Chapter 9

11.7K 164 9
                                    

9

MR. PERRALTA POV.

"Alfred, ano na ang desisyon mo?" Bungad na tanong sa akin ni Samantha ang aking kabiyak.

"Kelangan maging maingat tayo sa pag dedesisyon. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan natin."

Nung pinakasalan ko si Samantha hacienda lamang ang pag aari ng mga ito. At ayoko naman na sabihin ng iba na umaasa lang  ako sa mga See lalo na sa mga magulang ni Samantha kaya nag susumikap ako na magtrabaho hanggang sa nakaipon ako at nakapagtayo ako ng Peralta food Inc.

Masasabi ko naman na naging matagumpay ang negosyo ko hanggang sa akin na hinabilin ng mag asawang See ang pamamahala ng hacienda.

Mas lalo lumago ang hacienda at hindi din namin inaasahan na sa biglang paglago nito unti unti ng bumabagsak ang hacienda.

Hindi namin magawang ipaalam sa mga tauhan na naninirahan at nagtatrabaho doon dahil mas lalo lamang makadadagdag iyon ng problema.

Bumagsak ang kita ng hacienda simula nung bagyong Ondoy. Madaming hayop ang namatay at mga pananim na dapat mahaharvest na at sa kasamaang palad ay nasalanta ng bagyo.

Sa isang iglap nasira ang lahat. Kelangan ko palitan ang mga hayop at mag patanim ulit. Naubos lahat ang tinatagong kita ng hacienda kaya nakahiram ako ng malaking halaga sa bangko para na din sa kikitain ng mga tauhan.

Dahil sa di inaasahang pangyayari. Walang harvest at wala din kaming naisupply sa factory at na pilitan kaming bumili ng mga kekelanganin na sangkap sa ibang lugar na mas lalong tumaas ang presyo dahil sa bagyo.

Malaki ang nilabas kong pera para sa mga sangkap at mas lalong di ko inaasahan na ang isa sa mga kabusiness partner ko sa Perralta Food Inc. ay itinakbo ang milyong halaga na pera ng kompanya.

Muli akong nangutang sa bangko na sya lalo nagpapalubog sa amin ngayon.

May isang kakilala akong business man din na nabanggit nya sa akin ang Vision. Ang kompanyang nag iinvest sa mga papaluging business kung hindi gugustuhin ng may ari na ibenta ito.

Nung una na aalangan ako lalo pa't baka modus ito kumbaga. Pero ayon sa mga kakilala ko na business man din, Malaking kompanya daw ang Vision at ito na daw ang takbuhan ng mga business man na papalugi ang negosyo lalo pa na wala ng mahihita pa kahit anong sentimo doon.

Sa laking gulat ko, mismong Vision ang tumawag sa akin at naglahad ng proposition. Kaya pinaunlakan ko na pumarito ang mga ito para tingnan kung anong maiooffer nila.

Nung una inilahad ni Mr. Evans sa akin na ang gusto nila ay mag invest sa hacienda ng 30 % na hanggang bumaba sa 20 % na agad ko paring tinutulan.

Hindi ko pala maatim na ipag invest ang hacienda dahil ito na lamang ang natitirang may ala ala sa akin kahit na hindi ko ito pag aari.

Kumbaga may sentimental value ito sa akin.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now