44. PART 2

93 5 2
                                    

PART 2

"Mommy." Lumapit ako dito sabay yakap.

"Hindi mo man lang ako naisip na bisitahin simula nung dumating ka dito." Nagtatampong sabi nito.

Kumalas ako ng yakap dito. "May mga tinatapos lang po ako dito."

"kahit na, kung hindi pa ako kinausap ni Thomas na kayo na. Wala man lang akong kaalam alam." Naglakad ito sa may sofa saka umupo.

Lumapit ako kay TH at niyaka yung braso nito, "Sorry mommy, balak ko na din ipaalam sayo agad kaso  naunahan ako nito." Saad ko sabay pabirong kurot kay TH.

"Mag usap muna kayo ni Tita. Babalik ako bago mag dinner." Paalam ni TH. Humarap ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Nilapit nito ang mukha sa may tainga ko sabay bulong "Gusto daw makipag kita sa akin ni Alfred."

Tumango ako. Umuusad na yung plano.

"Alis muna po ako Tita. See you later." Lumapit ito kay Mommy at hinalikan ito sa pisngi.

"Okay. Mag iingat ka. Bumalik ka before dinner ha?" Pahabol nito kay TH na palabas na ng pinto.

Nag lakad ako papunta sa kitchen habang nakasunod si Mommy sa akin. Nagtimpla ako ng kape para dito.

"Buti naman nagawa mo ng sagutin si Thomas. Sa tagal ng panahon na naghintay sayo yung batang iyon."

"Bakit biglaan yung dating mo My? Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka." Nilapag ko yung kape sa harap nito.

Uminom muna ito saka binaling ulit ang tingin sa akin. " Nung umuwi si Thomas sa California binalita nya sa akin na sinagot mo na sya.." Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Ayoko na sana sabihin ito pero nakiusap si Thomas na tulungan sya na matapos yung plano mo dahil gusto nya ng makalaya ka sa nakraan mo."

"Mahal na mahal ka ni Thomas, kung ikaw nagmamadali ka na makaganti, sya nagmamadali na makalaya kana sa galit na nasa dibdib mo."

"Mommy, tatapusin ko ito. Nasimulan ko na. Hindi ako magiging masaya kung yung puso ko may kinikimkim pa din na galit dito" Tinuro ko yung dibdib ko.

Napayuko ako. Maraming taong ang naabala dahil sa pag hihiiganti ko. Kaya kapag natapos ang mga plano ko. Pinapangako ko sa sarili ko na mamahalin ko ng lubos si TH.

"Bumalik ako dito dahil sa pakiusap ni Thomas at hindi ko matiis na narito ka habang napapaligiran ng mga taong pinaghihigantihan mo." Hinaplos nito yung pisngi  ko. "Sera, Anak kita lagi mo yang tatandaan. Gusto ko sabay tayong tatlo na babalik sa US. Aayusin natin agad yung kasal nyo ni Thomas."

"Thank you Mommy. Pero anong plan mo ngayong dito kana?" Usisa ko.

"May kakilala ako na isa sa stock holder shares ng Perralta Inc."

"May kakilala ka pala bakit ngayon mo lang sinabi mommy?"

Bakas sa mukha nito yung lungko. "Matagl na kaming walang communication sa isa't isa. Iniisip siguro nya na patay na ako."

"Sino sa kanila? Usisa ko.

Tumayo na ito. "mag papahinga muna ako, katukin mo nalang ako sa kabilang room para sa dinner mamaya." Lumakad na ito palabas.

napaisip ako. Alin sa apat na stock holder?

Si Sanchez?

SI vasquez?

Si Lacsamana?

Si won?

O baka yung majot stock holder?

Si Alfred Perralta?

__________________

Nasa resturant na kami ng hotel ni TH habang naghihinaty kay Mommy na bumaba.

"kamusta na yung pakikipag usap mo kay Alfred" tanong ko dito. May binabasa ito sa cellphone nito.

"binenta nya na sa akin yung 15% shares nya. Hindi nya inoffer kila won dahil para mahati yung stock holders. Dahil pag nabilia ng mga ito yung shares sila na ang magiging major stock holder." Imporma nit.

"Good. So far mas mataas na ang shares natin sa mga Won."

"Yes, kaya sa darating na Anniversary ng Perralta Inc. ipapakilala ka na nya yun ang napagkasunduan namin. Ililihim muna sa ibang shareholders na nagkaroon ng bintahan."

Inabot nito yung kamay ko na nakapatong sa mesa. "Sera, pag katapos nito bumalik na tayo agad sa US."

Tumango ako. Hinawakan ko yung kamay nito. "Yes. TH." Lumapit yung mukha nito at akmang hahalin sana.  

"Ahem."

napalingon kaming dalawa sa boses.

Si Mommy.

Nahihiyang napayuko ako. Habang si TH ay natatawa.

"O nagyon mahihiya ka sa akin Sera, pero sa maraming tao mag k-kiss kayo?' Biro nito.

Umupo ito sa harap namin ni TH  at saka tiningnan yung menu. Pagkabigay nito ng orddr sa waiter humarap ito ulit sa amin.

"So, anong status na ng plan nyo? Recap nyo sa akin."

"As of now tita, we already had 25% shares of Perralta Inc., May mga properties na din kaming nakuha  sa kanila." Sagot ni TH.

"And?" Usisa ulit ni Mommy habang nakatingin sa akin.

Tumikhim ako. "I'm planning to add more stocks para ako na ang magiging major stock holder ng company." Tipid ko na sagot.

"And? Then?"

"Ahm, gusto ko patikim sa kanila yung walang wala sila."

"Sera, after that. Yun ang gusto ko marinig." Saad ni Mommy.

Ssagot na sana ako nung tumunog yung cellphone ni TH, hindi sinsadya na mahagip ng tingin ko yung name ng caller.

INA.

INA? As in Ina Won? Paano nagkakakilala yung dalawa? At kusang tumatawag pa sa personal number ni TH?

"excuse me ladies, I'll take this call." Paalam nito saka lumakad palayo sa table. Nakasunod yung tingin ko sa likod nito. Maraming katanungan sa isip ko.

"Sera, yung sagot mo hinhintay ko." Si Mommy.

"Well plan ko, totally  maubos ang properties nila. And after that na makita yun I'm planning to sell it with the other company."

"may mga mata ako dito Sera, hindi lang kita ma-confront ng maayos kanina dahil kadartaing ko lang. I've heard na nakikipag lapit ka kay Nathan won."

Hindi ako nakasagot. Pinapasundan ako ni Mommy sa lahat ng galaw ko dito.

"And, I've also heard na may condo kayong dalawa. Hindi kaba natatakot na malaman ni Thomas? Mahal na mahal ka nya. Kung hindi mo papahalagahan yung pagmamahal nya baka makuha na sya ng iba."

Napa-kuyom yung kamao ko. "What do you mean?"

"Sera, maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. At wala akong gusto na iba para sayo kundi si Thomas lang. Huwag kang maglaro sa apoy Sera, Hindi kayo pupwede ni Nathan Won. Remember that."


Magtatanong pa sana ako nung bumalik na sa table si Th,

"Let's eat." Nakangiting sabi nito.






A/N: Nandito na si Mommy Nadia.
Sino kaya yung kakilala nya na isa sa mga share holder?

Comment down below. :)

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 24, 2021 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Sera's RevengeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum