang pasikot sikot sa mga See.

Pero ang mga Won sa totoo lang nahihirapan ako dahil konti lang ang nakalap na impormasyon ng investigator.

"Iyan ang aalamin natin. Hindi natin alam kung kalaban ba natin ang mga Won. Kaya dapat maingat tayo sa galaw natin baka sila ang makabuko sa plano natin." Sabi ko kay tom.

Napahawak si Tom sa sentido na tila nag iisip.

"Yeah. Kelangan natin mag ingat." Tumayo Ito at tumingin sa paligid.

Sumunod ako sa bawat tinitingnan nya. "Ano ang hinahanap mo?"

"Mahirap na baka may nilagay sila dito at marinig ang pinag uusapan natin." Paliwanag nito.

"Hindi nila gagawin yan dahil pagnalaman natin masisira ang hotel na to."

"Sa totoo lang Sera. Napilitan lang naman talaga makipag negotiate sa atin si Mr. Peralta. Yun ang obserba ko sa kanya nung nag uusap kami at parang wala syang tiwala sa atin."

Napangiti ako. Nararamdaman din pala ng matandang iyon na hindi nya dapat kaming pagkatiwalaan.

"No choice na sya dahil gusto ng ASAWA nya. Sunod sunuran lang naman sya doon eh." Sagot ko.

Napatigil kami sa pag uusap ng may kumatok sa pinto.

Lumabas si Tom sa mini office na meron ang suite na ibinigay sa akin.

Nanatili ako sa office at binabasa ang mga papel na ipinadala sa akin na may kinalaman sa kita ng hacienda.

Kelangan ko gawin ito. Ang maging tuso kaya gumagawa ako ng trabaho ng pailalim katulad na lamang nito.

may tao akong nagmamatyag sa loob ng hacienda at sa lahat ng kakailanganin ko na mga papeles na gusto ko makita sya ang gumagawa ng paraan para makakuha ng kopya.

"Sino yun?" Tanong ko ng muling pumasok si Tom.

"Secretary ni Mr. Peralta. Mamaya magkikita daw over dinner. Yung unang plano pa din ba?" Tanong nito

"Oo. Hindi muna ako makikipagkita. Ikaw muna ang bahala sa lahat. Gusto ko sa mismong laban na ako lalabas." Sabi ko. *evil grin*

"ok. Shadow lang ang peg mo?" Tumatawang sabi pa nito.

"Pwede na din?"

A/n. alam ko!! Alam ko na sabaw ang update na to. Marami ang pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung paano ko papagandahin.

Sa kauna unahang pagkakataon may nag fan sa akin sa storyang ito. Salamat talaga ng todo todo.

Sera's RevengeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