Chapter 6

13.9K 168 10
                                    

6

Nang araw na ito napag pasyahan ko na maglakad lakad malapit sa may hacienda. Itinago ko na lang ang sarili sa pagsuot ng sumbrero at shades.

Mahigpit ang seguridad ng hacienda kaya hindi ako makakapasok ng wala akong kamag anak o kakilala sa loob ng hacienda at kung wala akong transaction sa mga See.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at pag mamasid sa labas ng hacienda. Malaki na ang pinagbago ng hacienda. Pero mapaglinlang ang kagandahan na iyon dahil hindi aakalain ng sino man na pabagsak na ito.

"Miss!"

Wala sa loob na bumagal ang paglalakad ko. Somehow, parang kanina ko pa naririnig ang pagtawag na iyon hindi ko lamang pinapansin dahil sa pag iisip ko sa hacienda.

"Miss." Pagalit na tono na ang pagtawag.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang lalake. May bahagyang kaba akong naramdaman ng makitang si Nathan ang kasunod ko.

Kaba dahil sa titig nito na tila di ako dapat pagkatiwalaan. O dahil iniisip ko lamang iyon dahil may agenda ako?

"Ako ba ang tinatawag mo?"

"Malamang dahil wala ng ibang naglalakad dito sa ngayon dito kundi ikaw." Naiinis na sagot nito.

Napatingin ako sa paligid. Wala ngang ibang tao sa ngayon kundi kaming dalawa lang.

Hindi ko maiwasang suriin muli ito. He must be around five feet and 11 inches. Chinito. Ang kaputian nitong balat ay bahagyang namumula dahil na din siguro sa pagbibilad nito sa araw. He had gorgeous eyes with dark eyelashes. At katawan na hahabulin ng mga kompanya para lamang mag endorse ng mga kilalang tshirts o alak.

At natitiyak ko na walang babae ang hindi mag uukol ng pangalawang tingin dito o ng muli at muli pang tingin kahit na bahangyang naiinis ito.

"Miss." Tawag pa ulit nito. "Natulala ka na?"

Bahagya kong pinilig ang ulo. "May kelangan ka ba?" Hindi ako makaisip agad sa ngayon kung paano ako makikipaglapit sa lalake na to.

"Kanina pa kita sinusundan dahil inutusan ako ni Ina na puntahan ka sa room mo dahil hindi mo daw sinasagot ang mga tawag nya." Naiinis pa rin na sabi nito.

Kaya pala naiinis dahil inutusan pa ni Ina.

Hindi ko muna sinasagot ang ano mang tawag ni Ina kahapon dahil mag hapon kaming nag brain storming ni TH para sa pagbabago ng plano para kay Mr. Perralta. Change tactics ang gagawin dahil nag mamatigas si Mr. Perralta na mag invest kami at ang kalaban naming kompanya ang gusto nitong kunin.

"Kanina pa kita tinatawag kaso mukhang bingi ka pa ata." Nangiinsultong sabi pa nito. "Nasasayang ang oras ko sa mga kabalbalang ito."

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi nito. Ang walang hiyang to! "FYI hindi ko naman sinabi na sundin mo ang utos ni Ina ah? Tapos ngayon sasabihin mo na sinasayang namin ang  oras mo?"

nakakabwisit ang lalakeng ito. Ito ang pakakasalan ni Janna? Aba mabuti buti pa na si Lemuel na lang dahil kahit na niloko ako nyon ay mabait pa ng konti.

At take note. Ang lalake na to ang kelangan ko sa mission ko? Aba! Kung di ko lang kelangan ang bwisit nito. Nunca na papansinin ko to kahit na ubod ng gwapo kung masama naman ang ugali!!

"Atleast na magpasalamat ka nalang---"

I immediately cut him off. "Magpasalamat? Pasasalamatan kita? Then THANKYOUVERYMUCH! Next time if Ina ask you again tungkol sa akin. IGNORE IT!" pagkasabi niyon ay tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now