Chapter 5

13.8K 184 4
                                    

5

Sa ilang araw ko na pag sstay dito wala pa ding progress ang paglalapit ko kay Nathan. Pero patuloy pa rin ang pagkakaibigan namin ni Ina. Well, mabait naman sya at malaki din ang naitutulong nya sa akin pagdating kay Nathan.

Si Ina na ang nagpahiram sa akin ng membership card nya at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na malapitan pa si Nathan. Sa una palang halatang ayaw nya na talaga sa akin.

"Saan ka ba nitong mga nakaraang araw? Hindi kita mahagilap sa suite mo." Bungad sa akin ni TH. busy ako sa pagbabasa ng mga reports na binigay ni Yanna.

"May inaasikaso lang ako." Sagot ko.

"At ano naman yun? Ilang araw ka ng nasa labas baka naeexpose na ang mukha mo nyan ah?"

"Isa ito sa mga plano ko. Just trust me okay? Don't worry nag iingat talaga ako." sagot ko dito.

Hindi na lang sumagot si TH at nanatili na lamang nakasandal sa sofa.

"May problema ba?" Concern na tanong ko. Halatang haggard na haggard si TH.

"Ang hirap kausapin ni Mr. Perralta. Hindi nya gusto ang mga proposition na binibigay natin. Pero yung asawa nya payag naman. Si Mr.Perralta lang talaga ang problema." Napapagod na paliwanag nito.

"Tanungin mo kung ano ang gusto nya at ng mapag aralan natin." Sagot ko. Kelangan namin makuha ang kiliti nya dahil gusto ko ng matapos ito at makita ang reaksyon sa mga mukha nila.

Napatiim bagang ako kapag naaalala ko yung nangyari noon. Gusto ko sila ang luluhod ngayon sa akin katulad ng pag luhod ko sa kanila noon.

*beep*

Ina calling

"Yes?"

Napatingin ako kay TH. Nagtatanong ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

(Where are you? Kanina pa ako kumakatok sa room mo. Wala atang tao.)

Hindi talaga ako natutulog sa binigay nyang kwarto.

"Ah. Namasyal kasi ako kanina." Pagsisinungaling ko.

(Where are you? Dinner naman tayo please?)

Sa ilang araw na nakasama ko si Ina. Napansin ko na may pagkachildish ang babae pero wala naman ako masabi sa ugali nya dahil mabait talaga. Feel ko para akong ate nya dahil ako ang matured sa aming dalawa.

"Okay. Saan ba?"

(Doon tayo sa badjao seafront. I promise na magugustuhan mo doon dahil nasa dagat ang restaurant at ang ganda talaga ng view.) excited na na sabi nito.

"Sige. I'll be there. Anong oras ba?"

(7  pm. Hindi mo naman alam papunta doon kaya ako nalang pupunta dyan okay? Hmm. Actually paakyat na ako dyan.) tapos humagikhik pa ito.

Napatayo ako bigla sa upuan ko. SHIT!! Nagpapanic na tumingin ako kay TH.

"ah sige. Sandali." Agad ko pinutol ang tawag at nagmamadaling kumuha ng damit sa closet.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ni TH.

"May dinner kami ni Ina. At papunta na sya sa kwarto ko." Nagmamadaling kinuha ko ang bag ko.

"Wait naguguluhan ako."

"Diba may dinner ka pa mamaya sa mga See? Mag eexplain ako sayo mamaya okay?"sabi ko dito sabay halik sa pisngi nya.

Lakad takbo ang ginawa ko papuntang elevator.

Pagdating ko sa lobby ng 6th floor kung saan ang kwarto ko nakatalaga. nasa harap na ng pintuan si Ina at aakma na sanang magdoorbell.

"Ina." Tawag ko dito.

"Saan ka galing?" Takang tanong nito.

"Ah. Nasa labas kasi ako doon sa may pool. Nabobored kasi ako." Pagsisinungaling ko.

