33

8.3K 127 25
                                    

33

TH POV

"Mamasyal naman tayo. Please?" Pangungulit ko kay Sera. Nakatuon ang atensyon nito sa laptop mula ng gumising ito.

Hinalikan ako nito sa sentido sabay harap ulit sa laptop"I can't do that right now TH. Okay? May project ang vission na ipinarereview sa akin ni Mommy."

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Akala ko makakasama ko sya ng buong isang linggo pero ang makakalaban ko naman sa ngayon ay trabaho at ang mission nito.

Kahit labag sa kalooban ko ang gagawin hinarap ko ito. "Kapag natapos na ba ang mission mo na to ng mas maaga papayag ka naba na makasal sa akin?"

Humarap ito sa akin. Napangiti ako ng lihim ibig sabihin nakuha ko ang atensyon nito.

"TH. Why asking all of a sudden? Huh? May problema ba?"

"Sera gusto ko na matapos ang lahat ng ito kaya kahit anong paraan gagawin ko."

Nagtatakang nakatingin lang ito sa akin.

"Diba ang main goal mo naman talaga dito ay kunin ang lahat ng shares ng Perralta Food Inc? Tutulungan kita para matapos na ang lahat ng ito." Tumalikod na ako at lumabas sa Suite nito.

Gusto ko iparamdam na naiinis ako sa kanya dahil minsan na nga lang kami magkita marami pa din syang ginagawa. Pero kelangan kong pigilan ang sarili ko dahil kilala ko Sera napakatigas ng ulo ng babaeng iyon.

Kahit na napakatigas ng ulo niyon hindi pa din mababawasan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Kaya kelangan ko ng kumilos para hindi na ako nakikipag agawan ng oras nito at para mabawasan na din ang panahon na kelangan kong antayin para dito at lalo na sa Mission nito.

Nasa bintana ako ng kwarto ko at nagmamasid sa mga nagtataasang gusali sa labas. Parang nakikita ko ang sarili ko na isa sa mga mababang building at napapagitnaan ng matatas din na mga building. ang matatas na building ay ang trabaho nito at ang Mission nito. Mahirap makipaglaban ng atensyon dahil napapagitnaan ako ng dalawa.

"Im sorry." Sabi nito. Hindi pa din ako lumingon kahit na gustong gusto ko na lingunin ito at yakapin ito. KElangan iparamdam ko na medyo nagtatampo ako dito. Bihira na nga kaming magkita dahil sa dami ng trabaho ko at lalo na sa trabaho nito.

"TH im sorry." Niyakap ako nito sa likod. "Im so sorry. Kung pwede ko bilisan ang lahat ng ito gagawin ko pero hindi maaari."

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Panghuli lang ako sa listahan ni Sera.

"Why?" tanong ko.

"You know the answer TH." Bulong nito.

I know the answer? Of course I know the answer. Dahil sampung taon nito ginugol ang buhay sa pag iisip ng paghihiganti.

Hindi na ako nagsalita pa. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa likod ko.

"3 months TH." Biglang sabi nito na syang ikinataka ko.

"Just give me three months. Tapos man o hindi ang mission ko magpapakasal na ako sayo."

Gusto ko ng matuwa pero agad kong pinigilan baka nabibigla lamang ito at mamaya o sa ibang araw babawiin na lamang nito ang sinabi.

Hindi pa din ako umimik.

"TH?" Hinila ako nito palayo sa bintana at pinaharap ako dito. "Ayaw mo ba? Just give me three months? Please?"

Napatitig ako sa nagsusumamo nyang mukha. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit napakadali akong mapasunod sa lahat ng hiling nito.

"Is that true?" Paninigurado ko. "How about your Mission? Diba matagal mo ng gustong mangyari ito?"

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon