37

6.6K 85 19
                                    

37

TH POV. 

Naglalakad lakad ako sa bayan ng may mapansin akong coffee shop. Pagpasok ko hindi ko maiwasang hindi humanga sa interior at ambiance nito. 

Pagpasok mo sa loob may isang daanan pa papunta sa karugtong nitong italian restaurant. Dumiretso ako sa restaurant at umupo sa may pinakagilid niyon. 

May lumapit sa aking nakangiting waitress at binati ako bago binigay ang menu. 

Kung gaano kaganda ang coffee shop ganoon din ang ganda nang restaurant. Kung sino man ang may ari niyon napakaganda ng naisip nitong design at structure. 

Umorder ako ng pasta. Gusto kong malaman kung masarap din ang mga pagkain dito. 

Naisip ko si Sera, tiyak na magugustuhan nito ang lugar na ito. 

Matapos maiserve ang pasta tinikman ko ito. 

"Ms. Pwede ko bang makausap yung chef na nagluto ng pastang ito?" tanong ko sa waitress na nakaabang lang sa may gilid. 

Makikita mo sa mukha nito ang pagkataranta. "ah.e.eh wait lang po Sir tatawagin ko po." Umalis na ito. May ilang customer na ang kumakain at ang mga waitress ay nakatingin na sa akin at nagbubulungan. 

Makalipas ang ilang minuto bumalik ang waitress at kasunod nito ang isang chef na babae. 

Nang humarap na sa lamesa ko yung babae napatingin ako. Parang kila--

"You!! Mr. N.G anong ginagawa mo dito?" Tuwang tuwa na tanong nito. 

"Kumakain?" Sagot ko. 

So ito pala ang chef dito. 

"Ikaw talaga." Tila kinikilig ito sabay hampas sa braso ko. 

"di mo ba naisip na baka destiny tayo?" Bigla bigla nalamang nitong sabi. "Lagi nalang tayong nagkikita hindi ba? Tapos ngayon ako pa nagluto ng pasta mo." 

Ano daw? May sayad na ata talaga ang babaeng ito. Hindi ba natatakot ang may ari at ito ang chef na kinuha nito? Aba kung ako lang ay may ari baka ako na ang nagbitbit dito sa rehab. 

"Hindi ako naniniwala sa destiny. Kaya kita ipinitawag ay dahil dito." Itinuro ko yung pasta na nasa harapan ko at konti lang ang bawas. 

"Dahil dyan? Nasarapan kaba?" Nakangiting tanong pa nito. 

Nasarapan? 

"Oo sarap na sarap nga ako eh. Kulang na lang magtae ako sa sarap." 

Napasinghap ito. "Hey. Watch your mouth! May mga kumakain dito." Sabi nito sabay tingin sa paligid. Nakaka-agaw na kami ng atensyon ng mga kumakain. Pati ang ibang chef's ay nakikita kong nakiki usyoso na din sa may pintuan ng kusina ata nila. 

"Cut the sarcasm. Ano ang problema ng pasta?" Tanong nito. Lumapit ito sa table ko at kumuha ng tinidor na malinis na nasa harapan ko at tinikman iyon.  "wala namang problema ah?" 

Mabait ako.  Pero pagdating sa pagluluto at pagkain mahigpit ako at nakakasabi ng hindi magagandang salita. nag iiba ang ugali ko pag dating sa pagkain na kinakain ko. 

"Hindi mo nalasahan?"ikaw ba ang head chef dito?" Usisa ko. 

"Hindi. May kinuhang products yung head ch-"

"At dapat hindi sayo pinababayaan ang pagluluto ng pasta. Aba! Tingnan mo to." Pinakita ko dito ng damputin ko yung pasta na nasa harapan gamit yung kamay ko ay piniga iyon. Nanlalaki ang nga mata nito at tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. 

 Ang pastang inorder ko ay as in pasta lamang na nilagyan ng olive oil at salt. Dito ko malalaman kung masarap at marunong talagang gumawa ng pasta ang chef na nagluluto nito. Dapat tanyado ang pakakaluto nito sa olive oil at magsasama ang lasa nila ng salt. 

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now