"Ah. Magbihis ka na. Aantayin na kita. Sorry kung di kita nabigyan ng time na matagal."

 binuksan ko na yung pinto ng kwarto  at sumunod na sa akin si Ina papasok.

Agad ako nagbihis at niyaya na itong lumabas para mag dinner.

Nasa kalagitnaan na kami ng dinner ng mamataan namin sila TH na papasok kasama sila Nathan, Janna at ng mga See.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi dapat nila ako makita. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Hindi ako mapakali sa kakaisip. Umupo na sila TH sa may gitnang part ng restaurant habang kami naman ay sa gilid.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ina ng mapansin na tila balisa ako.

Hindi naman ako pupwede na magdahilan na pumunta ng restroom dahil pagbalik makikita ako lalo pa't madadaanan ko ang table nila bago ka makapunta ng restroom.

"Medyo nahihilo ako. Tapos kana ba?"

"Sige uwi na tayo. Busog na din ako eh. Saglit lang hihingiin ko na yung bill natin." Tinawag na nito ang padaan na waiter.

Sana ako nalang ang tumawag ng waiter dahil sa pagtawag nito napansin nito si Nathan na nasa gitnang table.

"Si Kuya Nathan yun ah? Hmfff. Kasama nya pala si Janna."

Nakangiwing sabi pa nito.

Ayaw ba nito kay Janna? Sa ilang araw na kasama ko si Ina at base sa mga kwento nito. Close talaga ito sa pinsan.

Nang mabayaran na namin yung bill agad na kami lumabas pero sa kasamaang palad papalapit na si Nathan sa amin.

Oh SHIT ulit!!  Natataranta na ako. Dahil nakukuha na nila ang atensyon ng kabilang table. Agad ako tumalikod at nagmamadaling lumabas.

Paglabas ko pumasok na ako sa kotse na dala namin at doon nalang inantay si Ina.

Hindi pa ito ang panahon. Gusto ko kapag nakita na nila ako yung tipong wala na silang ibang choice 

"Bakit nauna ka na? Nagtaka tuloy si kuya. Sabi ko nalang na nahihilo kana." Sabi ni Ina pagkapasok nito sa driver seat.

"Sorry ha? Kung nasira ang dinner natin." Hinging paumanhin ko.

Ngumiti ito. "Okay lang yun. Ihahatid na kita. Bukas punta sa coffee shop ko ah? Ipapasyal kita ulit."

Nakangiting tumango na lamang ako. Pero may bahagi ng puso ko nanghihinayang dahil isang kaibigan ang mawawala at si ina iyon.

Ilang oras na akong nagbabasa ng mga paper works kaya nangangalay na din ang leeg ko. Maagang nagpaalam si TH na magpapahinga na.

Na ipinagpapasalamat ko na hindi nya ako nakita kanina at hindi nadin nya inusisa pa yung pagtawag ni Ina sa akin.

Hindi ko naman masisisi si Th na mag alala sa akin dahil nung panahon na kelangan ko ng masasandigan sya at si  Mommy Nadia ang tumulong sa akin.

Nababagot na tumayo na lang ako at nagbihis.

Pupunta na lang ako sa coffee shop ng hotel dahil tiyak na magdamagan na naman ako nitong nasa harap ng study table.

Bitbit ang laptop agad akong lumabas ng kwarto. Lumalakad na ako sa lobby papunta ng elevator ng biglang bumukas ang kabilang kwarto. Dadalawa lang ang kwarto na meron ang floor na to isang presidential suite at yung isang private room. Ayon kay Yanna.

Nasa iisang floor lang kami nag sstay ni Nathan!!

Oo si Nathan ang lumabas Sa kaharap ko na kwarto.

"Excuse me." TAwag nya sa akin.

Buti nalang bago nya ako nakita nakatalikod na ako. Hindi ko sya pinansin. Binilisan ko nalang ng lakad papasok sa kwarto.

Napahawak ako sa dibdib. Dalawang beses na akong muntikang mahuli sa araw na ito.

 vote vote vote.:)

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now