chapter 26.1

9.1K 167 22
                                    

26 Part 1

“hey.” Bungad na sabi ni Nathan ng pagbuksan ko ito ng pinto.

“How’s your business trip?” usisa ko.

Pumasok na ito sa loob ng suite at nilapag muna nito sa may lamesa ang dala dalang paper bag.

“Boring.” Umupo ito sa sofa at isinandig ang ulo nito sa sandalan.

“are you okay?” tanong ko.

Haggard na ang itsura nito dahil sa mga nagtutubuan na stubbles. Pumunta ako sa likod nito at hinilot ang sentido nito.

“that’s good.” Pumikit ito. Mula sa sentido bumaba ako sa balikat nito at iyon na ang sunod kong minasahe.

“Dumiretso ako dito after ng board meeting.” Patuloy pa din ako sa ginagawa ko.

Nagkaroon ng meeting sa Perralta Food Inc? At ano kaya ang pinag usapan ng mga ito?

“wala ka pa palang pahinga nyan. matagal pa siguro natapos yung board meeting nyo.” Concern na sabi ko dito kunwari. Pero ang totoo nyan kumakalap ako ng impormasyon dito.

“umabot ng 2 hours. Nagbabalak kasi ng expansion yung mga board.”

Napatigil ako sa pag mamasahe. Expansion? Si Alfred ang nakaisip nyon? Sa kukuha ito ng pera?

Pinagpatuloy ko ulit ang pagmasahe. “Talaga? Malaking pera ang kailangan dyan.”

“Yeah. Ang mga board gusto ng expansion pero yung president ayaw.”

Hah! Unti- unti ng mabubunyag kapag nakataon ang lihim ng mga See. Lihim na bankrupt na sila.

Napangiti ako ng lihim. “Paano yan ngayon? Kayong mga board maglalabas ng pera?”

“we still don’t know. Muling pag uusapan yan. Anyway nag dinner ka na ba?” humarap ito sa akin.

Umiling ako. “lalabas na sana ako ng dumating ka. Mag papa room service nalang ako para di na tayo lumabas.”

Tumango na lamang ito.  Pagkatapos kung tumawag ng room service tumabi ako sa kinauupuan nito.

Inakbayan ako nito. “anong pinagkaka-abalahan mo nitong mga nakaraang araw?”

“naghahanap ako ng condominium para di na ako laging nakahotel.” Pag sisinungaling ko.

“nakahanap kaba?” tanong nito.

“wala pa. Nawili din kasi ako mamili.” Another kasinungalingan na naman. Pwedeng pwede na ako mag master sa galing ko magsinungaling.

“bukas sasamahan kita mag hanap.”

Nakangiting hinarap ko to. “ Talaga?”

Tumango na lamang ito kaya ibinaling ko na lang ang paningin ko sa T.V na kanina pa bukas.

“Serena.” Tawag nito.

“hmm?” lumingon ako dito. Saktong pag lingon ko ang lapit lapit na ng mukha nito sa akin.

(A/N: SA MGA MINOR PO DYAN.pasintabi po dahil ang sa baba nito ay hindi pa bagay sa inyo. Pero kung mapilit po, kayo ang bahala. READ at YOUR OWN RISK! Okay? Ayoko na makakabasa po ng YUCK, BASTOS. Okay po ba? Dahil ang istorya ko po ay talagang detalyadong tagalong. Mahirap ilagay sa English at baka magkamali pa ako. Bawhahahahah)

Mas lalo nitong nilapit ang mukha sa akin, hinawakan nito ang magkabilaan ng ulo ko. Dahan dahan na nilapit nito ang labi nito sa labi ko.

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang Segundo na magkalapat lang ang mga labi namin bago nito nilaliman ang halik. Noong una hindi ako gumaganti.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now