Chapter 16

10.6K 127 5
                                    

16

TH POV

"Saan kaba nitong mga nakaraang araw? Hindi na kita nakikita."  Bungad na sabi ko kay Sera.

Ilang araw ko ng di nararamdaman ng presenya nito o mas tamang sabihin na namimiss ko na lagi kaming magkasama.

"Galing Manila. May inasikaso lang ako. May bago ba?" Tanong nito habang nag huhubad ito ng sapatos

Lumuhod ako sa harapan nito at hinubad ko ang isang sapatos na suot nito at minasahe.

"Ang hilig hilig mo mag high heels. Ang tangkad mo naman, kung tutuusin  di mo na kelangan yan." Sabi ko dito.

"salamat sa pagmasahe. kamusta na ang mission mo?"

"Mamaya na ang contract signing. Di namin nagawa nitong nakaraang araw dahil madaming inaasikaso si Mr. Perralta." imporma ko dito.

"Kelan kaba magpapakita?" Tanong ko dito. Umupo na ako sa tabi nito.

"Marami pa akong hindi nagagawa na naaayon sa gusto ko. TH iidlip lang ako saglit ha? Mag didinner tayo mamaya." Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago humiga sa kama.   

Di ko maiwasang mapabuntong hininga habang tinitingnan ito na papasok sa kwarto. Sa totoo lang gusto ko syang makakwentuhan pero sa tuwing pupunta ako sa suite nya parati itong wala at hindi din ito macontact sa phone.

May iba bang pinagkakaabalahan si Sera?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa conference room na ako ng Perralta Food Inc. dahil ngayong araw ang contract signing namin ni Mr. Perralta.

"30 minutes na ang dumaan at wala pa sya." Naiinis na sabi ko kay Yanna.

"Eh Mr. Evans nagka emergency lang po may buyer kasing kausap si Sir regarding doon sa property na ibebenta."

Naibalita na din sa akin ni Yanna na ibebenta na daw ng tuluyan ni Alfred ang kabilang bahagi ng hacienda dahil hindi naman daw ito produktibo at pambawas utang na rin sa bangko.

napalingon ako sa may pintuan at ibinungad noon si Mr. Perralta na may kasamang lalake na kilalang kilala ko.

"Mr. Evans Im very sorry may kinausap pa kasi akong tao. Anyway this is Mr. Leo Sarmiento." Pakilala pa sa amin ni Mr. Perralta.

Nag kamay kami ni Leo. "Nice to meet you Mr. Sarmiento. I’m Thomas Harold Evans." Pakilala ko dito.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now