29

9K 130 22
                                    

29

"kamusta ang engagement?" Tanong ko kay Sam. Pinupunta ko ito para makibalita sa nangyaring engagement may isang linggo ng nakararaan.

Hindi agad ako nakibalita dito dahil pinamamatyag ko muna ito sa mga nangyayari after ng engagement.

"well, priceless ang itsura nila. Sino ba naman ang hindi matatakot at nagpapanic kapag pinadalhan ka ng bulaklak na pang funeral sa mismong araw ng engagement mo?" Lintaya nito.

Napahalakhak ako. "Sayang hindi ko nakita ang expression ng mukha ni Janna."

"Takot na takot talaga. Grabe pa nga makayakap kay Nathan eh."

Panimula pa lang ng plano ko iyan kay Janna.

"Nga pala Sera. Alam mo bang si Yanna ang pinagbibintangan ngayon ni Janna."

Napatingin ako bigla dito. Maliban kay TH na bestfriend ko, isa din si Sam ang pinagkakatiwalaan kong tao at malapit sa akin. Kaya kampante ako dito. Masasabi ko na din na girl bestfriend ko ito. Assistant ko ito sa Vission at tumutulong din ito sa akin sa pagtatrabaho ng plano ko.

"Talaga? Wala iyon sa plano ko. Kaya pala tumawag sya nakaraan at tinatanong kung ako daw ba ang nagpadala ng bulaklak sa engagement."

Tumayo ako at pumunta sa counterbar ng suite para magsalin ng wine sa aming dalawa.

kinuha muna sa akin nito ang wine glass bago nagsalita. "Anong sabi mo? Nakita ko kasi si Janna na galit na galit at pinagmumura sya."

"I told her, why would I? I feel sorry for her pero maaaring makasira sya sa plano ko."

Nagtatakang tingin ang binigay sa akin ni Sam.

"She's a childhood friend of Nathan and lemuel. Kaya kapag nalaman nya ang buong plano ko baka bumaliktad iyon." kwento ko dito sabay inom ng wine.

It feel so good! Yung paunti unti ng naayon ang mga plano ko.

"May point ka. Tsaka malaki ang utang na loob nya sayo."

"Kahit na sabihin pang malaki ang utang na loob nya sa akin. Kapag pinairal nya ito." Tinuro ko ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso. "Kapag pinairal nya ito at hindi ang utak. Walang mangyayari. Kaya pinasunod agad kita dito dahil mahirap na kapag inasa ko lahat sa kanya."

"She's inlove? To whom?"

"Sa lalakeng pinupuntirya ko ngayon Sam. Kaya mahirap na."

Tumawa ito. "Oh!! The infamous Nathan Won. Trabahuin mo na ng matindi yan friend dahil kapag dumating na si Tom mahihirapan ka na."

Tom ang tawag nito kay TH. Ako lang naman ang tumatawag ng TH sa kanya.

"Kaya nga. Anyway magiging busy ako this week. May papagawa ako sayo. Hindi kasi ako pwede muna pumunta sa ngayon sa Palawan dahil isa iyon sa gusto ni Nathan. Tsaka for safety na din."

"Balik Secretary na kita ulit." imporma ko dito.

Ngumiti ito. "Talaga?"

Tumango ako. "Ikaw ang lalabas muna sa ngayon at makikipag usap dahil hindi pa ako pwede lumantad." Inabot ko ang folder dito.

"Tatrabahuin ko na yang dalawang iyan kasabay si Samantha." Binuklat nito ang folder.

"So anong balak mong gawin ko?" Usisa nito.

" kaibiganin mo si Samantha at kapag napalagay na ang loob nya sayo pahiramin mo ng malaking pera. Kayang kaya mo nang artehan ang ganyang bagay. Nasa folder na iyan kung saan saan pumupunta si Samantha at mas magandang pagkakataon kung sa casino mo sya matetyempuhan.

Sera's RevengeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin