43

10.1K 258 243
                                    

43

Sera POV

Pagbaba ko ng sasakyan agad na akong dumiretso sa restaurant.

"Good afternoon Maam. Do you have any reservation?" Tanong ng waitress na sumalubong sa akin.

"Mr. Vasquez is expecting to see me." Sagot ko. Makalipas ang dalawang araw mula ng padalahan ko ng bulaklak ang dalawang pamilya nito tumawag ito sa akin para makipagkita.

"This way maam." Sumunod na ako dito. Huminto kami sa isang private room na tinatalaga para sa mga VIP guest ng resto na ito.

"So? Are you accepting my proposal?" Walang paligoy ligoy na tanong ko.

"My answer is still a Big NO!" hinding hindi ko ipagbibili ang shares ko." Determinadong saad nito.

"Ano pa ang dahilan ng pagkikitang ito?"

May kinuha ito sa katabing upuan at basta nalang ibinagsak ang isang bouquet ng bulaklak sa harapan ko. "Nang dahil dito Ms. Portman. Hindi mo ako madadaan sa ganitong stilo mo."

Tinitigan ko ito ng nang uuyam. "Talaga? How about the other bouquet Mr. Vasquez? Nasaan na iyon? Hindi mo din ba ibabalik iyon?"

"What do you mean the other one?" Namumutla na ang mukha nito. Hindi pa pala nito nabibisita yung 'the other family' kaya hindi pa nababanggit dito ang tungkol sa bulaklak.

Napahalakhak ako. "Oh. Hindi pa pala nasasabi sayo na dalawang bulaklak yan."

Galit na tumayo ito. "Pinaimbestigahan mo ako! At ginagamit mo sa akin ngayon ang mga nalalaman mo!"

Napataas ang kilay ko. "Ganoon naman talaga ang kalakaran sa business world diba?" tumayo na ako at hinarap din ito "So? Ibebenta mo ba o hindi? You're waisting my time Mr. Vasquez."

Napakuyom ito ng kamao. "Hindi ako natatakot sayo Portman lalo na sa nalalaman mo sa akin. Hindi hindi ko ibebenta ang shares ko."

Kinuha ko na ang prada bag ko at sinuot ang shades. "Wala na pala tayong dapat pag usapan. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko. Have a good day Mr. Vasquez." Sabi ko sabay alis.

NATHAN POV

"Kanina kapa dyan tingin ng tingin sa phone mo Pare." Puna sa akin ni Jerry. Nasa office ako ngayon ng Spring Hotel and Resort. May ilang araw na ako dito sa puerto princesa para asikasuhin yung hotel dahil may ilang linggo din akong nawala sa kakasama kay Serena sa Manila.

"Simula noong umalis ako sa Manila hindi man lang ako kino-contact ni Serena!"

Tumawa ito. "Nak ng! Pare! Iba na yan. Inlove kana ba? Aba! Hindi ka naman ganyan dati ha?"

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko din alam pare! Basta! Nga pala kamusta na kayo ni Yanna?" Usisa ko dito.

Todo ngiti ang loko. "Syempre okay na okay dahil kami na. Ang saya pala mainlove!"

"Mabuti naman. Sa tagal ng panahon na inantay mo si Yanna. Worth it naman ang paghihintay mo. Kasalan na ang sunod dyan!" Biro ko.

"Ikaw ang mauuna Pare. In next month kasalan na. Todo todo na ang preparation ng mga parents mo at ganun din ni Janna. Ano ng balak mo dyan kay Serena? Baka magkahinala na ang mommy mo dahil lagi ng nagtatanong sa akin."

Ano na nga ba ang gagawin ko? Sa totoo lang ayokong iwan si Serena lalo na buntis sya ngayon. Hindi ko maatim na talikuran ang responsibilidad. Tapos itong nararamdaman ko sa kanya. Kahit ako naguguluhan dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko. Ang daming babae na nagdaan sa akin pero si Serena lang ang bukod tanging nagpapaligalig sa akin.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now