Chapter 41

5.2K 109 37
                                    

41

TH POV

Mag uumaga na ng makabalik ako sa hotel suite. Pagkagaling ko kanina sa supermarket kung saan nakita ko sila Sera dumiretso na ako sa Bar na nakita ko.

Pagpasok ko sa loob ng hotel suite bukas ang lampshade sa may bedside table.

Iisa lang ang ibig sabihin niyon. Narito si Sera. Dahan dahan na umupo ako sa kama para hindi ito magising. Walang sawa na pinagmasdan ko ang magandang mukha nito na payapang natutulog.

Ayoko magtanong kung bakit kasama nito si Nathan kanina. Kung bakit nakita ko silang naghahalikan. Ayoko magtanong dahil alam ko masasaktan ako. Ayokong magalit kay Sera dahil mahal ko sya at handa akong maghintay na magsalita ito sa tamang panahon.

May tiwala ako sa kanya. Pero sa lalakeng iyon wala.

Dahan dahan na inayos ko ang mga buhok na tumatabing sa mukha nito. Gumalaw ito at nagising.

"TH kanina kapa ba?" Medyo namamaos ang boses nito.

Marahang tumango ako. "Go back to sleep."

Hindi ako sinunod nito. Umupo ito at sumandig sa headboard ng kama.

"Saan ka galing? Alam ko kanina kapa dumating dahil iniwan mo lang sa sofa yung mga gamit mo." Nilapit nito ang mukha sa akin. "Uminom ka!! Sino ang kasama mo at saan?" Usisa nito.

Kung kanina ay ayoko magtanong pero may parte sa akin na naghahanap ng mga kasagutan. pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong isipin ni sera na pinagdududahan ko sya.

"Yung bago kong kakilala sa palawan nandito din sa Manila. Nag aya na uminom."

Tinitigan ako nito. "She or He?"

Tumawa ako ng mahina sabay pisil sa ilong nito. "HE. Don't worry sayo lang nakatingin ang mga mata na ito. Okay?"

Lumapit ito sa akin at sinandig nito ang ulo sa balikat ko. "That's good. I love you TH. Just hold on for a moment please? Ilang biwan nalang aasikasuhin na natin yung kasal."

Hinalikan ko ito sa ulo. "Kaya kitang hintayin Sera. Mabilis lang ang tatlong buwan." Pero sa loob ko napatagal nito. Natatakot ako na mahulog sya sa iba. Lalo na sa Won na iyon. "I love you And you know that right? May tiwala ako sayo lalo na sa paghihiganti mo."

Hinarap ako nito at hinalikan.

Tiwala. Isang malaking tiwala para mas lalong tumatag ang isang relasyon.

After one week.

Tiwala. Oo nagtitiwala ako kay Sera pero kahit anong gawin ko maraming scenario ang pumapasok sa utak ko. Wala akong tiwala kay Nathan Won. Gusto ko man i-check araw araw si Sera pero baka makahalata iyon. At iyon pa ang simulan ng away namin. Isa sa ayaw nito ang sinusundan bawat galaw nito.

"Sir you have a visitor. She said its personal." Imporma ng secretary ko mula sa intercom.

She? Wala akong appointment ngayong oras. "Who is it?" Tanong ko sa secretary.

"Ina Won Sir."

Ina Won? Yung maliit na babae at maingay? Yung babae na sunod ng sunod sa akin at hindi ako tantanan ng dahil sa pangit na lasa ng pasta nito?

Ano ang kelangan nito? At nasundan pa ako nito dito? At sa mismong opisina ko pa!!

"Let her in."

Lumipas ang limang minuto pumasok ito. Masisilaw ka sa kulay ng suot nito. Hot pink dress na hanggang tuhod at nakascarf na pa ito. Ano nga ba ang tawag sa mga babaeng ito?

Starts with letter K.

Ahh! KIKAY! oo pasok si Ina sa kategoryang iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi na ako tumayo sa kinauupuan ko.

Lumapit ito sa may table ko. "para ibalik ito." Pinatong nito sa table ang isang wallet na kulay itim. Kahit hindi ko bukasan iyon alam kong akin iyon. napatayo ako.

"Pagkagaling mo sa supermarket sinundan kita at hindi mo ako napapansin dahil occupied ang isip mo nga mga oras na iyon. Sinundan kita hanggang makauwi ka. Nahulog yang wallet mo pagbaba mo ng taxi sa hotel na tinutuluyan mo.

Regalo iyon sa akin ni Sera. Nakaramdam ako ng kaba sabay titig kay Ina at muling tiningnan yung wallet. Nakita kaya ni---

"Nakita ko na Thomas! Yung babaeng nasa supermarket na kasama ni Nathan na si Serena Vega. Sya si Sera Portman hindi ba? At ang picture na iyan ang magpapatunay." Binuksan nito ang wallet at bumungad sa akin ang picture na nakadisplay sa wallet ko.

Ang picture na iyon ay kuha sa isang photo booth kung saan may apat na ibat ibang pose. Pose na pareho kaming nakaharap sa camera, pose na hinahalikan ko sa pisngi, ang isa naman ay ito ang nakahalik sa akin at ang huli ay naghahalikan na kami.

Napalunok ako.

"Hindi mo na kelangan magpaliwanag dahil kilala ko na si Sera Portman. Nag imbestiga ako. Anak sya ni Nadia Portman at sya na ngayon ang presidente ng vision at kaisa isang taga pagmana ng kompanyang kilalang kilala na. At kasintahan mo sya diba?"

Nakatitig lamang ako kay Ina. Blangko ang nasa utak ko. Wala akong maisip na idahilan o paliwanag.

"Ang ipinagtataka ko. Bakit kelangan magpanggap pa no Sera Portman as Serena Vega? At ngayon sya pa ang hidden woman ni Nathan. Hindi ba nakakapagtaka iyon?" Lumapit ito sa akin. "Pinaiimbestigahan nila Nathan ang Vision at hindi nya alam na ang tao pinaiimbestigahan nya ay nasa tabi nya lang. Ano kaya magiging reaksyon nya?"

Hindi pwedeng masira ang lahat ng pinaghirapan ni Sera dahil sa matabil na dila ng babaeng ito.

"Anong kelangan mo Ms. Won? Hindi ka basta basta susugod dito para ibalik lang ang wallet ko ng basta basta. Kung gusto mo na mahuli si Sera binigay mo na agad iyan kay Nathan."

Ngumiti ito sa akin ng matamis sabay nag clap pa ito. "Yan ang gusto ko sayo Thomas. Ang talino mo. Ang kelangan ko?" Lumapit ito sa table ko at hinarap ako.

"Ikaw ang kelangan ko Thomas. Ikaw."

A/n: sorry guys kung inabot ng ilang buwan bago ako nakapag UD. Sorry talaga. :( ano po masasabi nyo sa chapter na ito?

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon